Pagbalik namin ng Manila, naging okey naman ang lahat. Ilang linggo na rin ang dumaan. Everything is fine. Madalas kaming nagkikita ni Zach kahit na busy siya sa trabaho niya. Bumalik ako sa bahay namin. Medyo hindi na maganda ang atmosphere ng bahay. Lagi kong naririnig si mommy na umiiyak sa kwarto niya. Minsan sa veranda. Wala naman akong lakas ng loob na lapitan siya. Alam kong paaalisin niya lang ako. I found my salvation from Zach. Lagi niya akong pinapasaya. Lagi siyang nagpapadala ng kung anu-ano sa bahay. I told him about my plans. He told me about his. Sa totoo lang, may balak akong magtrabaho sana. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin oras na maghiwalay ang mga magulang ko. Hindi naman pwedeng dumepende ako kay Zach. We're not married yet saka kung pakakasalan ko siya hindi pa

