Hindi na kami nakapasok ng buong maghapon. Nakatambay lang kami sa auditorium. Nakaupo sa labag at nakasandal sa pader, nasa kandungan nya ako. Sinabi ko nga sa kanya na hindi na kami bata pero parang wala lang sa kanya. Kweninto ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin sa loob ng apat na taon habang hawak nya ang kamay ko at nakatitig lang sa akin.
" Kadalasan ay nasa bahay lang ako kasama si Kuya Rey." Natatawa kung sabi.
Inayos nya ang palda ko ng lumihis ito ng kunti sa binti ko.
"May... Nagustuhan ka ba dun?" Tanong nya habang hinawakan nya ang bewang ko at inayos ang pagkakaupo ko sa kanya.
Natigilan ako at tumitig sa kanya. Di sya makatingin sa akin ngunit tumiim ang bagang nya. Uminit ang pisngi ko sa tanong nya.
"Meron. Ikaw? " sagot ko.
Napa angat ang titig nya at diritso sa akin.
"Wala. Sino?" Malamig nyang tanong.
Ngumiti ako bago sumandal sa dibdib nya at umakap sa bewang nya.
"hmm. Naging crush ko sya for a year. He is my classmate and seatmate but that's all. " Explain ko.
"Sino?" Mariin at malamig nyang tanong.
"Therdy Romwaldo name nya but anyway, Ikaw naman ang magkwento... Nagkagirlfriend ka na ba? Ilan? O may girlfriend ka na? Or nililigawan?" Excited kung tanong habang galak na umayos ng upo paharap sa kanya.
As usual. Nakatitig ulit sya.
"Meron."
Napatakip ako ng bibig at excited na bumaba sa kandungan nya at seryosong humarap sa kanya.
Napakurap sya at napalunok.
Bigla syang namutla at naglikot ang mga mata.
"Sino?" Tanong ko.
"I don't know. I forgot their names." Sagot nya.
Napakunot noo ako.
"Di ka na Virgin?" Diritso kung tanong.
He was taken aback. Nanlaki ang mata nya sa tanong ko. Bukas sara ang bibig nya at naghahanap ng sasabihin ngunit namula lang ang buong mukha nya pati ang leeg at tinga nya.
Napatakip ako ng bibig. Napasimangot sya at sinamaan ako ng tingin.
Di ko nakayanan at napahalakhak ako ng malakas.
"Oh my God Theo!" Bulalas ko habang natatawa ng malakas.
Naluluha na ko sa sobrang tawa. Inakap ko ang tyan ko dahil sumasakit na ito. He looks like a fish there, and by the look at it alam kung di nya iaasahan ang sinabi ko.
"Awww ang sakit ng tyan ko.. Ohh my." Natatawa ko pang saad at pinipigilan ng tumawa.
"Stop it. " naiinis nyang sabi.
Huminga ako ng malalim at nginisihan sya ng nakakaloko.
"I'm sorry.. Ang epic lang ng reaksyon mo. " tawa ko pa at pinahid ang luha ko.
Natahimik sya at umiwas lang ng tingin. Natatawa pa rin akung umusog palapit sa kanya at umunan sa kandungan nya.
Napatingin agad sya sa akin. Natatawa pa rin ako habang umaayos ng higa.
"Madumi dito Gabrienna." Mariin nyang sabi na nakapagpangiti lang sa akin.
Kinuha ko ang kamay nya at nilagay sa tyan ko. He intertwined our hands.
Pumikit ako at sumiksik sa tyan nya. Parang napatigil sya sa paghinga.
"Wag kang mahihiya sa akin Theo, because I like everything about you even your mistakes and flaws." Saad ko habang comportabling huminga ng malalim.
Ramdam ko ang titig nya. Ilang minuto lang ay hinila na ko ng dilim.
Nagising na lang ako sa nagbubulungang mga boses.
"Can you just f*****g go leroy…" napakunot noo ako. It's Theo. Bumubulong sya.
"Tol... Nasa labas ng gate yung mga nakaaway natin nung nakaraan. Tang'na, Tol dilikado tayo nyan lalo na si Ms."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa akin kaya napakunot noo ako ng husto. Nagmulat ako at una kung nakita ang mukha nya. Ngumiti sya sa akin. Bumangon ako at hinawakan ang buhok ko.
Natangal na ang pusod ko.
"Why did you untied my hair?" Naiinis kung tanong at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay.
Ngumiti lang sya at inabot ang salamin ko.
"Sorry.." Simple nyang sabi.
Sinuot ko na lang ang salamin ko at tumingin sa kasama namin.
Namamanghang nanonood lang sya sa amin.
"What?" Masungit kung tanong. Nanlaki ang mata nya at mabilis na umiling.
Inirapan ko sya at tumayo.
Sumunod sa akin si Theo at inayos ang palda ko bago kinuha ang mga gamit naming.
"Let's go home." Anya habang humaharap sa akin.
Umiling ako at kinuha ang gamit ko sa kanya.
"Uuwi na ko. May pupuntahan pa ata kayo" saad ko habang kinukuha ang gamit sa kanya.
"No… Ihahatid kita. I need to know where you live at."
Ngumisi lang ako at tumangkayad sa kanya para yumakap.
Mabilis na lumingkis ang braso nya sa akin.
"Kila Lola Adele ako nakatira. Bukas na lang tayo magkita." Saad ko habang nakayakap sa kanya.
Hindi sya umimik at hinaplos lang ang buhok ko.
Lumayo ako ng kaunti sa kanya at sunod sunod na hinalikan ang pisngi nya.
He groan protesting to let go.
"Mag iingat ka." bilin ko ng binitiwan ko sya.
Di nya ko binitiwan at hinila ulit palapit sa kanya. Muntik na kung mapatili ng inakap nya ang legs ko at binuhat.
Napapasinghap na nakayakap ako sa leeg nya. Natatawa syang tumingala sa akin. Nalukot ang mukha ko at tinampal ang balikat nya.
"Theodore, Ibaba mo ko." Inis kung singhal sa kanya.
Natawa lang sya at tumingala sa akin.
Huminga ako ng malalim ng makita ang mukha nyang masaya.
Sinapo ko ang magkabila nyang pisngi at pinanggigilan.
"Kulit mo. Uuwi na nga ako. Magagalit si Lola pag gabi na kung naka uwi. Tsaka mabigat ako kaya ibaba mo na ko." Natatawa kung sabi sa huli habang nanggigigil pa rin sa pisngi nya.
"Susunduin kita bukas..." Pinal nyang sabi habang nakatingala pa rin.
Natawa na lang ako at humalik sa noo nya.
"You don’t have to Theo, magkikita naman tayo paminsan minsan Hmm." Ngiti kung bilin habang binababa nya ko.
Nakita kung nawala ng kaunti ang ngiti nya at tumitig sa akin.
Ngumiti lang ako bago nagpaalam ulit at naglakad palabas ng auditorium.
Naramdaman ko ang pagsunod nilang dalawa habang palabas.
Hindi ko na sila nilingon ng makalabas ako ng gate.
Sumulyap ako sa mga grupo ng kalalakihan na nakaabang sa gilid ng malaking gate.
Humigpit ang hawak ko sa straps ng bag ko bago lumakad sa kabilang sides.
Wala ako sa sarili ng makauwi. Iniisip ang dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit ako umuwi. Kung bakit ang hirap hirap. Kung bakit ang sakit sakit. Ang hirap kapag nasa realidad ka ng buhay kung saan ang kaisa-isang inaasam mong makuha ay hindi magiging iyo kahit parang tama para sayo.
Kinabukasan ay nakita ko agad syang nakaabang sa kabilang kanto kung saan kaharap ang paradahan ng tricycle.
Nasa labas sya ng sasakyan habang nakatingin sa phone nya. He has this smile that looks playful, lumakad ako palapit pinapanood sya. I sigh and look away from him when I feel that it’s unbearable.
Bumaba ang driver nya at mabilis na yumuko sa akin ng kaunti.
Nag angat agad sya ng tingin at ngumiti sa akin ng malaki. Hindi sya naghintay na makalapit ako at sumalubong na agad sya sa akin.
Umangat agad ako sa ere ng yapusin nya ang bewang ko at inakap ng mahigpit. Umakap agad ako sa leeg nya at pinanatag ang sarili.
"I missed you.." Malambing nyang bulong sa akin. Lumambong ang mga mata ko but I refuse to shed any tears. No, I won’t let him know it.
I kissed his cheek before nod.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang hawak nya ang kamay ko. Ramdam ko ang titig nya habang nasa labas lang ang tingin ko.
Nakarating kami sa parking lot ng tahimik. Bumaba ako kasunod nya.
Maglalakad na sana ako paalis ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
Napakurap ako at di sya nilingon. Pinigilan kung wag maiyak. Baka mas lumala pa lalo ang lahat.
" O-Ok ka lang? Bakit parang namumutla ka?" Bakas sa boses nya ang pag aalala at pangamba.
Napalunok ako at tumingin sa kanya.
"I'm fine Theo.. Sige na. Male-late na ko." Simple kung sabi.
" Gabrienn_"
Di ko sya pinakinggan at binawi ang kamay ko sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla sa kanya ngunit lang ako.
"See you" paalam ko at di na sya hinintay magsalita.
"Gabrienna!" Sigaw nya ngunit di ko na sya nilingon at nagpatuloy na lang sa paglayo sa kanya.
All I want is to be back again, but once I saw him those days that I’ve been invincible in his eyes, I know that I’m too late. Too late to go back and renew what we had.