“Why am I not allowed to enter your house? Did I do something wrong?” tanong ni RJ nang makasakay sa sasakyan matapos hindi harangin ng mga guwardiya. Nagawa niya pa na bumaba kanina para siguraduhin na tama ba ang narinig niya na banned siya sa property ng mga Pagalan at hindi puwede na umapak kahit ang dulo ng daliri niya sa mga paa. “Did you do something wrong?” balik-tanong naman ni Amarah kay RJ. “I don’t know,” mahinang sagot naman ni RJ saka huminga ng malalim. “Okay,” sagot naman ni Amarah mula sa kabilang linya kasunod ang pagputol ng tawag. Mahinang napamura si RJ at nang subukan niya muli na tawagan ito ay cannot be reached na ang number nito. Malakas na hinampas ni RJ ang manibela matapos ibato ang cellphone sa passenger’s seat. Kanina niya pa tinatawagan at

