"Ah oo e." Hindi man lang pinahaba ang sagot, ang damot ah? Ganyan lagi ang ikot ng convo namin.
"Nathan, makulit ba ako? Nakukulitan ka ba sakin?" Tanong ko dito.
"Mmmm, makulit ka." sagot nito.
"Nakukulitan ka?" Tanong ko pa.
"Medyo." busy siguro to.
"May gusto ka? Crush?" Tanong ko.
"Ah oo e." Aww hindi man lang nag sinungaling.
"Ahh sige." Tinigilan ko muna ang kakachat ko sakanya dahil baka nakukulitan na sya saakin. Hindi naman ako nahirapan dahil naging busy din ako sa school.
"HI!" pag babalik ko haha
"Uy" sagot nito.
"Trotropahin o jojowain tayo" tanong ko
"Sige"
"Ako muna, ahmm si Amanda?" TANONG KO
"Trotropahin."
"Samantha?" jowa nya dati.
"Trotropahin.
"Jackelyn?" Yan ang bago nyang gusto, inalam ko lahat.
"Ahmm how did you know her?" woah yan na ata ang pinaka mahabang chat nya saakin.
"I have my ways. So what?"
"Jojowain." ouch ah?
"Me?"
"Trotropahin." okay!
"Done, thank you for you time!" matapos kong sabihin yun ay nag react nalang sya.
Sa sumunod na araw ay chinat ko ulit sya.
"oy, bawal na ba talaga?"
"Ano ba? paulit ulit ka ah? HINDI NA NGA PWEDE! Ano ba ang hindi mo maintindihan? A.YO.KO." mm, bawal na kasi Thea haha.
"Nag iba kana. Miss ko na yung dating Nathan yung palatawa? Lalo na saakin haha."
"Wala na sya, nag babago ang tao." Yun na ang huli naming chat, sinabi ko iyon kay Amanda. Sabi ko din na never nya ako minahal dahil hindi nya naman kasi saakin sinasabi ito.
"Thea, may sasabihin ako." Sabi ni Amanda.
"Ano yun?"
"Dati, gusto ko na talaga sya. Kaya malapit kami, syempre mag kakaibigan din tayo nun. Pero sinabi nya saaking mahal ka nya, doon ako nasaktan. Lagi nya saaking sinasabi na mahal na mahal ka nya, na napaka ganda mo. Kahit masakit nakangiti parin akong nakikinig sakanya, He really inlove with you that time. He always told me that he really really love you. Diba dati? lagi ka nyang pinag tatanggol? dahil simula palang nung una ay mahal ka na nya, torpe lang sya pag dating sayo. Kaya nga grabe kung mang asar yun sayo diba?" Sabi nito. Napaluha nalang ako. He never told me that he love me! Wala man lang akong narinig kahit isa.
"No he didn't."
"Yes he did, pinapasabi nya saakin pero kasi gusto ko sya nung time na yun. Kaya hindi ko sinasabi sayo, sorry Thea." Sabi nito at umiyak nalang ako, hindi ko na sya nireplyan pabalik. For almost 5 years na pag kakaibigan, nawala sa isang iglap dahil sa isang lalaki. Nice.
Simula nung nag chat kami, after 5 months may 1 month akong vacation so pinayagan akong pumunta doon. Ahh for almost years nakabalik na ako.
Nag iba na talaga dito no? Pati siguro tao hahaha. Dumiretso na ako sa bahay para mag linis muna ng katawan ko habang wala pa ang mga pinsan ko dahil umalis daw sila. Si tito palang ang kasama ko dito and super supportive nya saakin bilang fan girl hahaha but he favorite kpop too.. Kaya close kami. Nang matapos na akong maligo at nag patuyo muna ako ng buhok at saktong dumating ang mgapinsan ko haha, di muna ako nakipag bonding nag kakahiyaan siguro hahaha aba ang tagal ko ding di pumunta dito no. Namiss ko sila.
"Shan!hahaha." sigaw ko.
"Ate! hahaha" tawa nya.
"Hala, kaboses mo na si Liam hahaha." tawang tawa kong ani. "Saan si Jul?"tanong ko.
"Kaya nag te e, nasa taas pa." sabi nito at nag paalam akong aakyat muna ako sa taas.
"Juliaaaaaa" sigaw ko kaya tumakbo sya palapit saakin habang nakataas ang kanyang kamay na nakaambang yumakap saakin kaya ginaya ko sya at tinayakap ito at binuhat, namiss ko din itong batang toooo.
"Hiii, namiss mo ako?" tanong ko dito
"Opooo." ani nito natawa naman ako at nag paalam muna na aakyat muna sa taas para iayos ang mga gamit ko.
"Sama ka?" tanong ko pa dito at tumango naman sya kaya humawak ako sa kamay nya at sabay kaming umakyat.
"Saan mama mo?" tanong ko pa dito.
"Nasa cr te nag bibihis." tumango nalang ako. Nang matapos ang buong araw na iyon na puro saya. Hindi ko pa sila nakikita dahil hindi naman ako lumalabas.
Pagkatapos ng 1 araw ay lumabas na ako dahil inaya nila ako.
Nakatambay lang kami malapit sa gate ng ville at nakaupo habang nag kwekwentuhan. May biglang pumasok na sasakyan at dahil sa takot na si Natha ito ay napatayo ako at inaya na umalis na kami pero sabi nila ay hindi sya yan kaya napa balik ako sa inuupuan ko. Pero makulit ang tadhana at ang mga kasama ko kaya nakasalubong ko ang kanyang mga mata at ilang segundo kaming nag katinginan sa mata sa mata. Ako ang unang umiwas, at tumayo para umuwi na.
2 araw na ako dito at yun palang ang una naming pag kikita.
"Tara bike tayo." ani ni Shan, kaya lumabas na kaming tatlo kasama si Liam, at nilabas ang mga bike namin.
"Ikot ikot lang kami dito sa ville dahil hindi pa naman kami pinapayagan ni Shan na gumala sa labas.
Habang nag babike kami at lumabas si Nathan at may kinakausap ito sa cellphone kaya habang nag babike kami ay nag kakasalubungan kami, hindi naman kami nag papansinan.
Naka ilang salubong kami nung araw na ito.
10 araw na ako dito at sinusubukan ko paring humabol dito.
May minsang hinihiram nya ang ginagamit kong bike pag wala ako, hindi narin sya lumalabas paminsan minsan nalang. Bihira ko nalang din sya nakakachat dahil nahihiya ako na ako lagi ang mag first move.
20 araw, halos ilang weeks na din ako dito at ganun lagi ang nangyayare. Bago ako umuwi, may halos 1 week pa akong natitira. Simula noon tumigil na ako sa kakachat sa kanila lalo na kay Nathan, tumigil na ako sa kakahabol. I said to my self, makakalimutan ko sila na parang bula. Babalik ako dun at mag kita kita kaming kahit isa ay hindi ko sila kilala. Blinock ko silang lahat sa social media, dinelete ang vid and photos namin also there number in my phones. No communication. Nakauwi akong maayos kahit may lungkot lalo na sa mga pinsan ko.
"Thea."Biglang may nag chat saakin, She's Olivia my one of my childhood friend. Hindi ko naman sya blinock dahil isa rin sya sa mga kaaway ng mga iba ko pang kaibigan dati.
"Ow hi, why?" Sagot ko dito.
"Ahmm, nakita ko si Nathan na may kahalikang iba." Nagulat naman ako kaya di ko muna sya chinat. Why she telling me? bigla nalang may tumulong luha saaking mata, wala na talaga. May mahal na syang iba.
Then she send a video na lalong nag paluha saakin. Amanda, sya yung taong kala ko hindi ako sisirain, napaka amo nya. Pero bakit? bakit sya? She's kissing Nathan, my love.
"I know na kayo talaga ang mag close kaya sinend ko sayo." sabi nito. Dapat wala lang saakin ito, ano ba kasing pake ko? Sino ba ako sa kanila.
