Hindi na lamang sumagot si Amarah hanggang sa dumating ang kapatid niya. Mabilis siya na tumayo at hinila ang kapatid palayo sa lugar na iyon at kahit nagtataka ay sumunod na lamang si Mira hanggang sa makalabas sila ng café. “Si Dr. Ivo Hansen ba iyong kausap mo?” tanong ni Mira habang naglalakad sila patungo sa OB. Tuluyan na silang nakalayo sa lugar na pinanggalingan dahil na rin sa mabilis na paglalakad ng kapatid. “Yeah, and he’s so annoying!” iritable na wika naman ni Amarah dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nakakainis nitong ngiti. “Paano mo naman nasabi? Bukod kay RJ ay siya ang isa sa pinakamabait sa kanilang magkakaibigan,” sabi pa ni Mira. “Well, that’s fake news!” wika pa ni Amarah at hindi inaasahan ang pagtaas ng boses kaya agad din siya na nana

