CHAPTER 12

1838 Words
  Binaba ko ang libro ko at bumaling kay Shai na nakanguso sa akin habang nakadaop ang kamay na   parang nagdarasal. She wants me to go with her to watch the soccer game. I choose not to grant her request because of someone who surely in that game. " Isang please hmmm? Manonood lang naman tayo." Nang malaman nya ang palayaw ko ay yun na ang  tawag nya sa akin. "No… Alam mong busy tayo sa paggawa ng project natin Shai. Marami pang susunod na laban ang soccer team." Sagot ko. "Akala ko ba gusto mo si Theo Del Castillo? Makikita mo sya dun." Pag coconvince nya. Nag init ang pisngi ko sa sinabi nya at sinamaan sya ng tingin. Well, she asked me who's my crush. Wala akung masagot sa tanong nya kaya naisip ko si Theo imbis na lumikha pa ng ibang pangalan. Hanggang sa kinabukasan ay palagi nya na kung tinutukso kay Theo at palagi nyang sinasambit ang pagkagusto ko dun sa tao. Hinayaan ko na lang din dahil di ko naman maitanggi pa. Magtatatlong araw na akung umaaktong malamig sa kanya. Alam kung nahahalata nya na yun because  he always asked me if I am, okay? And if something happened? His not the reason why I'm doing this. This is just me and my personal problem. My issues. Umiling ako at niligpit na lang ang gamit ko. "No…” mariing tanggi ko at sinukbit ang bag bago naglakad palayo sa kanya. "Where are you going?" Habol nya. "Uuwi.. I need to study " simple kung sabi bago lumabas ng library. Naalimpungatan ako ng may umilaw sa mukha ko. Mabilis ko yung sinipat at nakita kung ang phone ko  pala. Gabi na pala at nakatulog ako sa pag aaral. Natigilan ako ng makita ang pangalan nya. Napasuklay ako sa buhok ko at tumihaya ng higa. Sinilid ko sa ilalim ng unan ko ang phone at tumalikod rito. Kinabukasan ay maaga akung umalis at nag paalam kila lola dahil may appointment ako sa dentist sa  bayan. Nagpants na lang ako at white blouse. Mag aapat na taon na kasi ang braces ko at hindi ko na kailangan ang mga to. Mas makakakain na rin  ako ng maayos sa mga susunod na araw. Nagpasalamat ako sa doktor bago umalis. Biniro pa nya kung pwede daw akong commercial model ng toothpaste dahil sa pantay at puti ng ngipin ko. Natawa na lang ako. Pauwi na ko ng madaanan ko ang burol na may dalawang punong magkadikit. Wala yun noon pero ang  ganda nyang tingnan kaya bumaba ako dun at tinakbo ang pagitan. Napangiti ako ng makita ko ang berding berding mga bundok at patag. Malilim dahil na rin sa yabong ng  puno. Sumalampak ako sa damuhan at humilata. Natawa ako ng kaunti ng makita ang liwanag na sumisilip sa mga dahon papunta sa akin. Huminga ako ng malalim. Ang sarap sa pakiramdam na tahimik ang buong lugar at ang tunog ng mga  kuliglig sa buong lugar. Ang simoy ng hangin at sumasayaw na mga dahon. Ilang oras akung nandun at walang ginawa kundi tumingin sa buong paligid. Umalis lang ako ng makaramdam ng gutom at naghanap ng makakainan. Bumalik ulit ako dun pagkatapos. Wala akung ginawa kundi tumingin lang sa buong paligid habang iniisip ang lahat. My parents, si lola at tiyo, siya, his parents. Hanggang unti unti kung nakikita ang paglubog ng araw. Napangalumbaba ako habang nakatitig sa tanawing yun. Huminga ako ng malalim bago ngumiti ng kaunti. Inakap ko ang dalawang tuhod ko. Nakalaglag na ang buhok ko na paalon sa likod at hinayaang liparin. Nagpasya akung umalis na kaya kinuha ko ang bag ko at tumayo. Habang paalis ay tiningnan ko ang phone ko. Nabigla ako ng mahigit sa isandaan ang missed calls ni Theo habang may text sila lola sa akin. "Apo.. Andito yung anak ng mga Del Castillo. Hinahanap ka." "Apo asaan ka na? Aba'y kanina pa nag hihintay ang binatang Del Castillo dito." "Sinabi kung uuwi ka ng magustuhan mo dahil sinabi ko. Mukhang may pag uusapan kayo sa project nyo sabi nya " "Umuwi ka na.. Malapit ng maggabi." Kinabahan ako at lakad takbong bumaba ng burol. Pumara agad ako ng tricycle at nagpahatid. Humigpit ang hawak ko sa phone ng makita ang pangalan nya. Bumuga ako ng hangin bago sinagot ang tawag. Marahan ko itong tinapat sa tinga ko. "Damn. f**k it. Gabrienna!! Where the hell are you? Kanina pa ko tawag ng tawag. Bakit di mo sinasagot  ang tawag ko?! " Galit na galit nyang sigaw. " I-I'm sorry.. Nasa bag ko ang phone ko the whole time.. Nasa tricycle ako__" Napatigil ako ng biglang tumunog ang phone. Napangiwi ako ng nadrain na ito at namatay. It's low battery! Napakagat labi na lang ako at sinilid ang phone sa bag. Galit na galit sya and I'm sure he will not pass this. Not even a bit. Napatigil ako ng makita ang familiar na daan ngunit may nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan ang paradahan ng tricycle. Nakita ko ang dalawang bulto ng tao sa gilid nun habang di mapakali  ang isa sa gitna ng kalsada. Mabilis akung pumara at nagbayad. Bumaba agad ako at naglakad palapit. Napatingin silang lahat sa akin ngunit sa isang tao lang ako nakatingin. "Theo? What are you doing here? Dito pa kayo huminto sa gitna ng_" Napatigil ako sa pagsasalita at paglakad palapit ng patakbo syang sumalubong at agad akung niyapos ng makaputol na hiningang yakap. Nanginginig ang buong katawan nya at taas baba ang dibdib nya sa paghabol ng hinga habang sobrang  bilis ng t***k ng puso nya. Nasalikod ng ulo ko ang kamay nya at sa bewang ang isa. Bulong sya ng bulong ng mura at para syang takot na takot na mawala ako. Nalilito man ay sinuklian ko yun at hinagod ang likod nya para kumalma. Para kasi syang hinihika. Inamoy nya ang buhok ko at hinalikan ng paulit ulit ang sintido ko na parang naghahanap sya ng patunay na totoo ako. "Ok ka lang? May nangyari ba?" Taka kung tanong habang hinahaplos ang likod nya. Napatigil sya at parang dun lang natauhan. "Where have you been?" Tanong nya sa mababang tinig habang humaharap sa akin. Napakurap ako. "Namasyal ako pagkatapos kung ipatanggal ang braces ko." Simple kung sagot. Lumayo sya sa akin at tumitig sa mga mata ko at parang hinanap ang sagot. Suminghap sya at yumuko. Huminga sya ng malalim bago ako tinitigan ng malamig. "Why didn't you answer your phone?" Seryoso nyang tanong. "I told you nasa bag ko nga.. I didn't expect you to call." Sagot ko. Napaawang ang labi nya at parang di makapaniwalang tumingin sa akin. Napalunok sya bago napangisi. Umiwas ako ng tingin because I don't like the way he acts. Kita ko ang anino naming dalawa sa pagtama ng ilaw sa amin ng poste sa kanto at ang waiting shed sa gilid. "Then.. Why didn't you answer my call last night?" Mariin at malamig nyang tanong ulit. "Tulog na ko.." I side my face a bit not to see his face. "Liar!" Agaw nya na nakapag paangat ng tingin ko. Awang ang labing tumitig ako sa kanya. Straight line ang mga labi nya at nagliliyab ang mga mata nya sa pagtitig sa akin ng husto. Tiim ang  bagang