Pagkarating namin sa bahay na kung saan napapaligiran nang malawak na bukid ay mabilis niya akong pinapasok sa bahay at saka isinara nang mabuti ang pinto. Hinahabol ko ang aking paghinga hindi dahil sa pagod. Kung hindi ay dahil sa pagkasabik sa aming gagawin. Pagkatapos niya kasi akong halikan ay mabilis niya akong tinulungan sa pagsusuot ng damit at saka kami nagpalaam kay Mia. Sinabi rin ni Vaughn na susunod kaagad ang kaibigan niya para bantayan ang aking kapatid doon na mag-isa lamang. Nang matapos niyang isara ang pinto, dali-dali niya akong binuhat saka sinimulang halikan habang kami ay papunta sa isang kuwarto. Binaba niya ako sa malambot na bagay nang hindi napuputol ang aming halikan at saka mabilis na tinanggal ang aking suot na damit. Pansamantala naming itinigil ang ami

