A gentle pat wakes me up at ang nakangiting imahe ng driver ni Kuya Fintan ang bumungad sa aking harapan kaya naman dagli akong napaayos at ginawaran din ito ng ngiti. "H-hello po," bati ko rito habang maliit na nakangiti. "Nandito na po tayo Ma'am. Kanina pa po kita ginigising," ani nito at bahagya pang nagkamot ng ulo. Mabilis naman sa alas kuwatrong lumabas ako ng kotse at syempre nagpasalamat din ako sa driver ni Kuya Fintan na siyang naghatid sa akin. Masaya akong sumakay ng private plane na pagmamay-ari ni Maxon kaya naman pala kampante si Kuya Fintan kanina, iyon pala private plane ni Maxon ang gagamitin ko. "Welcome aboard Ma'am Carol, coffee?" nakangiting bati sa akin ng flight attendant. I smiled back at her and said, "Yes please, with two spoon of sugar." Habang wala pa