"Ahh okay lang, ano ba hahaha. Sila na? Pasabi congrats." Sabi ko at pinatay ko na cellphone ko hinayan ko nalang ang mata kong umiiyak at sinabayan naman ito ng ulan, naka higa lang ako sa kama ko habang umiiyak at iniisip ang mga magagandang araw namin, akala ko pa naman mahal nya pa ako. Akala ko same feeling parin kami, sinubukan kong humabol kasi akala ko mahal nya parin ako. Akala ko lang pala lahat, yung babaeng close na close ko dun, sya rin pala sisira saamin, kaya pala hindi nya sinabi saakin na mahal ako ni Nathan, sinisiraan pala kami. Ano pa nga ba ang dahilan kung bakit kami nag hiwalay? Sino si Lalyn? sino yung pinapakita nyang babae dati? Kung may Olivia sya?
Nakatulog ako sa kakaisip nun, bumangon akong namamaga ang mata ko, He the reason why i'm crying hahaha.
_____________________________________________________
"Grabe yung pag mamahal ko dun hahaha, ginayuma ata ako. Unfair din, iniwan nya ako hahaha. Ang lalim ko na e, umahon lang sya. Kung di sana sya umahon edi sana pareho kami. Napaka daya nila haha. Tangina Thea, almost 8 years na yun. Ano na? hahaha move on move on na din. Hindi na ako natutuwa sa sarili ko, Klare. Ang sakit sakit na, ayoko na syang mahalin kasi ang sakit na. Feeling ko pag binalikan ko sya sasaktan nya ulit ako, ayoko na nun, Klare. Pero mahal ko parin e, kahit ang sakit sakit na. " Umiiyak na ani ko kay Klare, niyakap nalang ako ni Klare at hinagod ang likod ko, alam kong napapaluha na din sya kasi nag puputas ng mata.
"Shhh, hindi ko na hahayaan yun. Tama na, Thea ah?" Ani nito na napatango nalang ako, She's always my bestfriend, i wish she's my last bestfriend na hindi ako iiwan at lolokohin.
"I love you, tara matulog na tayo." ani nito at hinalikan ako sa pisngi, napaka sweet nya talaga, kaya aawayin ko talaga ang umaway at papaiyakin sya. Pumunta na nga kaming kwarto ko para mag pahinga na. Hindi na nya akong kinausap, pinahiga nya nalang ako sa kama at pinatulog.
"Mmmmm." ungot ko pag kagising, naramdaman ko ang kamay na nakapulupot saakin. Ingat kong inangat ang kanyang kamay para mag cr. Nang nasa cr na ako ay tumingin ako sa salamin, namamaga nanaman ang mata ko. Makikita nnaman to ng pamilya ko at tatanungin nanaman nila ako. Nag hilamos ako para hindi masyadong halata. Lumabas na ako sa cr at ginising na si Klare.
"Klare, gising na. Maaga pasok natin." May mga damit naman sya dito dahil halos dito na ito nakatira.
"Mmm." gising nya.
"Hintayin nalang kita sa baba." Ani ko dito at bumaba na ako. Nakita ko si Mama na nag hahanda palang ng kakainin.
"Morning ma, nasaan sila Papa? Sila Ate at Kuya?" Tanong ko
"Morning. Tulog pa ate at kuya mo, pagising naman. Yung papa mo naman umalis agad. Saan si Klare?" Sagot nito.
"Kakagising lang ni Klare, Ma. Akyat lang ako sa taas, gigisingin ko lang sila ate." Ani ko at umakyat na sa taas. Mag kakatabi lang naman kami ng room ni Ate at si Kuya naman ay katapat namin na katabi lang ng kwarto nila Mama at Papa.
Kumatok ako at walang sumagot kaya pumasok na ako. Tulog pa ito kaya ginising ko.
"Ate, gising na daw." Ani ko dito, habang niyugyog ko ito.
"Mmmm, Thea. Naantok pa ako."
"Hapon na ate, malalate kana." Ani nya.
"Oo."ani nito at umupo na sa kama nya."
"Labas na ako, gigisingin ko lang si Kuya." ani ko at lumabas na sa kwarto nya para puntahan si kuya. Kumatok muna ako bago ako pumasok, madilim ang kwarto nya. Kaya inopen ko ang ilaw, at tumalon sa kama nya.
"Kuyaaaa!!"sigaw ko sa tenga nya. Napatalon naman sya sa kama kaya nahulog sya sa kama.
"Ano ba, Thea!!!" Sigaw nya din at tumawa ako ng tumawa.
"Gising na daw." Natatawang sabi ko. Sinamaan nya ako ng tingin at binatuhan ng unan.
