"Ate! May naghahanap yata sa iyo sa labas," saad ni Mia. Napakunot ang aking noo at mabilis na nagpunta sa labas. Bahala na kung hindi pa ako tapos sa paglilinis ng bahay. Mukhang importante kasi ang bumisita pero wala naman akong inaasahang bisita ngayon maliban kay Vaughn. Natigilan ako nang mapansin ko ang magarbong sasakyan sa harap. Sa pagkakaalam ko ay isa itong sports car at halatang mamahalin base sa logo ng sasakyan. Nang marakarating ako sa bandang gate, biglang umangat ang pinto ng sasakyan at mabilis na lumabas ang isang babae na hindi naman ako pamilyar. Nakasuot ito ng sunglass at mga mamahaling alahas. Lumiit din ang aking mga mata nang masinagan ang kaniyang mga alahas ng araw dahil kuminang ang mga ito. Base rin sa kaniyang suot na dress at heels, halatang branded ang

