Mabilis na napatayo si Mira at agad na nagtungo sa pintuan upang salubungin si Amarah at RJ nang marinig ang pagbukas ng malaki nilang gate. It was past dinner time pero ngayon pa lamang dumating ang kapatid niya. Kahit na nagugutom na siya dahil talagang hindi sila kumain dahil gusto nilang makasabay ang kapatid ay hindi pa rin niya maiwasan na mapangiti. Ang mahalaga ay nandoon na ang kapatid niya at makakasalo ng mga magulang nila. Malawak ang ngiti ni Mira nang makita sina Amarah at RJ na magkahawak ang kamay habang naglalakad. Agad na nilapitan niya ang kapatid nang makalapit ito sa kanya saka binati si RJ na binati naman siya pabalik. “Akala ko hindi na kayo dadating,” wika pa ni Amirah. “We’re sorry, na-stuck kami sa traffic,” hinging paumanhin naman ni RJ. Nakak