"Anong nangyare dyan sa mata mo? Bakit namamaga?" Tanong nito kaya kumunot ang nuo at umiwas ng tingin. Bakit nya pa napansin?
"Ah wala." tumayo na ako para pulutin ang unan na nahulog.
"Anong wala, umiyak ka ba?" tanong pa nito.
"Nanood kami ng nakakaiyak ka gabi, kaya naiyak ako hahaha." Natatawang kuwari kong saad.
"Siguraduhin mo lang Thea. Umayos ka." Sabi nito, tumabo nalang ako palabas ng kwarto nya at saktong nakasalubong ko si Klare.
"Oh, ano nangyare sayo? Madaling madali ka ah?" saad nya.
"Si kuya kasi tinatanong kung bakit namamaga yung mata ko." Sagot ko dito. Hindi nya na ako kinulit at sabay nalang kaming bumaba para kumain.
"Nasaan na mga Ate at Kuya mo?" tanong ni mama.
"Pababa na yun ma." Ani ko.
"Bakit namamaga yung mata mo?" tanong pa ni mama
"Ahh wala yan tita, nakakaiyak kasi pinanood namin kagabi h-haha" Natatawang kunwaring ani ni Klare, at hinila na ako sa upuan upang kumain. Nang matapos kami ay agad agad kaming nag ayos upang pumasok ng maaga para wala ng mag tanong.
"Hi, good morning!" Bungad agad ni Nathan na nasa gate namin. Hindi ko nalang sya pinansin at tumuloy sa pag lalakad.
"Uyy, ang bilis mo naman mag lakad haha. Bakit pala ganyan mata mo? Teka, umiyak ka ba?" Ani nya pa at iniharap nya pa ako sakanya, inirapan ko lang sya at walang ganang tumingin sakanya.
"Ano bang pake mo? Ang g**o mo din no? hahaha naalala mo last year? ano sabi mo saakin? Na layuan kita. Ano pa yung sinabi mo saakin nung hinabol kita? 'Ang love hindi laro yan kaya walang paunahan dahil wala namang simula o huli. Wala din namang talo o manalo, siguro kaya hindi talaga tayo sa isa't isa dahil may nakalaan sayong iba. Mas mabuti pang hintayin mo yun, kaysa mag habol ka saakin.'" pang gagaya ko sa sinabi nya dati. "O naalala mo na? Ang g**o mo lang kasi e, nilayuan na kita diba? binigay ko nayung hinihiling mong layuan kita, so what are you doing here?" Tanong ko pa, alam kong patulo na ang luha ko, nakita ko naman si Klare na nasa likod ni Nathan dahil nahuli sya kanina.
"Hindi ka ba naawa saakin o napapagod man lang? Kasi ako Nathan pagod na, gustong gusto na kitang kalimutan pero eto, eto?" Pag tuturo ko pa sa puso ko habang umiiyak na." Baliw na baliw sayo to e, nasanay atang nandyan ka pero wala e hahaha di nga ata tayo yung para sa isa't isa kaya mag hintay kalang ah? Darating ang oras na hindi na talaga kita maalala. At pag dumating ang oras nayun hahaha pareho na tayong masaya. Wala ng gugulo sayo, magagawa mo na ang lahat. Pero kahit naman ngayon pwede mo na gawin e, hindi ka naman saakin, hindi naman kita pag aari. Nathan kasi hanggang ngayon ikaw parin e, hanggang ngayon ikaw parin ang dahilan ng pag iyak ko." Pag papatuloy ko dito. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumalikod na ako sakanya at dumiretso sa pag lalakad, ano ba kasi yan e. Umagang umaga, nakakainis.
Habang nag lalakad kami papunta sa sakayan ay nag tanong ako.
"Bakit ba kahit alam mo ng masakit, inuulit mo parin? Dahil miss mo? Parang sa kwento, gusto mong basahin ang mga tragic story na kahit alam mo masasaktan ka parin, umiyak ka na at alam mo na ang storya pero bakit inuulit parin nilang basahin? Yung iba bumibili pa?" Tanong ko.
