"Kung may problema ka, dapat sinabi mo sa akin o kina Acey o Ericka... Hindi yung ganito, Stephanie. Alam mo ba kung gaano kaming nag-aalala ng malaman namin ang nangyari sayo? I went to your house. Pinatapon ni Tito ang mga gamit mo sa kalsada. Hindi ko alam kung anong problema niyo but I am here to help. I told mom and dad na doon ka na muna sa amin. Pinadala ko na ang mga gamit mo sa bahay." Hindi ko matingnan si Edmund sa mga mata. Nahihiya ako. Ang laki kong perwisyo sa kanila. Andito kanina sina Acey at Ericka. Kakaalis lang nila. Babalik na lang raw sila bukas. "Sana naman na-realize mo na suicide is not the solution to your problems." I still think it is though. I still want to end my life... But I am too weak to even stand up

