CHAPTER 1

1990 Words
Tamad na sinarado ko ang laptop ko habang tinatanggal ang salamin ko at sumandal sa swivel chair ko. Ang ilaw na nanggagaling sa lamp shade ko ay ang nagsisilbing liwanag ko sa madilim kung office. Umikot ako para makita ko ang city lights behind my glass wall. Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak ko habang nakatitig sa glass wall. Tumunog ang voice mail. I sigh when I heard a familiar voice. "Hey Gab… Where are you? Hindi kita nacontact because I'm busy. I'm sorry darling… I missed you." Napapikit ako when I feel a sting running inside my lungs down to my heart. May namuo sa gilid ng mga mata ko na mabilis kung pinigilang tumulo. Tumayo na lang ako at niligpit ang mga gamit ko. Aaalis na sana ako ng tumunog ulit ang voice mail. "Hey, Isang bruha... Were here in the club. Just in case you want to have fun without your clingy fiancé, just come here. Love you" It's Shei. I unplug all the appliance before taking the lift. Everything is like perfect for me. My career, my family, my friends, my boyfriend who is turned to be my soon to be husband. Through this year I thought it's perfect, but I see myself incomplete. Naiisip ko minsan ang selfish ko because God gave me everything but I can't appreciate it because I'm looking for something that isn't mine. Na kahit Limang taon na kami ni Leo and still counting, I can't give him what he wants. That's the big problem. We all know that every man has needs, but I can't see myself giving it to him. I choose to say to him that I'm traditional. Na kasal muna. Let's wait till it come. Mali ba ko? Mali bang sabihin na hindi pa ko handa? That I'm scared. I'm terrified. Madalas kung iniisip na kapag nakuha nya na ko iiwan nya na ko. Na wala na kung silbi kapag nakuha nya na ang gusto nya sa akin. Pathetic but I won't give in kahit na.. Na naghahanap sya ng iba. That he has another woman. Mabilis akung umibis palabas ng sasakyan at kinuha ang pouch ko. Nilugay ko ang buhok kung hanggang bewang ang haba at naging maalon ito. Hinubad ko ang blazer ko. Lumitaw ang manipis kung balikat. White Sleeveless dress ang suot ko na hanggang kalahati ng hita ang haba at isang stiletto. Nag-ayos ako ng kunti bago bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan agad ako ng bouncer ng pinto. May mga nakapila pa sa labas but they know that I am VIP. Diritso lang ang lakad ko sa loob kahit na ang pagbaba ng hagdan. Lahat ng madadaanan ko ay sa akin nakatingin ngunit wala akung pakialam. Sobrang matao ng lugar at may iba pang humaharang sa akin ngunit iniiwasan ko lang sila habang sa makita ko ang lounge ng mga VIP costumers ng club. Wala ako sa sariling tuwid na dumiritso sa familiar na lounge. Sumasabay sa bawat galaw ko ang buhok ko, nang makalapit ako ay mabilis kung kinuha ang isang tequila sa mesa at diritsong tinungga. "Woohh Gab! Dahan dahan!" awat ni Shei. Alam nyang mahina ang tolerance ko sa alak. It's just one shot nothing more. Pabagsak kung binaba ang chaser bago tinapon ang pouch ko sa sofa katabi ng inuupuan nilang tatlo. Shei's boyfriend Kian and Our gay bestfriend Dan. Nilahad ko ang kamay ko kay Dan.. "Wohhh let's have fun people… Dan baby come!" Sigaw ko sa masayang boses.. Mukhang ayaw niya dahil nag alangan syang tumayo. "Gab… What's wrong? " Tanong agad nya ng kunin ang kamay ko. Natatawang umiling ako at mabilis na hinila sya papuntang dance floor. Narinig ko ang sigaw ni Shei ngunit di ko sya pinansin. Ng nasa gitna na ay napahiyaw ako, natatawang sumabay sa akin si Dan at ginaya ang dance step ko. Sa saliw ng maharot na tugtog ay gumiling ako at sinuklay ang buhok na