"Naka ban pa rin tayo kay Ginang Katakutan?" Nanlulumong saad ni Shei habang nagsusulat.
Napangiti na lang ako habang nagsusulat sa notebook. Nung isang araw pa kami di nakakapasok sa library dahil na rin sa nangyari. Pang third offense na kasi yun.
Kaya nagkakasya na lang kami sa bleachers ng soccer field tumatambay at nag aaral. Sa katunayan ay palagi kaming may dalang jacket para sa pag upo namin ng nakalaglag ang paa namin sa upuan. Bakal lang kasi ang bleachers at butas sa likod nito. It's just for the players dapat pero may upuan na sila sa pinaka gilid at ginawa na lang tong audience seaters. Nasa pinaka dulo ng field kami nakapwesto at kaharap na namin ay ang gubat na naglalati sa school.
Inayos ko ang jacket na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko habang nakatingin sa notes ko.
Inayos ko ang salamin ko at huminga ng malalim.
"Ughh. Bibili nga ako ng makakain natin. Boring na.." Ungot ni Shei na nakapagpatawa sa akin.
Sinundan ko na lang sya ng tingin hanggang sa nawala sya sa paningin ko.
Nangingiting binalik ko ulit ang tingin ko sa notes ko. Tahimik ang lahat dahil na rin nagsisibalikan na sa kanya kanyang klase ang ilan. Tapos na ang klase namin ni Shei pero pinili naming tapusin ang assignment at paper works para bukas. Kunti na rin ang tao at kanina ay may mga naglalarong players ngunit umalis din dahil may klase.
It almost a week seens then, iniwasan ko ulit sya gaya ng dati but not the way that If I know his watching or we are in the same place I'll go away, basta iwasan lang. Its a coincidence that we are in the same place every time and just glancing or talking a bit with Leroy or Shei will talk to them a bit. Gaya kanina, batian lang tapos wala na o kaya nagbibiro si Leroy sa amin ni Shei.
Pinaglalaruan ako ang ballpen na hawak ko ng may ngiti sabi ng may biglang humawak sa binti ko.
Nanlalaki ang matang nabitawan ko ang ballpen ko ng makita ko ang lalaking nakatingala sa akin habang malaki ang ngisi.
Napatili ako ng malakas lalo ng haplusin nya ang binti ko at yuyuko sana ng mabilis kung sinipa ang ulo nya.
Tatayo na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang binti ko at hinihila ako pababa.
Nahihintakutang tumili ako ng malakas habang napapaiyak ng husto. Hinihila nya ko pababa at inaakap ng husto ang katawan ko.
"Ohh my god! Wag! Bitawan mo ko!" Malakas kung sigaw at kumapit sa upuan.
May sinabi sya at parang tuwang tuwa sa nangyayari.
Napatili ako lalo at nagsisigaw ng mahawakan nya ang legs ko.
"Ahh Isabelli!" Tili ni Shei sa buong field..
Napasinghap ako ng malakas ng makita ko syang tumatakbong palapit sa akin.
Napaiyak ako lalo. Feeling ko mamamatay na ko. It's terrifying and scary.
"Shei! Tulong!" Umiiyak kung sigaw ngunit mas nabigla ako ng hinila ako ng husto ng lalaki.
Napatili ako ng malakas kasabay ng pagtawag at pagtili ni Shei sa akin.
Mabilis akung nasalo ng lalaki patalikod at inamoy ang buhok ko. Napasigaw ako ng sobrang lakas at pilit kumawala ngunit tinakpan nya ang bibig ko. Nakain ang lahat ng sigaw ko habang inakap nya ang mga kamay ko paharap. Naglalakad sya bitbit ako.
Takot na takot ako at parang walang katapusan ang paglamon ng takot sa loob ko. Sa nanlalabong paningin dahil sa luha at pagtigil ng lahat ay nakita ko ang isang lalaking palapit sa amin habang may mga kasunod syang iba.
Namalayan ko na lang na nasa damuhan na ko at may malambot na umakap sa akin kasabay ng pag upo nya sa akin at pag iyak nya. It's sheivilyn.
"Ohmygod! Ohmygod! Ohmygod! Ohmygod! Ohmygod! Isabelli! Ohmygod!" sigaw nya habang pinapaharap ako. Nanginginig sya.
