Nagising si Carol na wala si Astaroth sa kaniyang tabi. Hindi na lamang niya iyon binigyang pansin at lumabas na lamang sa silid. Hindi na siya nag-abala pang mag-ayos sa kadahilanang maganda na naman siya kahit walang ayos. "Good morning clingy parents of mine," pagbati ni Carol sa kaniyang mga magulang na abala sa paglalampungan sa kanilang sala. Dagli namang naghiwalay ang nga ito at tiningnan pa siya ng kaniyang Ama ng masama. "Why are you glaring at me, Dad?" kunwari'y walang alam na tanong ni Carol. "Magkapatid nga kayo ng Kuya mo, parehas kayong wrong timing," reklamo ng kaniyang Ama habang nakabusangot. Isang malakas na lagapak ang pumaibabaw sa loob ng kanilang mansion at iyon ay nang dahil sa malakas na paghampas ng kaniyang Ina sa likod ng kaniyang Ama na ngayon ay nakang

