Napatigil sa akmang pagkagat ng toasted bread si Mira nang makita ang kapatid na pumasok sa dining room. Dahan-dahan na ibinaba niya ang tinapay sa plato saka kunot-noo na sinundan ng tingin ang kapatid hanggang sa makaupo ito sa upuan sa harapan niya. “Saan ka pupunta?” takang tanong pa ni Mira sa kapatid nang makita na nakasuot ito ng white dress shirt and black slacks. Nakalugay ang mahabang buhok nito at nag-apply ng smokey eye na make-up. Kahit na makapal ang eye makeup nito ay kitang-kita pa rin ni Mira ang pamumugto ng mga mata nito tanda ng walang tigil nito sa pag-iyak. She can’t help but to sighed and feel pity for her baby sister. “Saan ka pupunta?” tanong muli ni Mira habang pinapanood ang kapatid na maglagay ng scrambled egg at bacon sa plato nito. “Office,” tip

