Masayang tinakbo ko ang papuntang soccer field habang dala ang malaking banner para sa kanya.
Ang mga nakakasalubong ko ay nakakunot noo sa akin at may disgusto sa mga mata.
Siguro kasi sobrang liwanag ko at nasisilaw sila sa gandang taglay ko.
Nakasuot kasi ako ng pink na long sleeve polo na naka tack in sa paldang polka dots na hanggang tuhod ang haba habang naka strip long sacks ako at naka rubber shoes na neon color. Ang mabigat kung backpack ay kulay pula. Ang buhok kung pinusod ko lang sa tuktok habang ang malaki kung salamin ay natatabunan ang mukha ko.
Humihingal man na dumating ay mabilis kung inangat ang banner at tumili ng napakalakas.
"Go! Go! Go Theo! Wooh! I love you so much! " tili ko at tumalon talon pa.
Nagtinginan ang ibang audience sa akin at ang ibang player sa akin kasama na sya.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko na nagpalabas ng full braces ko habang nilalahad sa kanya ang banner na gawa ko.
Nakita ko ang pagtawa ng ilang ka team nya. Baliwalang tumakbo sya kasabay ng iba. May sinabi pa sa kanya ang iba nyang kasama na natatawa pa rin pero baliwala lang sa kanya.
May nakita pa kung natatawa sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Kala mo naman ang gaganda nila.
Binaliwala ko na lang yun at tinuloy ang pagchecheer sa kanya.
Sobra ang tuwa ko ng siya ang naka score at sila ang nanalo sa pinaka huling laro.
Grabe ang pagsisikap ko ng matapos sila. Hinintay ko siya sa labas ng locker room nila.
Ngumiti ako sa mga kasama nyang lumabas at kinonggrats na rin sila. Nakipag apiran pa sa akin at nakipagbiruan sa suot ko. Natatawa na lang sila sa sagot ko at naiiling na lang na umalis.
Kalahating oras pa kung naghintay bago ko nakita ang paglabas ng kaibigan nya kasunod sya.
Napatuwid agad ako ng tayo at ngiting malaki agad ang bungad ko sa kanya.
"Woohh ang babaing pinaglihi sa color... Musta? Galing mo kanina ah" natatawang bungad ni Leroy.
Naglahad agad sya ng fist bomb sa akin. Natatawang pinagbigyan ko sya.
"Ok lang lalaking pinaglihi sa tawa. Para kay Theo yun…" Tukso habang napapabaling sa lalaking nasa likod nya at di man lang nakatingin sa akin.
Di man lang nya ko bibigyan ng isang tingin?
"Iwan. Oyy kay Theo to. Akin na" tawa ni Leroy at mabilis na kinuha ang paper bag na dala ko. Iiwas ko sana pero nakuha nya na.
Ngumiti ako ng matamis kay Theo at lumipat kung saan sya nakatingin. Wala man lang syang reaksyong nakatingin sa akin.
"Hi Theo… Ang galing mo kanina. Congrats ah. Ang pangalan ko pala_"
Di pa ko nakakatapos magsalita ng umiwas sya ng tingin at baliwalang nilagpadan ako.
Natitigilang sinundan ko sya ng tingin. Ngumiti sa akin si Leroy bago sumunod sa kaibigan.
"Ako nga pala si Isabelli Gabrienna.. Isang for short. See you sa klase." Habol ko sa kanya at kumaway pa.
I sigh. Grabe mas lalo ata syang gumagwapo sa paningin ko.
Pati pang upo nya ang ganda. Kainis.
"Hoy... Anyari?"
Napasinghap ako sa gulat dahil sa ispasol na mukha ni Shei. Ako pinaglihi sa kulay ito pinalihi sa puti.
"Ano ba?! Nahuhulog puso ko sa bigla sa yo ehh." Angil ko.
Napatitig sya.
"May puso ka pala?" Taka nyang sabi.
"Syempre…" inis ko pang dagdag. Nawala tuloy si Theo sa paningin ko.
"Akala ko binigay mo na kay Theo.."
Napatigil ako dun at napangiting tinampal ko ang braso nya habang kinikilig.
"Oo nga pala" tawa ko at timang na tumingin sa dinaanan ni Theo.
Napasimangot si Shei.
"Iwan ko sayo… Ni Hindi ka nga nun pinapansin eh. Ni sulyap ayaw nyang ibigay sayo tapos puso pa ibibigay mo. Let me tell you this Isang... Hindi ka mapapansin ng isang Theodore Giovanni Sanchez Vijar Del Castillo "
Di ko sya pinansin at tinahak ang daan sa kabilang side.
Alam ko naman. Sabi kasi ni Mama. Kapag mahal mo iparamdam ko kahit na alam mong sa huli alam mong talo ka at sa oras na alam mo ng talo ka. Tsaka mo lang marerealize na tama na. Binigay mo na ang dapat na sa kanya, it's time for you to see the other side of your love.
Napangiti ako ng makita ang burol. Ilang minuto din akung naglakad papunta dito.
Excited akung umakyat sa hagdan na gawa sa kawayan. Akap ang libro at notebook na nangingiting tumingin sa likod nya habang naka upo sya sa upuan na gawa sa kawayan.
Malapit na ring sumikat ang araw.
Nakita kung nakatali sa puno ang kabayong palagi nyang gamit tuwing nagpupunta dito.
"Kanina ka pa?" Tanong ko habang umuupo sa tabi nya at nilapag ang mga hawak ko sa mesa.
Di sya sumagot ngunit tumingin lang sya sa akin sa mapungay na mga mata. Halatang kagigising lang nya ngunit mas pinili nyang pumunta dito ng ganito kaaga.
"Theo.." Malambing kung tawag.
Wala pa rin syang sinabi bagkos ay umusog sya palapit sa akin at umakap sa bewang ko at sumandal sa tapat ng puso ko.
"Sorry..." Mahina nyang bulong na nakapagpangiti sa akin.
Nilagay ko ang kabilang kamay ko sa likod nya at ang isa ay humahaplos sa buhok ko.
"Ok lang… Kisa naman mahuli tayo nila Mama." Mahina kung saad na nakapagpahigpit ng yakap nya sa akin.
Mas malaki sya sa akin ngunit palagi syang ganito mag mula ng mga bata pa kami hanggang sa ngayon na nasa college na.
Our life is a new version of Romeo and Juliet story.
Magkaaway ang mga magulang namin not the clan if you asked but they have just hated each other because of their tangled own past.
Una kaming nagkakilala ni Theo in nursery school. Him, being a silent one and me being friendly. Throughout the day, we always want each other company. Uso sa probinsya na hinahayaan lang ng magulang ang anak na umuwi mag isa pagtungtong pa lang ng Kinder so we always end up going home together with his personal driver.
Dahil na rin busy ang mga magulang namin sa trabaho kaya wala silang alam na nagiging close kami ni Theo.
Hanggang sa mag elementary ay palaging kami ang magkasama but everything is crashed when our High school started and why we end up being this hide and seek.