Nagising si Amirah nang maramdaman ang marahas na pagtulak sa kanya patungo sa malamig na semento. Nanatili siyang nakapikit at pinakiramdaman ang paligid hanggang sa maramdaman niya ang pagtali ng mga ito sa mga kamay at paa niya. She heard them saying something ngunit hindi na lamang niya inintindi dahil ang isipan niya sa mga oras na iyon ay kung paano sila makakaalis sa lugar na iyon. Sila. Kasama niya nga pala si Amarah at pareho silang pinatulog kanina. Bigla siyang nataranta nang maaalala ang kapatid. Akmang ididilat na niya sana ang mga mata para hanapin ito mabuti at napigilan niya ang sarili dahil sa muling pagsasalita ng mga tao na nandoon pa rin sa silid na iyon. Pilit na pinakalma na lamang niya ang sarili at pinakinggan ang mga ito hanggang sa maging malinaw na s

