“Why are you here?” Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas simula ng makarating si Amarah sa company nila ay agad na siyang pinuntahan ng nakatatandang kapatid para tanungin kung bakit siya nasa sariling opisina. She must admit na malakas siguro talaga ang radar ng kapatid dahil halos lahat ng nangyayari sa loob ng building nila ay mabilis nitong nalalaman. Kahit pa iyong personal na issues ng mga empleyado nila. “I work here,” sagot naman ni Amarah dito saka sumandal sa swivel chair niya at nakangiti na tinignan si Mira na ngayon ay nakatayo sa harapan niya habang nakapamaywang. “No, I mean ‘di ba ay naka-leave ka?” tanong muli nito. “I’m back?” sagot naman ni Amarah saka mahinang tumawa na ikinainis ng kapatid niya. “Huwag mo akong pilosopohin, Amarah Clariza! Sin

