Ng pumarada sa harap ng mansion ang sasakyan ay parang kinapos ako ng hininga. Nanginginig ang kamay kung humawak sa pouch ko ng mahigpit. Tinitigan ako ni Lola na sinuklian ko ng ngiti bilang pahiwatig na ayos ako. Bumukas ang pinto sa gilid nya. I sigh heavily while watching her going outside. Inalalayan sya ni Tiyo na nakangiti sa amin.. Mukhang nagsisimula na nga ang party dahil sa malamyos na tugtog sa likod ng Mansion na syang pinagdausan ng okasyon. Malaking harden iyon dinaos. Ang familiar na patio na madalas kung daanan noon pag nagagawi dito ng nakaraang taon pagwala sya ay napakaganda pa rin. Ang mga bulaklak na alaga ng Mama nya ay nandun pa rin. Nakasunod lang ako kila Lola, Tiyo at Mang Ben hanggang sa sumalubong sa amin ang paarkong gate na may mga bulaklak sa paligid n