nya at ano mang oras ay mag buburst out na sya. "Theo.." Tawag ko. "You refuse to answer me last night! I saw you getting up because of the lights in your room from your window! Alam mo rin na pupunta ako ng maaga kaya ka umalis ng hindi pa sumisikat ang araw! These past few days I ignored your acts because I think it'd change but you left without any words yesterday! Sinabi ko sayong pumunta ka sa game ko but you left me hanging!" gigil nyang sigaw sa akin. Para akung pinagkaitan ng hangin sa pagtingin sa tubig na namumuo sa mga mata nya. "Theo. Stop it." Bulong kung tawag. "Stop what Gabrienna?! Huh?! Give me a reason why you acting this way! Para naman may alam ako kung may mali akung nagawa. If if I do wrong? I'm sorry.. I'm sorry. I didn't mean to hurt you. I don't want to hurt you, But please tell me what's wrong? Let me know what's  bothering you because it's killing me to see you getting away." Garalgal nyang sabi. Nanginginig ang kamay kung humawak ng mahigpit sa bag ko. Namuo ang luha ko ngunit pilit kung tinago. Ano bang dapat kung sabihin na hindi masyadong masakit? Wala di ba? There’s no short cut to this. "You should go home. Bukas na lang tayo mag usap.." Paos kung sabi at tatalikod na sana ng hulihin nya ang kamay ko at hinila paharap. "Don't you dare turning your back at me Grabienna!" Sigaw nya. Suminghap ako ng malakas bago binawi ang kamay sa kanya ng malakas. "Theo! Ang kulit mo! Bukas na lang tayo mag usap. Pagod na ko." Malakas kung sabi. "Bakit?! Napagod ka sa pamamasyal kasama ang lalaki mo?! San kayo nagpunta huh?!" Gigil nyang sigaw at nigla nyang tinapon ang phone nya. Tumama yun sa sasakyan at nabasag. Nakita ko ang nakahandang kasama nya sa paglapit sa amin. Nakita ko ang pag aalala sa mukha nila. "Ano bang sinasabi mo?! Wala akung kasama.. I just want to have space to think!" Sigaw ko pabalik. "Space?! Think about what?!" " Us " pikit mata kung sigaw. “Hindi na tayo mga bata Theo” Garalgal kung boses na dagdag. Pulang pula syang nakatitig ng husto sa akin. Huminga ako ng malalim at bagsak ang balikat na umiwas ako ng tingin at kumurap ngunit tumulo pa rin ang luha ko. " I-I think about.. Me, Y-You. My parents. Our situations. The changes. Feeling ko napapagod na ko kakaisip Theo." Naiiyak kung  sabi habang basag na basag na boses. " Things changed_ between us, to everything, to this. May kanya kanya na tayong mga buhay Theo. I can't hold you anymore." tumitig ako sa kanya sa nanlalabong mga mata. " D-Don't say that.." Nahihirapan nyang sabi. Umiling ako at suminghap ng hangin. Umalog ang balikat ko sa pag iyak. I can’t hold it any longer. Feeling ko nauubos ako ng paulit ulit. Naramdaman ko na lang na inakap nya ko ng mahigpit at ramdam ko ang bigat ng bagsag ng dibdib nya. "Hindi na tayo mga bata Theo, I have my life you have yours, and that’s it. " Hagulgol kung sabi sa kanya habang kumakapit sa damit nya. Suminghap ako at inayos ang sarili bago tumingin sa kanya ng maayos. " S-So, I want you to understand Theodore that it should be this way, may mga bagay na hindi magiging permanente, kahit na gusto nating pareho, it didn’t work our well, so let me be on my own, Please?" Mahina kung saad habang nagmamakaawang tumitig sa kanya. Nakita ko na lang na wala syang reaksyon at binaba nya ang kamay nya palayo sa akin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD