"Thanks for earlier." wika ko kay Ken ng nasa parking lot na kami. She rolled her eyes. "I just did that dahil sobrang napapahiya na ako dahil sayo. Dapat di na ako pumayag nang sinabi ni mommy na isama kita. Una pa lang, alam ko nang madadamay lang ako sa ka-cheapan mo. Papatol ka na lang rin ng lalaki, yung ikakasal pa." Napayuko ako. Pumasok na siya sa loob ng kotse niya matapos ilagay sa likod ng sasakyan ang mga pinamili niya. Naiwan ako doong nakatanga. I really feel so small today. I thought Zach will take care of it. Akala ko walang magiging problema. I didn't expect that to happen. Nanghihina kong in-unload ang cart at nilagay ang mga grocery bag sa kotse. Matapos iyun ay pumasok na ako sa loob. Doon ay agad na bumuhos ang mga

