Napatayo si Mira mula sa pagkakaupo nang matanaw ang tao na noon niya pa gustong makausap. It took her a lot of courage bago ito tawagan at sabihan na kailangan nilang magkita dahil may gusto siyang itanong dito kaya nang iwan niya ang kapatid sa restaurant ay agad niya itong kinontak, mabuti na lamang din at hindi ito busy dahil agad nito pinaunlakan ang paanyaya niya. “May kasalanan ka sa akin, Rafael Allegre!” wika ni Mira nang makarating ito sa harapan niya. Kunot-noo na tinignan naman siya ng binata bago ito naupo sa harapan niya. Kasalukuyan silang nasa coffee shop na nasa loob ng building ng mga Pagalan. Plano ni Mira na tapusin ang mga nakabinbin niya na trabaho pagkatapos ng pag-uusap nila dahil nakasisiguro siya na magli-leave muna sa trabaho ang kapatid. “What did I do?

