Ako ay isang lantang gulay—ay mali. Ako si Wiatt Carol Ruscitti Perez na walang buhay. Laging tulala at madalas ay maputla at iyon ay dahil masyado na naman akong babad sa trabaho at kahit ang parents ko ay stress na sa'kin na dapat hindi naman because I love what I'm doing at isa pa, humihinga pa naman ako. I'm twenty-six now. Nag birthday ako sa hospital at talaga namang sandamakmak na sermon ang inabot ko sa pinakamamahal kong Ina. My Kuya Charles went home because it's my birthday pero wala siyang naabotang Wiatt Carol sa bahay dahil ako nga ay nasa hospital. My Kuya Fintan and Kuya Maxon greeted me via zoom because they are both out of town at syempre happy naman ako ro'n because they remembered it. Ipinipilit pa nga ng mga ito na magbakasyon ako sa ibang bansa but I said no because

