Nakatingin lamang sa labas ng bintana si Amarah habang nakasakay sa sasakyan ng kapatid na si Amirah. Hindi mawala sa isipan niya ang panaginip at kahit na alam niyang hindi iyon totoo ay hindi pa rin niya maiwasan na hindi mag-alala. Huminga siya ng malalim at nilingon si Mira. Bahagya naman itong napalingon sa kanya nang mapansin siya nito saka ngumiti. “Why?” tanong ni Mira kay Amarah. Sandali munang nag-isip si Amarah bago sagutin ang kapatid. “Pwede ba akong huwag na pumasok sa office ngayon?” wika niya. “Aren’t you feeling well?” tanong naman ni Mira saka mabilis siyang sinulyapan bago ibalik ang tingin sa harapan. “Hindi naman, wala lang ako sa mood. Okay lang ba?” sabi pa ni Amarah. “Oo naman!” mabilis na sagot naman ni Mira saka muling ngumiti pa

