I found peace in Ken's condo. I love this place. Kita mula rito amg buong city. Wala si Ken. May pasok. Ayaw ko naman na umabsent pa siya para lang bantayan ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Para hindi ma-bored, I decided to clean the condo kahit na wala naman masyadong lilinisin. I looked at the refrigerator to find out na walang laman iyun. Tsk. Kung mag-grocery na lang kaya ako ngayon? Paglulutuan ko siya para naman makapagpasalamat ako sa kanya. Alam kong wala lamg iyun kumpara sa tulong niya but at least diba? I smiled. Tiningnan ko muna kung may pera pa ba ako. Gladly, may naipon naman ako mula sa perang binibigay sa akin ni mommy. Tama na siguro ito. Pumasok ako sa kwarto ko at mag-aayos na sana ng marinig kong mag-ring ang phone ko. Nagtataka kong tiningnan iyun. Halos mahulog

