Nalilito man ang isipan kung saan siya dadalhin ni Enton ay pinili na lamang ni Akie manahimik habang nakasakay siya sa sasakyan ni Enton. Habang nasa biyahe sila ay hindi maalis sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng mama ni Andrew. Masakit ang masisi, pero siguro nga'y tama lamang na sa kaniya isisi ang lahat dahil kasalanan naman talaga niya. Kung hindi siya tumakas, siguro buhay pa rin ngayon si Andrew. Muling umusbong ang mga luha niya sa mga mata. Iisipin pa lang niyang patay na si Andrew ay para na rin siyang pinapatay. Hindi niya malaman kung paano ba ang gagawin para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Makakabangon pa ba siya, o baka ikabaliw niya ang pagkawala ng lalaking mahal. Nang makita niyang nakatingin sa kaniya si Enton ay kaagad niyang pinahid ang mga luha. Umi

