"Isabelli.. Nakagawa ka na ng research paper?" Shei.
I met her second day of class. Being a friendly with looks is nice but being my get up looking nerd is worst. Sya lang ata ang kumausap sa akin ng ilang beses akung sagutin o isnabin ng mga tinatanong at kinakausap ko.
Nasa library kami. Naging tambayan ko to mula ng makabalik ako.
"Yeah…" simple kung sabi habang tutok sa binabasa.
"Pati yung kay Ma'am pamintuan? At Sir Ron?"
Tumango ako at nag flip ng page sa binabasa kung libro.
"Seryoso?!"
Napatigil ako ng makita ko na di sya makapaniwala sa akin.
"Bakit?" Taka kung tanong.
Sinara nya ang librong hawak at seryosong humarap sa akin.
"May f*******: ka ba?"
Napakurap ako at umiling. Ano bang connect nun sa assignment namin?
Binalik ko ang tingin ko sa libro.
"IG?" Tanong nya ulit.
Umiling ulit ako.. Na didistract ako sa tanong nya.
"Twitter?"
"Wala... Bakit ba?" Taka kung tanong sa kanya.
Dumukwang sya sa akin kaya napaatras ako palayo.
Naningkit ang mata nya sa kin.
"Tao ka ba? Nagevolve na lahat pero ikaw na 80's pa rin eh. Libro lang ata hawak mo. Baka di mo alam may google na oyyy." tudyo nya at natatawa sa akin.
Nawala na ko sa binabasa ko.
Napailing na lang ako sa kanya.
"My parents didn't let me use social media for almost four years. Kailan lang din ako nagka cell phone to contact them everyday. But I assure you that I can used those websites. " explain ko sa kanya.
"Whatever... Igagawa kita ng account ngayon din. Come on. Selfie tayo ng may ma post ako sa IG and f*******: ko." Excited nyang sabi at mabilis na lumipat sa tabi ko.
Napilitan akung sakyan ang trip nya dahil she's a selfie girl.
Napangiwi sya ng makita ang pictures namin.
"Bakit kasi nakasalamin ka pa? May contact lens naman ah. "
"Naiirita ako dun... Tsaka far sighted ako. I need this to read." Explain ko.
"Hmp. Let's take it off muna pati na rin yang buhok mong maganda pero malaging nakabond sa tuktok. Hindi ka ba nagsasawa sa kakakutya nila sayo na si Ms. Tapia ka? My God Isabelli... Maganda ka naman pero tinatago mo." Daldal nya habang inaayos ang buhok ko.
Ang dami nyang shots na kinuha at paulit ulit na post lang sa camera. Lahat ata ng ngiti ko dun pilit. Hindi kasi ako sanay na kuhanan ng camera. Not my type. I hate it.
Natapos ata ang araw na yun na si Shairrilyn lang ang nagsasalita. Taga tawa lang ako sa lahat ng kwento nya.
Nagpaalam ako kila Tiyo at Lola Adele bago naglakad palapit sa terminal ng tricycle.
Kasasakay ko pa lang ng tumawag si Shai.
"Ohh?" Salubong ko.
"Damn it Isabelli, May orientation pala tayo kay Sir Ron regarding of our documentary. Nandito na ko sa Auditorium. Bilisan mo" Bulong nya.Napasinghap ako. What?
"What? Wala syang sinabi nung nakaraan" taranta kung saad sabay sabi sa driver na bilisan.
"Nasa group chat natin. Kainis. Ngayon lang din ako nagbukas. Bakit ba kasi wala kang f*******:? Bilisan mo na. Nakatingin na si Sir sa akin. Bye." Mabilis nyang sabi.
Napasinghap na lang ako at walang nagawa.
Hingal na hingal akung marahang pumasok sa auditorium at mabilis na pumasok. Agad kung nakita si Sir Ron sa stage. It's theatre style at naka deam light ang ilaw ngunit alam kung puno lahat.
Bakit di man lang sinabi ni Shai na may ibang course ang nandito?
