Nanghihina na napaupo si RJ sa kahoy na upuan nang makapasok siya muli sa loob ng bahay. Sinapo niya ang ulo at inis na ginulo ang buhok saka malalim na napabuntong hininga. Mariin siya na napapikit at agad na rumehistro sa isipan ang umiiyak na mukha ni Amarah. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib dahil alam niyang nasasaktan ito at siya ang dahilan. Gustuhin man niya na punasan ang mga luha nito at yakapin ay hindi niya rin magawa dahil umaatras ito sa tuwing lumalapit siya. Gusto niyang ipaliwanag dito ang lahat ng nangyayari sa kanya ngunit tila sarado na ang isipan ni Amarah dahil sa nalaman. May anak na siya. May anak na si RJ at ngayon lamang niya iyon nalaman, a week ago, to be exact. Noong oras na nagtungo siya sa opisina ni Amarah para kausapin ito dahil sa napansin

