Muling nakatulog si Amarah habang nanatili naman na gising si Mira at naghihintay ng susunod na mangyayari. Hindi niya alam kung anong oras na ngunit alam niyang gabi na dahil na rin sa madilim na kalangitan na nakikita niya sa labas ng maliit na bintana. Huminga siya ng malalim saka sumandal sa headboard ng kama kung nasaan silang magkapatid. Ginalaw niya ang mga braso dahil sa pangangalay na nararamdaman, hindi sila nagtangka na alisin ang mga gapos nila ni Amarah dahil alam niyang mahahanap agad sila pero tila nagbago na ang isipan niya dahil na rin sa mga oras na lumipas. Hindi niya mapigilan na hindi mapanghinaan ng loob dahil buong akala niya ay masasagip agad sila. Nagpadala siya ng text message kay Rafael at imposible na hindi nito iyon nabasa o baka wala lang talaga itong pak

