Inis na tinanggal ko ang kamay ni Vaughn sa aking bewang at sinamaan siya ng tingin pero dahil makulit siya, niyakap na naman niya ako nang mahigpit hanggang sa maramdaman ko na naman ang kaniyang yakap sa aking bewang na mas lalong nagpainis sa akin. Ilang araw na kaming ganito at ilang araw na rin akong absent sa pagtatrabaho. Hindi man lang niya ako tigilan at patuloy pa rin sa pag-aaya sa akin. Palagi niyang sinasabi na marmami akong utang sa kaniya pero halos nga maubusan na ako ng hininga dahil sa kaniyang ginagawa sa akin. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi lalo na ngayon. Aya nang aya tapos kapag napagod, aawayin ako. Hindi ko siya maintindihan! Ang sarap niyang kurutin pero kapag ginawa ko iyon ay aayain na naman niya ako hanggang sa ako na ang mapagod