Dahil deam light ay di ko makita si Shai sa ibang row. Buti na lang at nakita nya ko at mabilis syang tumayo ng bahagya para makita ko.
Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na nag excuse sa mga taong madaraanan ko.
Malapit na ko kay Shai ng matigilan ako kay Sir Ron.
"Ohh Wow... Look what we have here. The Ace of our Nursing Dep"
Nanlaki ang mata ko ng tumutok sa akin ang spotlight. Mabilis kung tinakpan ang mukha ko sa sobrang hiya.
Nakita ko ang pagputla ng mukha ni Shai sa akin. Great.
"Care to face me Darling.. Palagi ka na lang late Isabelli. Kahit transferee ka at for 3 months ay nanguna sa lahat ay pwede ka ng malate." Matigas nyang pahayag.
Jusko naman. Napakagat labi ako.
"Isabelli Gabrienna Olvidar" mariin nyang tawag na nakapag patuwid ng tayo sa akin at dahan dahang binaba ang libro.
Bumuga ako ng hangin bago ngumiti ng matamis. Ramdam ko ang mga tingin nilang lahat.
"Sir.. Pasensya na po. Hindi po ako na inform for this." Malambing kung sabi at inakap ng mahigpit ang libro.
"Ahhh Sir.. Kasi wala si Isabelli sa Group natin kaya hindi sya nasabihan." Pagtatanggol ng President namin. Si Joe.
"Ganun ba? Ohh sya ako ang mali ngunit sa susunod ay makisali kana sa usapin Isabelli?"
Tumango lang ako. Ngumiti ako kay Joe at nagpasalamat. Ngumiti lang sya bago umupo.
May narinig akung nagsigawan sa likod kaya mabilis akung tumingin sa taas.
Napatigil ako ng makasalubong ang titig nya habang nasa tabi nya si Leroy na nakahawak sa braso nya. Tulala syang nakatitig sa akin.
Mabilis akung umiwas ng tingin at pilit na ngumiti kay Shai na nakaawang na ang mga braso sa akin.
Natatawang umupo ako sa tabi nya at umakap sa kanya.
Bumuga ako ng hangin at ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko at pagbilis lalo ng t***k ng puso ko.
Nag init ang mga mata ko at namawis ang kamay ko. Bakit ba ganito na lang parati ang tagpo naming dalawa. Nakakainis.
Ng matapos ang briefing ay lumabas agad kami sa kabilang pinto at nagpasyang pumunta sa cafeteria para bumili ng maiinom.
Nasa harap kami ng tindahan ng may tumawag kay Shai. May hinahanap naman ako sa bag ko. Great nawawala ata ang wallet ko.
"Sheirrilyn... Shei!"
"Oyy Lim… Musta?" rinig kung tanong ni Shai.
Nahinto ata ang paghinga ko ng maamoy ang familiar na pabango.
Inayos ko ang salamin ko bago naghanap sa kabilang bulsa ng bag. Nanlalamig ang kamay ko.
"Ok lang… Si Leroy at Theo nga pala."
Huminga ako ng malalim at di nakayanan.
"Shai... Nawawala ata ang wallet ko. Babalik lang ako sa auditorium ahh."
Nabigla sya.
"Talaga..Ohh sige. Tatawagan kita agad. Teka maghahanap ako sa hallway. Naku nandun pa naman yung pictures ni Blue ray." Pangamba nya.
Tumango na lang ako at di sinulyapan ang kausap nya. Nagmadali akung pumunta sa auditorium at ginala ang paningin.
Buti na lang at nakita ko yun sa inupuan ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nanghihinang umupo ako at tiningnan ang laman. Ok pa naman.
Tumayo ako at paalis na sana ng may biglang bumukas na pinto sa kabilang side at nagmamadaling mga yapag ang palapit sa akin.
Mabilis akung lumingon dun at agad nakita ang itim na itim nyang mga mata.
Taas baba ang dibdib nya at titig na titig sya sa bwat anggulo ng mukha ko.
Nanginginig ang labi nya at may namumuong luha sa mga mata nya.
