Itinigil ni Xavier ang sasakyan sa gilid ng highway nang mapagtanto niya na malayo na siya sa lugar na pinanggalingan kanina. Huminga siya ng malalim at inis na ginulo ang buhok. Malakas na hinampas niya ang manibela pagkuwa’y napasubsob doon at malakas na napasigaw dahil na rin sa labis na emosyon na nararamdaman. Siguro nga ay tama si Luna nang sabihin nito na hindi magtatagal ay malalaman ni RJ ang masama nilang balak. Minaliit niya ang kakayahan ng isang Allegre kaya heto siya ngayon, hindi alam ang gagawin. Totoo ang sinabi ni RJ na siya ang totoong ama ni Angelo at natatakot siya na baka ituloy nito ang banta na kasuhan sila na baka maging dahilan sa pagkawala ng lisensya niya bilang isang doctor. Xavier and Luna tried to work things out when they found out that the latter