I am aware of everything but I have no strength. Parang bigla na lang naubos. Nawala. Namanhid.
Everything is slowly fading.
"I-Isabelli! Wake up Girl! Isang!" Nahihintakutang sigaw nya at niyugyog ang buong katawan ko.
Sheirilyn?
"N-No! Isang! Gaga ka Gising! Wag ganito! T-Tulong! Oh my god! She's not breathing! Isang!" Hysterical nyang sigaw but the last thing I've heard is her fading voice.
Parang may matinis na flat line ang umugong sa tinga ko hanggang sa parang nagsinc in ulit at may malambot na labing dumampi sa akin, ang mabigat nyang paghinga at ang mabigat na bagay na nakadagan sa tapat ng puso ko.
"Gabrienna! Breathe baby!"
"Don't do this to me!"
"G-Gabrienna! Listen to me!"
"C-Call the ambulance! "
Parang may biglang kuryenteng pumasok sa buong katawan ko at sumabog na hangin.
Napasinghap ako ng malakas at umalon ng marahan ang dibdib ko.
Parang huminto ang mundo ng unti unting nagmulat ang mga mata ko at una kung napansin ang nakatunghay sa akin ay namumulang mata ng familiar na lalaki at ang mga nakapalibot sa amin.
"T-Theo. " mahina kung sambit sa pangalan nya.
Nakahinga sila ng maluwag.
Napasinghap sya ng malakas at may bumagsak na tubig sa pisngi ko kasabay ng pagyapos nya sa akin. Umaalon ng husto ang balikat at dibdib nya habang sobrang nanginginig ang katawan nya. Sumiksik sya sa leeg ko at ramdam ko ang tubig na umaagos mula sa mata nya papunta sa damit ko.
May nakahawak sa kamay ko ng mahigpit at ang pag iyak nya ang naririnig sa buong lugar.
Parang dun nakasasalalay ang buhay nya. Sa mga kamay ko. Parang batang umatungal si Shei sa gilid namin.
Wala silang imikan hanggang sa makasakay kami ng ambulansya. Sumama silang dalawa at tigsaliwaan pa silang hawak sa kamay ko habang nakapikit naman ako at may oxygen mask.
Nakatulog na lang ako sa gitna ng byahe.
Nagising ako ng may nag uusap sa paligid ko. Mahina lang yun ngunit alam kung rinig ko pa rin.
Malamig ang buong paligid at ramdam ko ang pagtama ng hangin ng aircon sa balat ko.
"She's safe now.. It's just her over flowing emotions kaya nagstop ang t***k ng puso nya. Based on the test and diagnosis, her heart is healthy at wala syang ibang naging sakit aside nung baby sya. But she have history of heart failure when she was infant and I must say that you have to be careful with her.. Kahit pa sabihing nalagpasan nya yun may passability na bumalik yun because of her extreme emotions and her mental state. Nakadepende mismo sa kanya ang ikakabuti ng katawan nya at puso."
Naging mahina ang pag uusap nila kaya nagmulat ako ng mga mata at tumitig sa kesame.
Ilang minuto na ata akung nakatitig dun hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Nakita ko ang paglapag ni Tiyo ng paper bag na dala nya kasunod sya.
"Hijo.. Baka hinahanap ka na ng Mama mo. Gabi na rin. Ako na lamang ang magbabantay kang Isang" Saad ni Tiyo habang nag aayos ng dala at nakatalikod sa kanya.
"Ano hong sabi ng doctor? Nakabalik ho ako patapos na kayong mag usap..." Binaliwala nya ang sinabi ni Tiyo na nakapag patigil sa huli. Seryosong seryoso ang mukha nya.
Nakita ko ang pamamaga ng kamay nya.
Nakita ko ang pag aalinlangan ni Tiyo bago humarap sa kanya.
Magsasalita sana sya ng unahan ko.
"T-Tiyo.." Paos kung sabi with my rasp voice.
Agad na natuon sa akin ang pansin nilang dalawa.
"Isang anak..." Masayang bungad ni Tiyo. Ngumiti ako ng pilit sa kanya.
Mabilis na lumapit si Theo sa akin at mabilis na humawak sa kamay ko ng may pag iingat.
"Gising ka na..." Wala sa sariling saad nya at dinantay ang palad ko sa pisngi nya. Namula ang mga mata nya at nanginig ang labi habang titig na titig sa akin.
Nag init ang mga mata ko at sa kisap mata ay nahulog ang luha sa mata ko.
"Theo..." Marahan kung tawag at hinaplos ang pisngi nya.
Kinuha nya ang kamay ko at ilang beses yung hinalikan habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya ngunit ayaw ng paawat ng mga luha ko.
Nakita ko na ang pagkabahala niya at pagkataranta.
"Hey hey it's fine.. Your safe now baby. Your safe ok. Don't worry." Bulong nya at dumukwang sa akin at hinalikan ako sa noo. Sinakop ng malalaki nyang kamay ang maliit kung mukha at marahang pinunasan ang mga luha ko.
Suminghap ako at tumango. Wala sa sariling kinawit ko ang mga kamay ko sa leeg nya at umakap.
Mabilis nya kung inalalayan at niyapos sa bewang upang ilapit sa katawan nya at paupuin ako ng may pag iingat.
Kumapit ako ng husto sa kanya at binaon ang mukha sa dibdib nya.
Pumikit ako ng mariin at hindi napigilang humikbi. Nag umpisang manginig ang buong katawan ko.
Pakiramdam ko ay nandun pa rin ako sa lugar na yun at yung pakiramdam ng takot na takot ka at parang lalamunin ka ng buo. Na parang andun ka lang at di ka makaalis. Feeling mo mauulit at mauulit pa rin yun kahit sa pagtulog mo.
"Gabrienna.. Hush baby. S-Stop crying." Nanginginig ngunit may riin nyang sabi. Hinarap nya ko sa kanya. Masuyo nyang hinawakan ang mukha ko.
Hindi ko namalayan na may tunog na ang pag iyak ko at ang pag alon ng dibdib ko at pag taas ng balikat ay sobra na.
Wala na si Tiyo at mukhang tinawag ang doctor.
Kapit na kapit ako sa damit nya kahit na nanginginig ang mga kamay ko.
"It's gonna be fine.. Your safe." Marahan at mayriin nyang sabi na parang yun ang dapat kung isipin ngunit hindi ko magawa.
Naghahalo ang pawis at luha sa mukha ko. Umalon ang dibdib kung mabilis na umiling.
" T-Theo.. T-Theo.." paputol putol kung tawag habang napapaimpit ng iyak.
"S-Stop it Gabrienna... You freakin' me out baby" nahihinatakutan nyang sabi at nilapit ang labi nya sa noo ko. Pinanatili.
Humikbi ako ng malakas kasabay ng iyak. I remember everything.
"H-He H-He.. " Nahihirapan kung sabi at kumapit lalo sa collar ng damit nya.
Niyapos nya ko lalo at mahigpit na niyakap ng husto.
"No.. No.. His not here. That fucker is not here." Mariin nyang saad at hinaplos ang likod ko at ilang ulit na hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Napasinghap ako at napapikit ng mariin. Umiling.
"H-His going to harm me.. He was laughing.. He he will.. He will touch me.. Theo.. W-Where are you? H-Help me.. Help me.." Nahihirapan kung saad at paputol putol ang hiningang kumapit ako ng buong higpit sa damit nya.
Narinig ko ang mura nya ngunit parang nagiging iba ang paligid at slow motion ang lahat.
Namalayan ko na lang na nakahiga ako sa kama habang pinapalibutan ako ng mga nakaputing tao at may nakatakip sa bibig ko hanggang ilong.
Bumibigat ang mga mata ko ngunit hinanap ko ang familiar na mukha.
Nakita ko sya sa kabilang gilid kung saan tinutulak sya ni Tiyo palayo sa akin habang parang natulala sya sa pagtitig sa akin. May sinabi si Tiyo na nakapagpatuon ng pansin nya, para syang nataranta at nabahidan ng takot ang mukha nya. Pilit syang lumapit sa akin at tinulak si Tiyo ngunit hindi ito hinayaan ng huli. Sinisigaw nya ang pangalan ko ngunit di ko madinig. Pilit nya kung inaabot ngunit tumulong na ang ibang nurse na lalaki para paalisin sya.
Huli kung nakita ang naiiyak nyang mga mata habang nakatitig at kinakaladkad sya palayo sa akin.