Amarah woke up the next day with a heavy feeling. Agad siyang napabangon at patakbo na nagtungo sa bathroom nang maramdaman ang tila paghalukay ng kung ano mula sa loob ng tiyan niya. Nanghihina na inangat niya ang takip ng toilet bowl saka agad na sinubsob ang mukha doon at nilabas ang lahat ng kinain niya kinagabihan. She remembers eating a pepperoni pizza and spicy chicken wings dahil nag-ke-crave siya. Iniyakan niya pa si RJ para lamang bilhan siya nito dahil hindi siya makatulog. Naalala niya pa kung paano niya ubusin ang mga pagkain ng siya lamang at matulog na may ngiti sa labi pero hindi niya inakala na gigising siya nang masama ang pakiramdam. Malakas na napadaing si Amarah nang mapasandal siya sa bathroom wall matapos i-flush ang toilet bowl. Nailabas na niya ang lahat