"Dahil pinapakita nila ang katotohanan, bakit nga nila binabasa ulit kung masasaktan parin sila? Diba? Dahil gusto nila, hindi naman sa gusto nila masaktan ulit, gusto lang nilang balikan ulit ang nakaraan na hanggang libro nalang, na hanggang kwento nalang. Na kahit kailan alam mong hindi na pwedeng balikan ito, kaya binabasa nalang ulit nila." Sagot naman ni, sabagay di na talaga mababalik ang lahat.
"Sabi nila, pag wala ka daw mahal or tumanda kang dalaga, mabubuhay ka daw sa susunod na panahon. Parang Reincarnation ganun." Pag papatuloy pa nito. Reincarnation?
"Reincarnation?" Tanong ko dito, familiar ako pero hindi ko alam kung saan ko narinig or ano meaning nito.
"Rebirth or transmigration. Upon death, the soul becomes transmigrated into a new infant (or animal) to live again. Kaya pag namatay ang isang dalaga or what mabubuhay ulit sya, hindi nga lang sa buhay nya nung unang buhay nya. Pero di mo alam kung ilang ulit ka nag reincarnation. Malay mo may past ka pa hahaha." Sabi nito at nag tayuan naman ang balahibo ko like eww. Di ko nalang sya pinansin at Nag lakad nalang ulit.
"Okay kalang ba?"Tanong ni Klare, halos pang labing anim nya ng tanong yan pero hindi ko sya sinasagot. Diretso diretso lang ako sa sakayan ng jeep, dahil wala ng tricycle, tsk malalate pa ako sa ginagawa nya. Ni Nathan.
Sumunod naman saakin si Klare. Si Klare na din ang nag bayad saakin. Tahimik lang ang naging byahe namin.
"Gusto mo pa bang pumasok?" Tanong ulit nanaman ni Klare.
"Okay lang ako, ilan lang ba pasok natin ngayon?"Tanong ko dito. Habang di tumitingin sakanya. Hindi ko alam kung papasok pa ba yung baliw na yun.
"3 ata or 4? idunno din e." Sagot naman nito, tumango nalang ako at di na nag salita hangang makababa na kami. Dumiretso na kami sa classroom namin, mag kahiwalay kami at classmate ko naman ngayon si Nathan. Tsk.
Dumating ang prof namin na kahit isang anino ni Nathan ay wala, mabuti naman. Nahiya ata, tama lang sakanya yun.
Ang labo labo nya kasi e. Oo paulit ulit akong ganito with same question pero wala parin akong nakukuhang tanong! Matapos nya akong itulak palayo, ngayon sya naman ang lalapit? What the f*ck. He's son of the b***h, damn him. I HATE HIM.
Natapos ang buong klase na wala ako sa sarili ko, wala man lang akong naintindihan maski isa. Dumiretso na ako sa Cafeteria para mag kita ni Klare.
"Theaa! so hows your first subject? It's any wrong or what?" Tanong agad nito, di man lang ako pinaupo man lang.
"Okay naman." Tugon ko. Matapos umupo.
"So what you want?"
"Spag at juice nalang, busog pa ako." Sagot ko.
"Nakita mo sya kanina?" Tanong nya pa, wala ba syang balaka bumili?
"Hindi." Simpleng sagot ko, at tumango sabay tayo upang tumango sa cashier. Hay nako, eto talagang kaibigan ko. Sabi nya di na daw nya ako hahayaang lumapit o masaktan ni Nathan pero parang sya pa pasimuno HAHAHAH tsk.
Nang makabalik na sya ay tinignan nya lang ako, sinamaan ko nalang sya ng tingin habang kumakain dahil naiilang na ako sa mga titig nya.
"Stop it, Klare. What do you want?" ani ko dito. Umiling nalang sya at kumain ako.
"May klase ka pa?" Tanong nya, umiling naman ako, wala naman na ata kami no?
"So uuwi ka agad? O gala muna tayo?" Gusto ko sana tumangi pero gusto ko din mag relax, ayaw kong makita yung NEW NEIGHBOR namin no.
Tumango ako. " Tara, saan ba?" tanong ko dito, nag isip muna ata ito bago sumagot.
"Nakakasawa naman na sa sm, saan ba maganda?" Oo nga naman, nakakasawa ng mag sm. Manood, kumain, mag laro ang ginagawa namin sa sm minsan ay nag wiwindow shopping na nauuwi sa shopping talaga.
"May bagong bar daw sa kabilang kanto, gusto mo?"Tanong nya saakin, iinom nanaman? wala ba syang sawa? Mamaya may mangyare pa saaming masama, tskk.
"Mamaya malasing tayo, pano tayo uuwi nyan?"
"Kunti lang naman e." Hay nako, kung ayaw ko lang umuwi ng maaga, hindi ako papayag dito e.
Tumango ako, at sabay na kami sumakay ng tricycle, hindi naman sya masyadong malayo, hindi rin ganun kalapit.
Hindi ito kalakihan tulad ng ibang bar na napupuntahan namin, pero maganda sya. Nahahati sya sa dalawa bar and cafe. Pumasok na kami sa bar. Karamihan ay babae dahil hindi pa naman ganun ka gabi. Kaya for sure mamaya puro lalaki na dito.
Umupo na kami ni Klare, at lumapit namin saamin ang waiter, si Klare na ang nag order at nag cellphone nalang ako.
"Thea."
"Oh?"
"Panget mo." Luh? bastusan ba? Tumingin ako sakanya ng masama.
"Wala kang magawa? Matapos kitang samahan dito, gaganyanin mo ko?" Ani ko sakanya, sakto namang dumating ang wine namin, slight lang naman to kay for sure makakauwi kaming ligtas.
Uminom muna sya bago mag salita"Nandito karin naman kasi broken ka diba? HAHAH" Bastusan na ata talaga to? Hindi pa naman sya lasing diba? Kakainom lang namin, and sya ang pinaka malakas uminom samin.
"Broken? Duh!" Tanging sagot ko at tinarayan lamang sya at uminom nalang.
"HAHAHAHA okay okay." Ani nito at nag patuloy nalang sa pag inom, maya maya ay nag aya na akong umuwi dahil dumarami nadin ang mga tao, gumagabi na din kasi quarter to 8 na.
Nag lalakad na kami papunta sa sakayan, medyo traffic at walang masakyan kaya nag hintay pa kami ng matagal. Anong oras kaya ako makakauwi nito? Eto asi e.
"Wala pa bang sakayan? Lakad nalang kaya tayo? Baka abutin pa tayo ng alas dose dito." Ani ko.
"Sige tapos sakay nalang ako pag nahatid na kita sa bahat nyo." Ani nito, dahil medyo malayo ang bahay nila. Nag lakad na nga kami, marami kaming nakwentuhan kaya di na din namin namalayan na malapit na kami sa bahay at anong oras na pala.
"Dito kana, Klare at baka mawalan ka ng sakayan bat pumunta ka pa dun." Ani ko, medyo malapit na dun kami sa bahay. Kaya ko naman na yun.
"Sige dito nalang ako, chat chat nalang." Ani neto at nakipag besohan saakin.
"Sige, ingat ka ah. Chat ka agad saakin pag naka uwi kana." ani ko at tumango sya, hinintay kong makasakay muna sya bago ako umalis.
Habang nag lalakad ako nakikita ko na ang gate namin at may nakatayong lalaki, maliwanag sa labas kaya makikita mo kung sino ito. Ano nanaman ginagawa nito? Gabi na ah? Mag quaquarter to 10 na. Tsk. Binilisan ko ang pag lalakad.
"Thea." Ani nito. Tumingin ako sa kanya ng blanko. What he doing here? For heaven sake, not again tsk.
"What are you doing here?" Seryoso kong tanong, nakatingin lang ito saakin.
"I-i w-want to... t-talk us."Ani nito, ano nanaman gusto nya pag usapan? Hindi nya ba naintindihan sinabi ko kanina?
"Ano pa ba ang di mo maintindihan sa mga sinabi ko ah?!" Galit na ani ko sakanya, gusto ko sumigay pero baka marinig kami ng pamilya ko. Papasok na sana ako pero hinawakan nya ang wrist ko. Agad ko naman itong tinanggal at lumingon nanaman ako sakanya.
"P-please, T-hea. Hindi ako a-alis dito hagga't hindi kita nakakausap." ani nito na parang maiiyak na. Tinarayan ko lang sya.
"Please..." Ani pa nito, humugot muna ako ng malalim.
"Go."
"Pwede ba tayo sa park?" Aba? wala naman akong magawa kaya tumango at sumunod nalang sakanya.
"Ano na sasabihin mo? Bilis at gabi na, baka hinahanap na ako." Ani ko agad dito, nang nandito na kami sa park.
"Bakit gabi ka na umuwi? Anong oras na ah?"Kumunot naman ang noo ko, ayun lang? Pinapunta nya ako dito, para itanong yan?
"Ayan lang ba sasabihin mo? Pinapunta mo pa ako dito para sa walang kwentang tanong na yan? Ano ba pake mo? Ah?" Sunod sunod na tanong ko dito.
Bumuntong hininga muna sya." I-i'm sorry." Ani nito.
"Pwede na ba umuwi?" Tanong ko dito at tatalikod na sana.
"I love you the way you love me, but it's hurt when you see..... Y-your b-bestfriend and y-our l-love....k-k-kissing."Ani nito habang umiiyak, napatigil ako sa pag lalakad ng sinabi nya ito. What the hell he saying?? Humarap ako sakanya.
"W-w-what???" Ani ko habang nakakunot, i never kiss he's bestfriend. For sake.
"I see you with my f*cking bestfriend!" Sigaw nito. Hindi ko sya naiintindihan dahil hindi ko naman alam ang sinasabi nya?
"I never do that!!!" Sigaw ko din dito. Kaya ba iniwan nya ako dahil sa hindi ko naman ginawa?
"Damn, so what are you doing that night? huh?" Ani pa nito.
" Wow ah, parang di ka naman nakipag halikan HAHAHA masarap ba?" Sigaw ko dito, napatigil naman sya at tinitigan ako ng mabuti.
"She kiss me!"
"And you kiss her back!" Hingal na hingal akong tumigil kakasigaw, gusto ko mag wala! gusto ko sya pag salitain ng masasama. Tumahimik sya.
"I'm sorry, baby... Please comeback to me now. P-please." Ani nito habang umiiyak, yumuko sya na nag mamakaawa saakin. "Pleasee, Thea. I'm begging you." Ani pa nito, tinatanggal ko naman ang kamay nya sa kamay at paa ko.
"Ano ba?! Let me go!" Sigaw ko sakaya, pero ayaw nya mag paawat. "Noong oras na umuwi ako dito, sino yung babaeng pinapakita mo saakin? Sino yung babaeng bago mo nung iniwan mo ako, Nathan, nag aral lang ako e. Umuwi lang ako dito para mag aral tapos wala pang 1 linggong wala ako dun, meron ka na agad? Bakit mo hinalikan yung dati kong bestfriend ah?? Bakit? Nung nag habol ako sayo, pinatigil mo ako, pinakita mo at pinaramdam mo saakin na wala na akong babalikan pa. Ngayon, bakit ka nandito? Bakit ka nag paramdam ulit!" Sigaw ko dito habang umiiyak, not again please.
"I-i'm sorry, Baby. Hindi ko sinasadya ang lahat. M-may nag send s-saakin ng v-video nyo na nag hahalikan kayo. Gusto ko lang bumawi. Nag halikan kayo, nung panahong tayo pa. Mahal na mahal kita e"
"Ow shut up haha, mahal mo ako? Are you sure? And one more thing, how many i tell you that i didn't kiss him!! He just wipe my mouth!!" Sigaw ko dito.
"Okay, okay. I'm sorry, please comeback to me. I'm begging, Baby."
"Wait.. can you drop the baby! Sa pag kakaalam ko kasi mahigit 2 years na nung wala na tayo, so what are you calling me baby huh? Second, I. WON'T. COMEBACK. WITH. YOU. so let me goo!! Pag ako pinagalitan mamaya. Wag ka na mag pakita saakin." Ani ko dito at binitiwan nya ako, ngunit naka luhod parin sya doon habang umiiyak.
Iniwan ko nalang sya, nag lakad ako mag isa habang umiiyak. Shems mamaga nanaman mata ko neto at siguradong makikita nila. Kinalkal ko ang mga gamit ko at kinuha ang pang ayos sa sarili, inayos ko ng kunti ang sarili ko. Anong oras na pala, at siguradong mapapagalitan ako neto.