tumatabing sa mukha ko. Namalayan ko na lang na wala na si Dan sa harap ko at iba na ang kasayaw ko. Masyado syang madikit at iba ang titig nya. Hahawakan nya sana ako sa bewang ng lumayo ako at mabilis na tumalikod sa kanya para maka-iwas. Buti na lang at di sya sumunod. Sumabay ulit ako sa bet. I sway my hips and feel the song. Ilang beses kung sinuklay ang buhok ko ng wala sa sarili and I find myself thinking about this. About what happened. About him. Mabilis na tumulo ang luha ko sa gilid ng mata ko. Natatawang suminghap ako at tinaas ang mga kamay habang napapatingala sa taas kung saan ang iba't ibang ilaw. Mas naging wild ang dance floor ng may sinabi ang DJ na hindi ko na nasundan.  Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga taong nakapaligid sa akin. Para akung nasa spotlight na walang liwanag. Feeling ako lang yung malungkot at nasasaktan sa ilalim ng makulay na mga ilaw. Umiikot na ang nasa paligid ko. Mukhang umiipekto na ang alak. Pinasadahan ng palad ko ang luhang tumulo sa baba ko bago buminga ng malalim na sinuklay ko ang buhok ko. No. I should not act like this. Nandito ako sa club para magsaya hindi mag self-pity. Mas lalong umingay ng nagpalit ang tugtog at nagtatalon ang lahat. Pumikit ako ng mariin bago sumabay sa kanila sa pagsigaw at tumalon talon. Lumipas ang ilang sandali na pawis na pawis ako habang enjoy na enjoy sa pagsayaw sa mga hindi ko kilala. Mapababae man o lalaki. May mga touchy na lalaki na mabilis kung napapaalis o kaya naiiwasan. I don't come here to flirt or find someone to relay on. I just want to enjoy and enjoy more. Namalayan ko na lang na nasa stage ako katabi ang DJ na mukhang nabigla sa pag agaw ko sa kanya ng mike. Hindi ko alam kung saan napunta ang sapatos ko dahil nakapaa na ko ngayon. Ang buhok ko ay buhaghag na at parang kagigising ko lang. Napatigil ang mga tao sa dance floor ng mapansin ako. They are looking at me. Inutusan ko ang DJ na pahinaan ang music. Buti na lang sinunod nya. "Ahm, Hello... Mike test." Tinap ko ang mike kung meron. Napahagikhik ako ng marinig ang boses ko. Nice! Ang ganda talaga ng boses ko kahit nagsasalita. Nakita ko ang pabiglang tayo ni Shei na makita ako at laglag ang panga nila ng boyfriend nya habang nakatitig sa akin. Full smile akung kumaway sa kanila. Mukhang ngayon lang nila ulit ako naalala. "Hey… I just wanna thanks to my beloved bestfriend Sheivalyn, my best friend Dan and of course Kian who brought me here to enjoy this moment of my life. Now I know why they like clubbing." hagikhik ko sa huli at namumungay ang matang tinuro ang kinaruruunan nila. Nagbulungan ang mga tao habang nagtataka sa ginagawa ko. I saw her lip sync oh my God. "Hmmm. And I kind of like it now. So don't worry if I have a low tolerance. I can bear it people…" I sigh while smiling and closing my eyes. "Damn it! Gab get down here!" I heard Dan shouted. Natatawang umiling ako at nilayo sa DJ ang mike ng kukunin nya. "Wait-wait Mr. DJ I just announcing some tips" tawa ko at umatras palayo. Napatigil din sya at napailing na lang sa akin. I look of all the people and I see their eyes a disagreement with my acts. Napalunok ako mahinang natawa. Ok I got this. Hindi pa ko lasing. "Tips from all the girls out there" napaos kung saad sa huli. I feel my eyes heat. I saw Dan reaching the stage ready to drag me out of the stage. "Don't fall... From the guy who always make you down at the end of the day " mariin kung sabi sa nanginginig na boses. I saw him stop near me. Staring at me. I smile at him bitterly. Yes Dan. I'm wreaked. "Specially to those men who doesn't remembered their own mother who's the same with our gender." Malungkot akung bumaling sa harap. "Don't expect that he says I love you kayo na sa huli… Because clearly, they would never content in one kapag may hindi ka nabigay sa iba hahanapin. Mostly sa mga lalaking kala mo perfect yun pala loko loko at walang kwentang tao. " Napahiyaw ang mga babae sa sinabi ko at may mga nagtaas pa ng baso sa akin. "Achievers, degree holders yun yung mga guys na gentleman at walang kasiraan sa katawan but honestly... Saying sorry doesn't mean it can heal the wounds. Saying promises doesn't mean it can mend our crashing trust. Saying I love you doesn't our tears will stop." Nag umpisang tumulo ang luha ko. I'm sobber now. But I want to continue this. "Playboy ka. Tarantado ka. Kung galit ka sa mundo bakit pati kami dinadamay nyo? Kung gusto mong maglaro bakit kami ang pinaglalaruan mo? Kung mahal mo ko bakit naghanap ka ng iba? " burst out ko. Mas lalong nag ingay ang mga babae. "Bakla ka ba?! Bakit ka nagpapaiyak ng babae? Bakit kung maka asta ka para kaming damit na pinagsawaan na tapon agad? Hindi kami bolang pinagpapasa pasahan. May emosyon din kaming inaalagaan. Hindi lang ikaw ang tao dito! Kaya asahan mo matatauhan din ako at kapag nangyari yun. Who you na lang sayo. It's hard to give a second chance but If you want a many chance. Bibigyan kita ng limang peso hanap ka ng makakausap mo. Wala akung pakialam kung mag puppy eyes ka pa o bigyan ko ng mamahaling gamit. Kunin mo man ang bituin wala akung paki. Tanga na lang ang maniniwalang kaya mong manungkit ng bituin. Pre payo lang... Puno ng nyog nga di mo maakyat bituin pa kaya." Nagtawanan ang mga tao at tuwang tuwa sa sinabi ko. " Pero... Alam mo kahit anlandi mo… Mahal pa rin kita " nag-c***k ang boses ko sa huli. Mabilis natahimik ang lahat. "Ang hirap lang kasi dahil hindi ka makuntinto at naghanap ng basketball ring." I heard everyone laugh. They know what I mean.  I sigh heavily and dry my tears. "I just want to say this because it's heavy I'm sorry guys if I disturbed you" nahihiya kung sabi.. May mga humiyaw na ok lang at iba ay tahimik lang. "but thank you... Nakatulong kayo sa akin. Have fun people. Thank you very much" huli kung pasabi bago lumapit sa DJ na umakap sa akin at kinuha ang mike. Nagpasalamat ako bago bumaling kay Dan na seryoso akung tinitigan. Nagpatugtog na ang DJ at nagsimula ulit ang party. Marahan akung lumapit sa kanya at napapasinghap na sumiksik sa balikat nya. "You fool " bulong nya. Natawa ako kahit na naiiyak. Bumitaw ako sa kanya at nagpakita ng muscle sa kanya. Natatawa syang tumango. Ngumiti ako bago patakbong lumayo sa kanya at nakisiksik sa mga tao.. I heard his pitch voice calling me. Napapahalakhak na lumapit ako kila Shei na namamangha pa rin sa akin. Ngumisi ako sa kanilang dalawa bago kinuha ang isang chaser na may lamang alak at diritsong tinungga. Napapikit ako sa pait at mainit na paghagod nito sa lalamunan ko. Napapahagikhik na tinaktak ko ito sa ulo ko bago marahang dumilat. Unang bumungad sa akin ang isang familiar na kurbata ng isang lalaki. Nawala ang ngiti ko at tumingala agad. Seryoso syang nakatitig sa akin ngunit ramdam ko ang galit sa pagtiim ng panga nya. Ang pagkuyom ng kamao nya at ang pagkalas ng butones sa kwelyuhan nya. "Gabrielli..." Mababa nyang tawag sa akin. Sya lang ang tumatawag sa aking ganun bukod kay Dad kapag galit. Nag init ang gilid ng mata ko at mahigpit kung hinawakan ang chaser habang binababa. Nahinto ang tingin ko sa panga nya. Kahit na madilim ay kita ko ang marka dun. Coincidence lang ba to o nananadya na ang tadhana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD