Chapter 57

1147 Words

trigger warning: suicide ***   Matapos ang ilang oras na paghahanap ay natagpuan din ni Xavier si Luna.   Mataas pa rin ang sikat ng araw ng ihinto ni Xavier ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Tinanggal niya ng seatbelt at mabilis na bumaba ng sasakyan saka inilibot ang paningin sa buong paligid hanggang sa makita niya kung nasaan si Luna. Huminga si Xavier ng malalim at dahan-dahan na naglakad palapit sa dating kinakasama.   Malapit na sana siyang mawalan ng pag-asa na hanapin ito kung hindi lamang niya ito namataan habang nagda-drive siya sa kahabaan ng Metro bridge. Sandali pa siyang nagdalawang-isip kung lalapitan ito at hahayaan na lamang muna na mapag-isa, ngunit dahil hindi mawala sa isipan niya ang sinabi nito kanina ay nagpasya siya na puntahan na lamang ito at kausapin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD