I sigh before taking a step out of the bus. Ang maingay na palengke ng San Alfonso ang unang bumungad sa akin.
Ako ang pinaka huling pasaherong bumaba sa Bus bago ito pumunta sa paradahan. Ito ang pinaka sentro ng bayan ng San Alfonso. Maliit na bayan sa gitnang norte ng luzon.
Nakakainipang walo at higit pang byahe para lang makarating dito.
Inayos ko ang aviator ko bago dinala ang maleta ko. Pedal Short at T-shirt na walang manggas ang sunod ko habang naka sneakers lang ako at nakapusod ang buhok sa tuktok. May mga tikwas pa nga sa mukha ko na nakakairita ngunit hinayaan ko na lang.
Ang backpack ko naman ay laman ang mahalaga kung documents as a doctor. Nursing talaga ang kinuha kung kurso, but my father wants me to took further to become a doctor because my brother don't want to be one, so I just let it be, kapakanan ko rin naman ang iniisip nya.
Naglakad ako papasok sa palengke. Biglaan ang pagluwas ko at hindi na ko nakapag paalam kila Shei. Sakto naman kasing gusto kung tumakas sa syudad at dito rin ang tungo nila kaya sumama na ko. Ang team ko naman na dapat kasama ko ay nauna na sa akin dahil sa mga gamit at mga gamot na kailangan.
Magbabarangay kami dito at titingnan namin ang lahat in 3 months. Those months mamo-monitor namin kung maayos ba ang lahat ng kalusugan ng mga taga Alfonso.
Lumipat ako ng sa kabilang side ng kalsada ng palengke. May mga nakita pa kung mga truck na nagdedeliver ng mga gulay at prutas sa kabilang side ng palengke.
Nakarating ako sa mga tindahan ng isda at mga karne. Busy lahat sa pag titinda at pamimili ng mga tao. May mga kargador akung nakakasalubong o mga batang naglalaro.
Pansin ko ang pagtitinginan ng karamihan sa akin ngunit di ko yun pinansin.
May nakita akung matandang nagtitinda ng manok at baboy sa ikalawang stall na bubungad sa wheat market. Nakakunot ang noo nya sa akin. I know her. Si lola Tinyang. Kaibigan sya ni Lola Adele. Kahit ngayon pala ay nagtitinda pa rin sya.
Ngumiti ako sa kanya at tinaas ang aviator sa ulo. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya ng masilayan ako.
"Lola." Ngiti kung bati at kumaway sa kanya.
"Ohhh diyos na maawain... Isang Hija!" Gimbal na sigaw ni Lola at agarang humakbang palapit sa akin.
Natatawang binaba ko ang maleta, sinalubong ko sya at mabilis na inakap.
"Ayyy na batang ere... Ang lansa ko!" natatawa nyang sabi at inilayo ang mga kamay sa akin.
Napapangiting bumitaw ako at hinawakan sya sa braso.
"Lola talaga ok lang ho. Kumusta ho kayo?" Masigla kung tanong.
"Ito ayos pa rin... Ang tagal mong nawala. Mas lalo kang gumanda at pumuti." Galak na galak nyang saad.
Natatawang tumango ako. Magsasalita sana ng may kumusyon sa loob ng palengke.
Una kung nakita ang mukha ni Lola na nagkukumahog na sumiksik sa karamihang nakatingin sa amin kasunod nya si Tiyo na halatang natutuwa rin.
Malawak ang ngiting humarap ako sa kanila. Napatigil sila saglit sa paglapit at tinitigan pa ko.
Nilahad ko ang mga kamay ko sa kanila. Naluluhang lumapit sa akin si Lola at mabilis akung inakap ng mahigpit.
Uminit ang gilid ng mata ko ngunit dinaan ko lang sa tawa ng marinig ko ang hikbi ni Lola.
"Namiss ko kayo La.." Saad ko habang yakap sya.
Tumingin ako kay Tiyo at nilahad ang kamay ko. Mabilis nya yung hinawakan ng mahigpit at hinalikan. Mapula rin ang mga mata nya.
"Apo... " Iyak ni Lola na nakapag patawa lang sa akin lalo.
Bumitaw ako kay Tiyo at humarap kay Lola. Nakangising hinawakan ko ang mukha nya at pinahid ang luha. Naku naman ganito ba pagtumatanda na?
"Lola talaga. Hmmm. Kaya ako umuwi eh para di nyo ko mamiss lalo." saad ko at hinalikan ang noo nya.
Mas lalong umalon ang dibdib nya at niyapos ulit ako.
Natatawang inakap ko uli sya bago bumaling kay Tiyo. Ngumiti ito sa akin ngunit may nababanaag akung lungkot sa mga mata.
Ngumiti ako. This is it pansit. No turning back.
Throughout the ride going back home, nakayapos lang sa akin si Lola o di kaya ay nakahawak sa kamay ko.
Ganun din naman ako kaya ayos lang.
Huminto ang sinasakyan naming pick up. Si tiyo ang nag dadrive habang nasa backseat naman kami ni Lola.
Sa pagbaba ko pa lang ay ang lumang bahay na ang nakita ko. It's ancestral house. The windows, the doors, the gates. Everything reminds me that this place is my home. Not until then when everything is so perfect.
Ang mga bulaklak ay mas naging mayabong at maganda. Ang lahat ay hindi man lang nagalaw sa pagkakaayos ngunit mas pinaganda nga lang at pinalinis.
Nasa likod namin si Tiyo ng paakyat kami ng hagdan. May bumara sa lalamunan ko ng unang makita ang malawak na sala at bulwagan.
"Teka at lilinisin ko muna ang kwarto mo apo bago ka magpahinga. Kumain ka na ba? Belly ipaghanda mo muna si Isang_"
"Lola…" pigil ko sa kanya. Agad naman syang huminto para tingnan ako.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"Ayos lang ho... Tsaka busog ho ako. Kakakain ko lang kanina ng mag stop over ang bus. Ako na lang ho ang maglilinis ng kwarto. Magpahinga na lang muna kayo ni Tiyo " baling ko kay tiyo Belly.
"Ohh sige pero ipapahanda ko na muna ang makakain mo mamaya kay Anding. Sandali lang ah." Paalam nya at mabilis syang pumunta sa dining.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Hayaan mo na si Mama Anak... Sabik lang yun dahil andito ka na uli."
Bumaling ako kay Tiyo. Ngumiti ako ng makita ang tuwa sa kanya.
"Ayos lang ho ba kayo dito Tiyo Bill? Wala namang problema di ba?"
Nawala ang ngiti nya bago bumuntong hininga.
"Magpahinga ka muna at bukas na lang natin yang pag usapan." Pag iwas nya sa usapan bago nagmartsa paalis dala ang maleta ko. Magsasalita pa sana ako ng pinigil ko na lamang.
Mas mabuti pa nga. Para mas malinaw ang lahat bukas.
Kinagabihan ay masaya kaming kumain ng sama sama at nag kwentuhan. We catch up things that we missed to each other.
Kinabukasan ay maaga akung nagising at niligpit ang mga damit ko at gamit.
I do my routine after and wearing comfortable clothes like shorts and polo shirt and sneakers.
Lumabas akung dala ang backpack ko. Napangiti agad ako ng makita ko si Lola Adele na naghahanda na ng almusal.
Lumapit agad ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi at agad na inakap sa likod.
"Ayyy susmeng batang ere. Ano ba naman Apo?!" Nabibigla at natatawang hinawakan nya rin ang mga brasokung nakayakap sa kanya. Natatawang hinigpitan lalo ang yakap sa kanya.
"Ma upo ka na dya n at mag aalmusal na tayo." Tawa nya.
I groan to protest before kissing her three times. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at kumuha ng tasa para gumawa ng kape.
"Aalis ka?"
Napangiti akung tumango kay Lola habang napapahintong humarap sa kanya.
"Kailangan lola eh. I have mission with my team."
Nakita ko ang pagkawala ng ngiti nya at nabahiran ng lungkot ang mga mata nya.. Napatuwid tuloy ako ng tayo.
"Kaya ka umuwi dahil sa trabaho mo?" Seryoso nyang tanong.
Natatawang umiling ako at inakap sya sa gilid nya.
"Ganun nga po pero... Magpapahinga na rin naman ako dito. Sinabayan lang ng trabaho. Nalaman ko po kasing dito sila mag me medical mession kaya nag volunteer na ko. At least matutulungan ko pa yung kababayan ko at makakasama ko pa kayo." Magiliw kung sabi.
Napatitig sya sa akin bago ngumiti at tumango.
"Aalis ka na ba?" Tanong nya.
Bumitaw ako sa kanya at tumango.
"Kailangan kasi lola… Para madaming magpacheck up sa amin." ngiti kung sabi at inaba ang sarili sa pagtimpla ng kape.
"Mag baon ka na lamang apo at dun kana kumain. Anong oras ka ba uuwi?"
"Hapon po la... Siguro po mga ika apat ng hapon."
Nilapag ko ang tasa sa kitchen table at dun na lang ako uminom ng kape.
"Isama mo na lang ang tiyo mo ng may tumulong sa inyo."
Natawa ako at umiling.
"Hindi na po la. Kailangan nyo po si Tiyo… Kaya ko naman na ho eh." ngiti ko pang sabi habang humihigop ng kape.
"Dalhin mo na lang yung sasakyan." giit nya habang naghahanda ng iluluto.
Napabuntong hininga na lang ako. Si lola talaga.
"Wag na ho la... Staka wala kayong gagamitin. Mag tatricycle na lang ho ako. "
Humigom ako ng kape.
Tumunog ang phone ko. I just sigh. Kakaupo ko palang eh.
Tumingin sa akin si Lola ng tumayo ako. Ngumiti na lang ako ng pilit habang kinukuha ang backpack ko at lumapit sa kanya upang halikan sya sa sentido.
Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam nya sa pag alis ko.
"I'm fine La.." Bulong ko.
"Hindi ako." Asik nya at bumaling sa ginagawa.
I just sigh again.
"Be here at 3. May pasalubong ako sa inyo. Nasa kwarto ko." Baliwala ko sa sinabi nya. Di sya umimik at nagpatuloy sa ginagawa.
Sinulyapan ko sya ulit bago lumabas ng kusina.
Ng pababa na ko ng hagdan ay paakyat naman si Tiyo na mukhang kagagaling lang sa likod ng bahay.
"Ohhh aalis ka?" Taka nyang tanong sa akin.
Tumango ako at ngumiti.
Humalik ako sa pisngi nya.
"Sa kabilang bayan lang tiyo. Medical mission. "
Tumingin agad sya sa itaas bago sa akin at tumango.
"Ohh sya mag iingat ka... Gamitin_"
"Wag na ho. Mag cocommute ho ako para ma experience ko ulit." Tawa kung sabi.
Natawa rin sya at napapatango na lang.
"Mag iingat ka." tumango lang ako at nilagpasan na sya.
Magaan ang pakiramdam at loob kung tinahak ang kanto kung saan ang paradahan ng mga tricycle.
Agad na tumingin sa akin ang mga nandun. Napatayo agad si Mang Doming ng makita akung parating.
"Isang! Nakauwi ka na pala." Masaya nyang salubong at lumabas ng waiting shed.
Matamis ang ngiting huminto ako sa harap nya.
"Opo Mang Doming… Kumusta ho kayo?" Masigla kung sabi.
Humalakhak sya.
"Ito ayos naman.. May apo na. May asawa ang anak kung si Vincent. Ikaw ang kumusta? Mas lalo kang gumanda Isang."
"Naku si Mang Doming nambola pa... Kaya nga ho eh. Nabalitaan ko ho kay Tiyo. Kahapon lang ho ako nakarating. "
Tumango sya habang malaki pa rin ang ngiti.
"Ohh kararating mo lang pero aalis ka na agad?"
Natawa ako.
"Sa kabilang bayan ho... Medical mission. Papahatid po sana ako."
"Ganun ba… Ihahatid na lamang kita. Sandali lamang Isang at kukunin ko ang tricycle ko." Magiliw nyang sabi.
Natawa na lamang ako at tumango.
Hanggang sa bumyahe kami ay nagkwentuhan lang kami.
Ang anak nyang si Vincent ay kababata ko, sabihin na nating naging kaclose ko sya mula high school to college hanggang sa lumipat ako sa manila to continue my study ay wala na kung naging balita sa mga kaibigan ko bukod kay Shei. Siguro dahil pinili ko rin na hindi, at iniwasan kung makibalita sa lahat pagkatapos kung umalis.