Parang may namuong bara sa lalamunan ko ngunit pilit kung nilunok. Nilaban kung wag maglalabas ng emosyon dahil makakasama yun lalo.
"Gabrienna.." Garalgal nyang tawag habang nanginginig ang kamay nyang inaabot ang mukha ko.
Napapakurap na mabilis akung umatras ng isa. Napatigil sya sa ginawa ko.
"Wooh W-What are you doing?" Tanong ko at pilit na kumunot noo sa kanya.
Napaawang ang labi nya at di naitago ang pagkamangha sa akin. Kitang kita ko ang pagkahulog ng tubig sa mga mata nya at parang nanghihinang binaba nya ang kamay nya.
Umiwas ako ng tingin bago matatag na nilampasan sya. Marang magdudugo na ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa libro.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla nya kung hinila paharap sa kanya.
Napapasinghap ako ng sinandal nya ko sa likod nun at niyapos ang buong katawan ko.
May tubig na dumampi sa leeg ko ng sumiksik sya sa dun.
Nanlalaki ang matang nabitawan ko ang mga dala ko.
Nanginginig ang katawan nya at sobrang higpit ng kapit na pag bumitaw sya ay baka mawala ako.
"I missed you. I missed you so much Gabrienna.." Madamdamin nyang sabi habang umaalon ang dibdib nya at habol ang hininga.
Hindi ko na napigilan pa at may lumabas ng luha sa akin at nanginginig ng kamay ko.
Suminghap ako ng hangin at pilit na pinakatatagan ang loob.
Hinawakan ko ang mga braso nya at pilit na nilalayo ang katawan sa akin.
"Hindi ako makahinga." Saad ko at pilit syang tinutulak ngunit ayaw nyang bumitaw.
Lumunok ako.
"Theo. Hindi na ko makahinga " ulit ko.
Lumuwag ang hawak nya ngunit di nya ko binitiwan.
Nakakainis lang talaga. Bakit hindi ko sya matiis?
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya. Namumula ang mga mata nya.
Titig na titig sya sa akin na parang kinakabisa ang buong mukha ko.
"Iyakin ka pa rin." Ngiti kung saad. Pinunasan ko ang pisngi nya.
"Sayo lang." Sagot nya at inakap pa lalo ang bewang ko at pinakatitigan ang mukha ko.
Natahimik kami at pinagmamasdan lang ang bawat isa.
Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa binasag nya.
"You've changed. That's better" seryoso nyang sabi na nakapagpatawa sa akin.
"They grounded me for years. I rebel through this get up." Saad ko habang hinahawakan ang long hair nyang nakatali sa likod.
Natahimik siya at pinagmasdan ako. Hinayaan nya lang akung hawakan ang buhok nya, chismiss kasi na ayaw nya yung pahawakan kahit kanino.
"I lost my tracks." Natigil ako at sinalubong ang titig nya.
"when I lost you. And Dad." Mahina nyang sabi.
Tinitigan ko lang sya at hinayaan. This is what I scared the most.
Huminga sya ng malalim at ngumiti sa akin.
"I searched you for all these years. Tinulungan pa ko ni Mom but we failed. Wala kaming lead sayo kahit ang lola mo. Saan ka ba nagpunta? Para kapag umalis ka ulit masusundan na kita." Saad nya na nagpatalon sa lintik na puso ko.
"They never let me use any gadgets and phones. Bahay lang ako at school with my bodyguard. Pinauwi lang nila ko when we don't have enough money. Si lola Adele na ang nagpapaaral sa akin."
Huminga ako ng malalim bago hinawakan ang magkabilang pisngi nya at ngumiti.
"Don't worry Theo. You will not lost me anymore. Andito na ko parati." Masigla kung saad.
Ngumiti sya at binuhat ako. Natatawang umakap na lang ako sa leeg nya.
"And I won't let you go again. Never again." Bulong nya sa leeg ko.
Dahan dahang nawala ang ngiti ko at hinaplos ang buhok nya. If ever that we grow apart again. Please, don't lost the way that I will give you.