CHAPTER 2

1339 Words
Napaawang ang labi ko at di makapaniwala sa nakikita. May bumikig sa lalamunan ko at napapalunok na lang akung ngumisi ng peke sa kanya. "Let's go" mariin nyang sabi at hahawakan sana ang kamay ko ng mabilis ko yung inilayo sa kanya at umatras ng isa. Napatigil sya at mukhang nabigla sa akin. Nakita ko ang pagtuon ng pansin sa amin ng mga tao. Scene stealer na ata ako. "Isabelli! You are making this worst. Let's go!" agad nyang sabi at hahawakan nya sana ulit ako ng mabilis kung kinuha ang singsing sa kamay ko at binato sa dibdib nya habang nabasag naman sa paanan ko ang chaser ng mabitiwan ko ito. Naramdaman kung nasugatan ang paa ko ngunit wala akung pakialam. My whole world is crushing again... Right now. Nabitin sa ere ang kamay nya. "Let's forget what we had Leo…" Paos kung sabi. Para syang natuklaw ng ahas sa pagtingin sa akin. Nanlabo ang paningin ko at tubig lang ang nakakapagparamdam sa akin na buhay pa ko kahit ganito. "Pagod na ko... Matagal na.." Habol kung hiningang sabi sa kanya. Umalon ang dibdib ko sanhi ng matinding pagpipigil ng iyak. "G-Gab…" Ginamit ko ang likod ng palad ko sa pagpunas ng luha sa kabilang pisngi bago walang buhay na kinuha ang pouch ko sa couch. "Isabelli Gabrienna! " napapaos nyang sigaw ng patalikod na ko. Huminga ako ng malalim at di sya pinansin, naglakad ako paalis. Parang natigil ang mundo sa loob ng club habang papaalis ako. Lahat sila ay naistatuwa sa nangyari at parang walang buhay na nanonood sa akin. Kahit nakapaa ay nakarating ako sa sasakyan ko ng nanghihina. Habol ang hiningang napahawak ako sa tapat ng puso ko at sa doorknob ng kotse. Habol ko ang hininga kung awang ang labing umalog ang balikat ko at unti unting napaupo. Ilang minuto akung nandun bago nagpasyang pumasok sa loob. Wala akung lakas na buhayin ang makina. Nanghihina ang tuhod ko at gusto ko na lang matulog. I decided to take a bus instead. Kahit wasted at kagagaling lang sa iyak ay nilakad ko ang waiting shed. I'm wearing my blazer. Malamig na rin kasi. Umupo ako sa pinaka gitna ng bus sa gilid ng bintana. Tulala lang akung nakatingin sa labas habang umaandar ang bus. Ilang sandali ay may tumabi sa akin ngunit di ko pinansin. It's a man's perfume. It's familiar scent that I don't know where I smell that scent. I sigh. Sumandal na lang ako sa salamin ng bintana. Ilang minuto na ata akung ganun ng tumunog ang phone ko sa pouch. Wala sa sariling sinagot ko ang tawag. "Isang! Tang'na where are you?! Buyset talaga! Walang hiyang lalaki! Ipapapatay ko sya! Asan ka?! Wag kang tatalon sa tulay!" Nag init ang mata ko. "Malapit na ko sa tulay.." "Gaga! Wag kang magbiro dyan!" Gigil nyang sigaw. Napangiti ako. "Sabi mo maghanap ako ng tulay?" Anya. "Gaga lumayo ka! Asan ka?! Sleep over kami ni Dan!" Nanginginig na ang boses nya. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo. Bumangga ang braso ko sa lalaking katabi pero di ko nalang pinansin. "Nakasakay ako sa Bus pauwi. I can't drive." "You sure?" naiiyak nyang sabi. Tumango ako kahit di nya nakikita. "Hmmmm" sagot ko. Natahimik kaming dalawa. I sigh again. "should I take a vacation Shei?" nanghihina kung tanong. Nakita ko ang mga orbs na nag form sa gilid ng mga posteng nadadaanan namin. "Where?" Tanong nya. Isa lang ang naiisip kung lugar pero matagal na kung nakalimutan ng lugar na yun. Sa sobrang tagal feeling ko wala na kung babalikan. Bukod dun, ayuko ring bumalik kahit na andoon sila Lola adele.  "I don't know... I'm here na. Bababa na ko. Bye." Nagmamadali kung sabi sa huli. Tumayo agad ako. Nakita kung nakahood pala ang lalaki at nagmumusic habang naka aviator with cross arms. I think his sleeping. Halata ringsobrang gwapo nya sa tangos palang ng ilong at pula ng labi. Malapad ang katawan nya at doble ata ang laking tao nya sa akin. Sabagay lalaki sya. Sobrang tangkad rin siguro dahil di magkasya ang binti nya sa harap. Marahan na lang akung gumilid para di sya masagi at humakbang ng tahimik. "Mama... Para ho!" Sigaw ko sa driver. Bago bumaba ay nagbigay ako ng pamasahe. Nagtataka pa sa akin ang ilan dahil naka paa ako. Napabuntong hininga na lang akung bumaba. Humangin ng malakas kaya nahawi ang buhok kung nasa harap at napunta yun sa likod. Inipit ko yun sa likod ng tinga ko bago tumingala sa langit. Uulan pa ata ngayong madaling araw. I sigh. Ilang minutong lakaran pa bago marating ang condominium building kung saan ako nakatira. Mabagal lang akung naglakad. Wala akung paki alam kung may makasalubong man akung ibang tao o makabangga. I'm not in the state of freaking out in the middle of this night because I knew what just happened this evening is a nightmare to me. Dati... Naranasan ko na to. I just can't compare the feelings because it's hard to identify which hurt the most. When I love. I loved. I surrender. I've always given my everything. Even it's made me break in the end. Sana nga di na lang ako nagmahal ng sobra, para naman may matira sa akin at masalba pa rin ang puso ko at hindi nadudurog ng kanito. But it's my nature. To love like there is no tomorrow. It's my principle. To give my everything to my love. No one can break it even me. Nakita ko na ang familiar na building at ang mga ilaw sa paligid. Ang mga ibang buildings at mga familiar na sasakyan na nakaparada sa gilid ng building. Paakyat na ko sa hagdan para makapunta sa entrance ng may bigla na lang humuli sa palapulsuhan ko at inukot ako paharap sa kanya. Nanlalaki ang mata at nabibiglang tumingala ako sa  lalaking taas baba ang dibdib at habol ang hininga. Ang mapula nyang labi ay nakaawang. Nakasuot sya ng aviator at hoody. Alam kung nakatitig sya sa akin at parang tinititigan ang mukha ko. Mas lalong humigpit ang hawak nya sa akin. Bukas sara ang bibig nya at parang may sasabihin. Dun lang ata gumana ang utak ko at nakaramdam ng takot. "W-Why? Hoyy Mr. Bitiwan mo ko…" Nanginginig kung sabi at hinila ang kamay ko ngunit wala man lang sa kanya. Sya yung katabi ko kanin sa bus. Para syang nagmarathon dahil tumutulo ang pawis nya sa noo papunta sa baba nya. Natigilan ako ng dahan dahang ngumiti ang lalaki. Napakurap ako. Ang gwapo nya sobra. Sino ba to? Bumuka ang bibig ng lalaki at may sasabihin sana sya ng may biglang Van na huminto sa gilid namin at mabilis na nagsibabaan ang mga matatangkad na kalalakihan. "Dude!" unang bungad pa lang nila. "Alam mo bang hinanap ka namin sa buong metro manila?! You are causing us trouble man!" may pagkaslang na sigaw ng isa. "Yeah Man!" Sigaw naman ng pababa pang lalaki. Napatigil lang sila ng maharap kami ng husto at mukhang natuon din sa amin ang atensyon. Umihip ang hangin at ramdam ko na ang lamig sa paa ko. Sumabog ang buhok ko habang napapakurap na tumingin sa kulang anim na lalaking bumaba sa magarang Van. "Ohh! Man… Who's this girl?" Manghang sabi ng isang American. Para lang silang kararating lang galing sa ibang bansa. Mabilis kung binawi ang kamay ko sa lalaking nakahawak sa akin at pinalipad ang kamao ko sa panga nya. Napasinghap silang lahat habang parang nabigla ang lalaki at napaatras palayo sa akin habang hawak ang panga nya. Ako ata ang nasaktan sa ginawa ko ngunit di ko yun pinahalata. Tiningnan ko sya ng masama at siniringan ng bahagya bago mabilis na tumalikod at nagtatakbo paakyat ng hagdan papuntang entrance. "Hey!" Nasa pinaka taas na ko ng tinawag nya ko. Masama ang tingin na lumingon ako. Nangingiting kumaway sya sa akin na parang kilalang kilala nya ko. Kumunot ang noo ko bago sya inirapan at nagtatakbo na papasok ng Building. Creepy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD