Kabanata 2

4928 Words
"Thea, wake up."  Nagising ako sa tawag ni Klare habang inaalog pa ako. Binuksan ko ang isa kong mata dahil maliwanag at para tignan sya. "Kanina pa tayo pinapababa ng Ate mo, sabi ko sandale at gigisingin kita. Okay kalang ba?" tanong pa nito, maikling tango lang ang iginawad ko dito. Dumiretso na ako sa cr para mag ayos, pag tapos ko ay humarap ako sa salamin. Di ako nakatulog ng maaga kagabi dahil sa kakaisip nang mga nangyare kahapon. -----------------------Flashback------------------------- "Okay ka lang ba?" Tanong saakin ni Klare. "Mm"tanging sagot ko. Bakit kasi sya nandito? Oo kailangan ko mag pasalamat dahil tinulungan nya kami. Nang nasa tapat na kami ng gate ay inayos namin ang sarili namin, na parang walang nangyare. "Okay na ba?" Tanong ko dito. At pumasok na nga kami. Nakita naming nasa sala parin si Kuya. "Ang tagal nyo naman, nasaan na yung binili nyo?" tanong ni Kuya. "Wala kuya eh, sarado tapos sa 7-11 naman wala." tanging sagot ko. Tumango nalang ito at nag paalam na kaming aakyat. "Wala bang masakit sayo?" Tanong pa ni Klare Umiling ako at " Ikaw?" tanong ko pabalik. "Wala naman, natakot lang ako kanina. Kala ko may kasama pa yung mag nanakaw, yun pala si Nathan lang pala." Iling iling nyang sabi.  Humiga nalang ako sa kama at pumikit. Bakit kasi sya nandun? Ano ginagawa nya? Yan lagi ang tanong ko. "Matutulog kana?" Tanong  ni Klare. Tumingin naman ako sa orasan, 11 na pala. "Mm, ikaw?"  "Oo napagod ako eh. Sige goodnight"  "Goodnight." At tumalikod na ako sakanya, naka tagilid ako ngayon at nag iisip, maraming bumabagabag sa isip ko ngayon. Hanggang makatulog nalang ako. ___________________________________________ Lumabas na ako ng cr at nakita ko si Klare na nililigpit ang higaan namin.  "Tara baba na tayo." Ani ko. "O bakit ngayon lang kayo bumaba?" Tanong ni Papa. "Late na po kami nagising." Sagot ko dito, at umupo na kami. " Ano ba ginawa nyo kagabi?" tanong ulit ni Papa. "Wala po, napagod lang siguro kami, pa." Sabay kuha sa ulam at sa tinapay. "Inimbitahan pala tayo ng bago nating kapitbahay." Ani ni Mama.  "Bakit daw, ma?" Tanong ni Ate. "May kunting salo salo daw sila mamaya."  "Baka hindi ako makakasa ma. Aalis kami ni Papa." Ani ni kuya. "Okay lang, Nandito naman mga kapatid mo." "Anong oras yun Ma?" Tanong ko dito. "Hapon daw e. Sama ka na din Klare, anong oras ka  ba uuwi?" Tanong pa ni mama "Kahit anong oras po hahaha." natatawang ani neto. "Ikaw, Janna?" Tanong ni mama kay Ate. "Sige." tanging sagot ni Ate. ______________________________________________ "Okay na ba tong damit ko?" Tanong ni Klare. "Oo, kainan lang naman dun eh." "Kahit na malay mo may pogi. Eto yung suoitin mo o." Sabi nya sabay hagis saakin ng isang dress, isang simpleng dress. Tumango nalang ako dahil simple lang naman sya. "Yan okay na sayo yan." Di ko na sya pinansin at bumaba nalang ako. "Tara na." Bihis na bihis si Mama. "Baklang to, ganda ng bahay hahaha." bulong saakin ni Klare. Sinita ko naman sya. "Tara na." Yaya ni Mama, nang maka pasok kami ay ang katulong nila ang bumungad saamin "Magandang hapon po, pasok na po kayo." Ani pa ng katulong, ngumiti at tumango nalang kami. Dinala kami sa sala kung saan nandun ang magandang ginang. Pero parang nag iba ata ihip ng hangin ng humarap ang ginang. "Ikaw???" Malakas na tanong ko dito. Tumingin naman ako kay Ate na seryosong nakatingin sa ginang. "Oh, dear ikaw pala ang bago naming kapitbahay. Nice to see you again." Sabi pa nito at nag beso saakin. "Sis, kilala mo?" bulong ni Klare. "'Nak, kilala mo pala sila, bakit di mo sinasabi?" "Hey, are you okay?" bulong pa ni Ate, si Ate lang ang nakakaalam sa relasyon namin dati ni Nathan, laya alam nya kung sino itong nasa harap namin. Huminga ako ng malalim at tumango sa kanila. Maliit na ngiti ang iginawad ko sa kanilang lahat. "Hoy may chichika ka saakin mamaya." Bulong agad ni Klare saakin. "I miss you, Thea. Di kana pumunta sa dati naming bahay." nakasimangot na ani nya. "I'm sorry po, Tita naging busy lang sa school." Sya ang Mommy ni Nathan, and yah sila ang bago naming kapitbahay. "It's okay, siguro naman lagi ka ditong pupunta kasi mag kapitbahay na tayo." Ani nya pa sabay yakap sa kamay ko. "A-ah b-busy po k-kasi ako." Jusko ano ba to huhuhu. Di na ba matatapos tong malas na to? "Ahhh, Nasaan na ba si Nathan. I know namiss nyo ang isa't isa." Jusko po talaga. Tumingin ako kay Ate na parang humihingi ng tulong. Nagets nya naman. "Ahmm, Ma'am may pupuntahan po pala kami ni Thea. Pwede na po ba kami umalis?" Sabi ni Ate. "Ang aga nyo namang umalis. Marami pa naman ako ikwekwento sayo Thea. Balik ka dito ah?" Ani pa nito, pilit na ngiti at tango nalang ang binigay ko. Nag madali nalang kami umalis sa sala, pero malas talaga ako arghh!! Nakasalubong pa namin si Nathan. "Nice to meet you, Miss." Naka ngiting ani pa nito. Sinamaan ko nalang sya ng tingin at lumakad nalang palabas. I hate those days!!  "Ano keri mo?" pangangasar ni Klare " Ang haba ng hair mo, Dzai. Putulan nanatin, you want?" sinamaan ko nalang sya ng tingin, lumapit naman saakin si Ate. "Mag usap tayo mamaya." bulong pa nito saakin. Tumango nalang ako, Magiging malas na ba ako araw araw? lalo na sila pala ang bago naming kaibigan, tapos nakita pa ako ng mommy nya. Napaka husay talaga.  "Uwi na tayo." Tanging sagot ko nalang, matamlay na nag lakad ako papunta sa bahay. Feeling ko napaka layo ng bahay namin kahit mga 50 steps lang naman. Nang makauwi na kami ay umupo na ako sa sala. Nakakaloka tong mga araw na to. "Pasukan nyo na bukas ulit? Ano balak mo?" Tanong saakin ni Ate. "Edi iwasan, ano pa ba?" tanging sagot ko. "Same school, same building?" nakakaloka nyang tanong. How did she know that? I never tell her about that, tumingin ako kay Klare at nag peace na sya at nag paalam na uuwi na. ARghh that girl pshh! "Wala na akong magagawa ate, Nandyan na sya e. Kahit ako nagulat ako. It's okay to me, pero kung halos araw araw ko syang makikita, no way!" "Move on a?" natatawang aniya nya, sinamaan ko sya ng tingin." okay okay." "Never mind, bahala na. Wala na akong pake sakanya." pataray na sabi ko, maya maya din ay umuwi na si mama. "Thea, di mo sinabi na kilala mo pala sila? Ano ano yung di ka na daw pumupunta sa bahay nila? Sino si Nathan?" Sunod sunod na tanong ni Mama, inawat naman sya ni Ate. "Ma, easy." "Ano nga? May di ba kayo sinasabi saakin?" tanong nya pa. "Nathan is my ex, okay?"  "Whaaat?? Kelan? bat di ko alam yan?" That's my mother. "He's now my ex, Ma." "Balikan mo sya."  "Whaat? you're joking ma. I don't want him." madiing ani ko.  "Why? Bakit kayo nag break?" "Ma, pagod po ako, next time nalang natin pag usapan." sabi ko at umakyat na sa kwarto. Ano ba naman kasi yan, bakit ba kasi sya bumalik pa? Nag transfer pa tapos lumipat pa sa tabi naming bahay, ang husay nya napaka. Ano na gagawin ko? Lalo nya lang nililito ang isip ko. Kunting tiis nalang makakamove on kana Amalthea, kunting tiis nalang makakalimutan mo na sya, Kunting tiis nalang makakapag tapos kana. Makakaalis ka na dito sa Pilipinas, okay? fight fight fight! Nagising ako sa sinag ng araw. Tumingin ako sa orasan kung anong oras na, sakto lang naman ang gising ko upang pumasok. Nag isip isip muna ako bago ako bumangon at mag mumog at hilamos. Uminom din muna ako ng tubig at bumaba na. "Oh bumangon ka na pala, kain na." Ani ni Papa. "Opo." Umupo na ako at kumuha ng egg at bread.  "Sabay ka na ba saakin?" Tanong ni Kuya. "Sige kuya" Ito nalang ang aking tugon. Tahimik ang lahat sa hapag kainan, kaya ng matapos kami ay umakyat na ako sa kwarto ko upang maligo at mag ayos.  Nang matapos ako maligo ay nag ayos na ako, kunting pulbo, pabango at liptint lang ang ginagawa ko, hinayaan ko ding nakalugay ang mahaba kong buhok dahil basa din ito. Nang matapos ako ay sumulyap pa ako sa salamin. Makikita ko nanaman sya, kung di sya titigil, wala akong magagawa. "Kaya mo yan, Amalthea." Ani ko pa sa sarili ko. Saktong pag labas ko ay nakasabay ko si Ate. "Ano, okay ka na ba?" Tanong pa nito at tumango naman ako. "Sige pasok kana baka malate kapa, kanina ka pa hinihintay ng kuya mo sa baba. Ingat sissy." Ani pa nito at hinalikan ako sa pisngi. Bumaba na ako dahil baka mapagalitan ako ni Kuya  "Ang tagal mo." ani ni kuya ng pumasok na ako sa sasakyan. "Sensya na." tugon ko nalang. Napakatahimik ng naging byahe namin, medyo malayo ang school namin. "Tahimik mo ata? May problema ba?" Pang babasag ni kuya. "Wala no HAHAHA, ganto lang ako pag naantok pa." Pag sisinungaling ko. Hindi ya alam na may ex na ako, di nya din kilala si Nathan. "Siguraduhin mo yan, pag may nalaman lang akong sinasaktan ka malalagot kayo saakin." Ani pa nito, natawang umiling nalang ako, yes he's my best brother. "Ingat ka, susunduin pa ba kita mamaya? o Ate mo nalang?" Tanong pa nito ng nasa tapat na kami ng school ko. "Text ko nalang kayo kung sino haha." Bumaba na ako at nag paala, hinintay ko pang umalis ito bago pumasok sa gate. Saktong  pag pasok ko ay nakita ko sya, kay aga aga katabi ko agad ang malas. Hay, Thea gora lang. "Hi, Morning" bati pa nito saakin, tumango lang ako at nag patuloy sa pag lalakad. "Sungit naman nito." bulong pa nito, hindi ko parin sya pinansin, binilisan ko nalng ang pag lalakad ko papunta sa bldg namin. Humabol pa sya saakin. "Doon pala kayo nakatira, mag kapitbahay pala tayo." Ani pa nito na parang di nya alam na doon ako nakatira. "Bakit nga ba nandon kayo nakatira?"Di ko na napigilan at tinanong ko ito. "Wala lang." nonsense.  Hindi ko na sya pinansin at dumiretso na ako sa room ko, Hindi ko naman alam na classmate ko sya sa first subject. Argghh!! Saan na ba si Klare?? Ay shet di ko pala sya classmate sa first subject Dapat pala nag palate nalang ako, Umupo nalang ako sa gitna at nag lagay ng airpods. At nag nap habang wala pa ang prof namin. May naramdaman akong umupo sa tabi ko pero di ko parin ito pinansin. Maya maya pa ay narinig ko na ang bati ng Prof namin. Kaya umayos na ako ng upo at inalis na ang airpods ko.  "Good morning, class. So before we're start. Introduce your self Mr. Grange." "Classmate natin yung pogi, omg!" "Sht ang pogi nyaaaa." "Mineee" Mga bulong bulong pa ng mga classmate ko, tumayo naman ang katabi ko. At pumunta sa harap. "Hi, I'm Nathan Bryle Grange." Ani nito, nag tilian naman ang mga classmate kong babae. "Quiet class." saway ng prof namin. "That's all?" tanong pa nito kay Nathan. "Yes." Ani nito at bumalik na sa tabi ko. Sinundan naman sya ng tingin ng mga classmate ko, yeah ganyan sya. "Pst, palit tayo upuan." Tawag saakin ni Amanda isa sa mga classmate kong maganda na habol ng habol sa mga pogi. Napangiti naman ako at tumango. Tatayo na sana ako pero hinawakan ni Nathan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Why?" ariing ani ko sakanya habang kinakalas ko ang kamay ko sakanya. Ang higpit ng hawak nya. "Hey, alisin mo. Ano ba?" Mariing bulong ko po dahil nag tuturo na ang prof namin. Nakatingin ang iilang classmate namin na pinag bubulungan na kami. "Masakit." Ani ko at doon  nya inalis ang pag kakahawak nya. Napawak nalang ako sa kamay ko at hinilot ito. "Sorry, wag ka ng umalis dyan." Ani pa nitp, tinarayan ko nalang sya. At tumingin kay Amanda nakatingin saakin, tinanguan ko sya na senyales na payag ako sa palitan. Pero tatayo na sana ako pero hinawakan nya naman ang dress ko. Arg ano bang problema neto? "I said, stay there." Pag uutos pa nito, Wala na akong nagawa dahil tumingin ang prof namin saamin. "May problema ba?" Tanong nito saaming dalawa. "Nothing sir." Sagot namin. Bumalik na sya sa pag tuturo at nilingon ko naman ang katabi ko para samaan sya ng tingin, natawa naman sya. Hinayaan ko nalang sya. Hanggang matapos ang klase  ni sir ay naka simangot ako. Lumabas nalang ako ng room at diretso diretso sa next kong subject. Sakto namang nakasalubong ko sa Klare kaya lumapit agad ako sakanya. "Oh bakit ganyan nanaman itsura mo? At sino yang nasa likod mo?" Nagtatakang tanong nito. "Stop following me, Nathan. You're just argh." Naiinis na ani ko dito ng humarap ako sakanya. "Thea, let's go." Ani saakin ni Klare kaya tumango nalang ako at sumama sakanya papunsta sa next sub namin. "Thea, usap naman tayo oh." Habol pa ni Nathan habang nag mamakaawa.  "Ano pa ba ang pag uusap? te, ang tagal na nun. Kung yun ang gusto mong pag usapan, Okay na ako. Wala na saakin yun kaya tumigil kana please." sagot ko dito at umalis na, Ano pa ba ang gusto nyang sabihin? Tagal tagal kong nag habol sakanya matapos naming mag break tapos ngayon sya naman nangunglit? Tinupad ko naman yung gusto nyang layuan ko sya a?  "Ano bang nangyare sainyo? Bakit kayo mag kasama?" Tanong nito. "Classmate ko sya sa first subject ko. Hinintay din ako kanina sa may gate." Ani ko dito habang nag lalakad papunta sa room. "Feeling ko may mangyayareng something hahaha. Bakit di mo subukang kausapin? Just 1, Thea." pamimilit nya pa, saan ba sya kakampi? saakin o kay Nathan. "A.YO.KO." "Bakit ayaw mong subukan? " tanong pa nito. Hindi ko sya inimik."Mahal mo pa sya, bakit hindi mo sya makausap? Kasi ayaw mong maging mahina sa harap nya, natatakot ka na baka may masabi ka. Natatakot kang makita nya na mahal mo parin sya. Natatakot kang humarap sakanya." Matapos nyang sabihin yun ay nag lakad na sya papunta sa upuan nya. Sandali pa akong napaisip. Dapat ko ba talaga syang kausapin? Hay, lagi mo nalang ginugulo isip ko Nathan. Sumunod nalang ako kay Klare, sakto naman na pumasok na din prof namin.  Hindi ko maintindihan mga tinuturo ni sir. Kahit gusto ko makinig, may ibang inisip utak ko. Ano ba gagawin ko? Kakausapin ko ba o hindi?  Natapos ang klase namin na wala akong naintindihan  kahit isa. Vacant namin ngayon kaya pumunta kami ng cafeteria. "Ano nakapag isip ka na ba?" Tanong pa nito, umiling muna ako. Hindi ko parin maintindihan sarili ko at hindi parin ako nakakapag isip.  "Mas maguguluhan ka kung papatagalin mo pa yan, pwede ka din mag sisisi pag huli na. O pwede ding yang kagaganyan mo effective. Pero kung ako sayo, kakausapin ko sya. Makipag kaibigan o di kaya balik kayo sa dati bestfriend or normal lang yung walang relasyon kahit kaibigan sa isa't isa." suhensyo nya. "Pag iisipan ko nalang." tanging sagot ko at diretso sa table. "Basta a? sabihan mo ako kung ano plano mo. Btw, ano order mo?" Tanong nito. "Juice at fries nalang, busog pa ako." sagot ko dito at nag paalam na sya. Naiwan ako mag isa sa table, kunti palang ang tao dahil di pa naman break time. Kinuha ko cellphone ko at airpods ko. Habang nag iisip kung ano ba talaga ang gagawin. Maya maya pa ay bumalik na si Klare. "Oh, madam." Ani pa nito at nilagay sa harap ko ang akin. "Ano pala nangyare kahapon? Nung umalis na ako?"  "Wala naman, nung dumating si Mama umakyat na din ako." "Buti di ka kinulit?" "Anong hindi? dami ngang tanong." "Aba sino bang di magugulat dun? Bigla bigla ka nalang inano nung  mother ni Nathan." Natatawang ani pa nito. Nakitawa nalang din ako, nang matapos kami ay umikot ikot muna kami sa school dahil medyo maaga pa. Isang klase nalang din ang meron kami at uuwi na kami.  "Punta tayo ng court, may mga bagong salpa daw. Baka doon ako makahanap ng destiny ko HAHA tara" sabi pa nito. Tumango nalang ako at nag lakad patungo doon. "Tara, dito tayo sa harap. Dali" Hila pa nya saakin. Ganto lagi ang eksena. "Ang popogi nila, myghad" "Halos araw araw mo naman sinasabi yan e. Di ka ba nag sasawa sa mga mukhang yan?" Ani ko sakanya. "Hindi, kung ganyan lang ang mukha e, why not?"Saktong sabi neto ay ang pag dating ng ibang mga player. Kasama na din dito ang mga bagong salpa.  Nang mag si- datingan na ang mga player ay may humihiyaw na. Ano ba 'to hindi pa nga nag papakitang gilas, tsk. Nilapag nila ang kanilang mga gamit sa pwesto nila. May isa akong napansin na lalaki. Sya ata yung bago ng kabilang team. Isang team palang kasi ang nandito.  Matangkad, tama lang ang kulay, hindi maputi hindi rin maitim. Medyo makapal ang kilay, Magandang mata at labi. Mmm, may itsura ah? hahaha.  "Nice face." Ani ko. Naramdaman ko namang tumngin saakin si Klare at tinitignan kung sino ang tinitignan ko. "Pogi nya." Kinikilig na ani nya pa. " May papalit na ba kay Nathan?" tanong pa nito, di ko naman sya inimikan. Sana nga. "tsk." Pinanood ko lang ang lalaking makipag usap sa mga team nya. "Uy nandyan na sila." Ani pa nito Tumingin naman ako sa tinuturo nito at naagaw ng paningin ko si Nathan. What?? kasali sya? "Hoy si Nathan, bakit kasama dito?" Nag tatakang ani nya, Who knows? and wala na akong pake sakanya. "Nga pala, ano kakausapin mo na ba?" Tanong pa nito. "Siguro, para tumigil na sya." sagot ko dito, tumango nalang ito. Hindi pa nag sisimula ang laro ay marami ng tumitili, rumarami narin ang nanonood dito. Malapit lang saamin ang mga player dahil nasa unahan din kami. Nakipag pakilala ang mga bago kaya narinig ko ang mga pinag uusapan nila. "Eto nga pala si Nathan, Nathan sya si Dave, Ryan, Elis, at yung bago nila." Sabi ni Matthew sakanila. Habang tinuturo pa isa isa. "What he's name again?" Tanong pa nito. Tumawa muna it, bago sumagot. "This is Caleb." Ani pa nito." Caleb this is Duke, Isaac, Oliver, Levi and yung bago nila ay si Nathan." Oh so he's name is Caleb, nice face, nice name. I love it! pero parang ang sungit! hindi man lang ngumingiti and parang seryoso lagi. But i think i like him hihihi. Nawala lang ang ngiti ko ng makitang masama ang tingin saakin ni Nathan, what wrong 'bout him? Kinunutan ko nalang sya at tinarayan. Maya maya pa ay nilagay nila ang mga gamit na nila sa kani kanilang pwesto. Sakto namang nilagay ni Nathan ang kanyang bag sa tabi ko at nginitian ako, tinarayan ko nalang ito at tumingin kay Caleb na nasa kabilang upuan nito nilagay ang kanyang bag. Nang mag simulang mag laro, ay hawak ni Dave ang bola, hinahabol namin ito ni Oliver kaya mabilis na pinasa ni Dave ang bola kay Nathan. Tumalon ng pag kataas taas si Nathan na parang shinusure nya na shoot talaga ito, na shoot naman. Medyo marunong ako mag basketball dahil ito ang laro namin minsan at may sarili kaming ring. So minsan pumupunta sila Nathan sa bahay para makipag laro, syempre di ako sumasali minsan kasi nahihiya ako, pero pag kami kami lang naman ng mga pinsan at kapatid ko. Nag patulong ang pag lalaro, at napanalo naman nila Nathan ang laro, nakipag biruan pa sila sa gitna bago bumalik at kunin ang kanilang mga gamit at uminom. At syempre nasa tabi ko ang gamit ni Nathan ay pumnta sya dito, pero bakit nasa akin ang tingin nya?  Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin nalang ulit kay Caleb na nag cecellphone habang nag pupunas ng pawis. "Hoy, kung saan saan ka nakatingin, nandito naman ako." ani ni Nathan. Pero di ko nalang sya pinansin. "Pake mo ba?" Pang babara ko sakanya, at tumingin kay Klare. "Anong oras ulit next class natin? Parang ayaw ko na pumasok, sumama bigla ihip ng hagin." Ani ko dito, tinatamad na din ako pumasok.  "Ayaw mo lang pumasok e, sabihin mo lang kung ayaw mo HAHAHA hiya ka pa e." pang aasar nito saakin. "Tulog ka saamin? Inom tayo. Bili na tayo ng juice haha." Ani ko dito. Napatingin naman saamin si Nathan. "Hoy wag nga kayong lumalabas ng gabi, lalo na pag kayong dalawa lang. Pano pala pag wala ako dun? edi mamaya may mang yare na sainyo? Kung ano ano kasing kalokohana ng pinapasok nyo, gabing gabi na kasi lalabas pa, ano? para lang bumili ng alak?" Diresto diretso nyang sabi saamin na akala mo magulang.Kinakunot ng aking noo ang kanyang sinabi. Natawang umiiling naman si Klare at bumulong. "Grabe namang yan ex mo haha." Natatawang ina nya. "Tsk." Hasik ko dito, at bumalik ulit sa tingin kay Nathan. "Edi salamat dahil nandun ka, tsk. Daming dama. Alis nga." Sabi ko dito at tinulak ng mahina at umalis. Humabol naman si Klare na natatawang tumatakbo. " Hoy Inday haha Grabe ka naman sakanya, Baka concern lang sayo yun."  "Pake ko ba?" "Ang sama mo ah? Parang 'di mo ex." "Hindi naman talaga." "Ha? Ang g**o mo, sabi mo ex mo sya? Gumawa ka pa nga ng eksena at kwinento mo pa." Asik nya pa, pero hindi ko na sya pinansin at nag patuloy sa pag lalakad. "Hoy!" Sigaw nya pa habang humahabol. Dumiretso ako sa jeep papuntang puregold para mamili, sumunod naman ang babaita. Nangungulit parin sya kahit  nasa jeep na kami. Pero kahit isa di ko na sya pinansin, tumahimik naman sya.  Nang nandito na kami sa puregold ay namili na kami ng pagkain para mamaya. Nag paalam na din sya na saamin sya matutulog ngayon.  "Hindi ko pala dala wallet ko." Sabi ni Klare kaya napatingin ako sakanya. "700 nalang ata yung pera ko dito. Kaya easihan mo lang mamili." Ani ko sakanya. Nag patuloy naman kami sa pamimili.   "Tara na, doon tayo sa kunti lang." Yaya nya saakin at pumila na, pangalawa lang kami sa pilahan kaya kami na next, medyo marami ang pinamili nung una kaya matagal din kaming nakatayo ni Klare.  Nang kami na ay nilagay na ni Klare ang mga binili namin, habang nag lalagay sya ay hinahanap ko ang wallet ko sa bag. Pero inaloglog ko na ang buong bag ko wala parin. "Shit." Bulong ko, nasaan na bayun? Dito ko lang nilagay yun ah? "Hoy nasaan na bayad? 634.50 lahat." Sabi nito habang tinitignan ang price. Lumapit ako sakanya at bumulong. "Nawawala ata wallet ko, Klare." Saad ko dito. Nagulat naman syang humarap saakin at nilakihan ako ng mata. "Ano? Saan mo ba nilagay?" Natataranta na nya na ding sabi. Hinaluglog nya ang aking bag. Tinitignan na kami ng cashier na parang nag loloko kami. Sumingot nalang ako at tinulungan ko nalang sya mag hanap "Saan mo ba kasi nilagay?" Naiinis na ani nya. "Miss eto po yung bayad nila." napatingin kami kung sino nag bayad nito. Agad naman kumunot ang aking noo. He's following me? What he doin' here? "Hay salamat, Nathan. Kung wala ka, pano na kami. huhu eto kasing si Thea." tinarayan ko nalang sila at lumabas na sa puregold. Kunting lakad nalang at malapit na kami sa bahay kami nakapag desisyon na akong mag lakad. Kahit naman na gusto ko sumakay e walang kaming pera. Kaya no choice din. Nakasunod lang saamin si Nathan, kaya sya na din ang bumitbit ng mga dala namin. Hindi ko na sila pinakaelam. "Dito nalang, salamat. Babayaran kanalang namin bukas." Ani ni Klare "Hindi, okay lang." ngiti nyang sabi, tinarayan ko na lang sya. Nakakainis mukha nya argh! Hindi ko na sya pinansin at pumasok nalang, oo bastos na kung bastos. Ano ba kasing gusto nyang mangyare?  "Thank you talaga ah, sige pasok na ako. Iniwan na ako ng kasama ko, bye!" Narinig ko pang paalam ni Klare.  "HOY" sigaw nya saakin, huminto naman ako sa pag lalakad at binabata ang dala ko. "Ano?" Nakapamengwang kong sabi. "Napaka ano mo, tara na nga." Sabi nya hahaha ayaw nya na ata makipag away saakin. Natatawang umiling nalang ako at sumunod sakanya. Feel at home na sya, matagal ko naman na sya kilala eh. "Oh ang aga nyo naman?" bungad saamin ni Mama.  "Isa lang yung pasok namin ngayon ma, saan sila Papa?" Tanong ko agad ng makitang sya lang mag isa. "Hindi ka pa nasanay, laging wala papa mo dito hahaha." tumango nalang kami at umakyat na kami sa taas. Nag ayos lang kami saglit at umupo na sa kama. Mag 4 na ng hapon, at parang uulan dahil makulimlim. "Parang uulan no? Buti nalang pala naka uwi na tayo." Ani ni Klare, pag may kasama ako gusto ko medyo maaraw na makulimlim tapos mahangin. Pero pag ako lang mag isa gusto ko umuulan.  Feeling ko may kasama akong umiiyak, kahit na may bestfriend na laging nasa tabi ko. Parang di ko kayang ag kwento sa kanya dahil siguradong iiyak ako at ayaw nya akong nakikitang umiiyak dahil naiiyak din sya. At ayaw ko ding may nakakakita saaking umiiyak. "Parang bet ko talagang uminom ngayon hahaha." Sabi ni Klare at nginisihan ko lang sya at tumango. Masarap sa pakiramdam ang ulan, yung mag isa kalang sa isang kwartong madilim. Nakakumot o di kaya naka hoodie. Tapos may moon pa at stars. With music pa na mala sad song hahaha tas iiyak ka nalang, arghh my one of my favorite. "Tara, saan tayo?" Tanong ko, sa taas may malaking binata na pwede kayong umupo doon at kitang kita nyo talaga ang kapaligaran at langit dahil mataas ang bahay namin. "Sa taas tayo. Hoy nga pala may utang ka pa saakin!" Ani nya sabay labas sa kwarto, kumamot nalang ako sa ulo ko at sumunod doon. Ano nanamang utang? tsk. Umupo na kami sa bintana at kitang kita namin ang full moon at mga start. Umuulan kaya malamig, hindi naman ganun kasing lakas. "Oh." sabi ni Klare sabay abot saakin ng isang boteng alak. "Oh, ano na yung utang mo? Hindi mo ikwekweto?" sabi agad nito, dun ko lang napagtanto kung ano ang ikwekwento ko. Eto nanaman tayo hahaha, sige game. __________FLASHBACK__________ Matapos naming mag break ni Nathan, dalawang taon akong hindi nag pakita o pumunta man sa probinsya namin. Kahit ang mga Kaibigan ko wala na din.  Then one time naisipan kong  ichat sya? like i add sya sa social media pati narin ang mga kaibigan ko. Tagal narin nun, 2 years na. Bata pa kami nun, kaya kailangan na mag move on. Inadd ko sila and chinat. Chinat agad ako ni Amanda. "Hiiii!! Kamusta na? Ang tagal mong di nag paramdam ah?" Chat nya saakin "Hi, okay lang. Ikaw?" sagot  ko dito. "Eto okay lang din. Na miss na kita, kailan ka ulit dito babalik?" "Haha i miss you too, idunno kung kelan ulit ako makakapunta dyan." Nang matapos na kaming mag chat ay chinat ko si Nathan para mag sorry sa ginawa ko dati dahil matapos nya saaking makipag break ay pinalayo ko saknaya mga pinsan at kapatid ko sakanya. "Hi" sabi ko. Nag chat naman sya mga 3 minutes. "Hi"  "Mmm, sorry nga pala dati." "Ah ok lang hahaha"  Ang cold nya ah? Hindi ko na sya chinat pa, dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Matapos nun di ko na sya chinat at lagi nalang kaming nag chachat ni Amanda, then makalipas ang 2 buwan chinat ko ulit sya, desperada na kung desperada pero sinubukan kong mag habol like 3 months. "Nathannn! Ano ginagawa mo?" Tanong ko dito. "Wala lang." See ganyan lang lagi syang sumagot, sumimangot nalang ako. "Kumain ka na?" Tanong ko ulit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD