Tinanaw ko ang malawak na mga bundok habang pinapakiramdaman si Theo na nakasiksik sa leeg ko at yakap ang bewang ko. Ilang minuto pa ang lumipas ng ginising ko sya. Mukhang puyat pa sya. His not an early person. Ginawa ko ang homework ko habang nasa tabi ko sya at nagbabasa ng dala nyang libro. Hanggang sa mataas na ang araw ay di kami umalis dun. Napaangat lang ang tingin ko sa kanya ng tumunog ang phone nya. Sinagot nya agad yun habang inaabot ang kamay ko at pinaglaruan. Ngumiti lang ako sa kanya ng sumulyap sya sa akin. Ngumiti rin sya at walang pasabing hinalikan ang kamay ko. Nag iinit ang pisnging umiwas ako ng tingin. "Hindi ako pwede_... Yeah. It's early.. Next time. It's not a problem" Napasulyap ako ng napatigil sya at tumitig sa akin. Seryoso syang tiim ang tingin sa aki

