CHAPTER 4

1993 Words
Natatawang sumabay ako sa mga bata sa pagsayaw at pag sabay sa nakaka-ingganyong tugtog. Flag retreat nila and this is their exercise. Ang saya lang dahil lahat ay nakikisabay kahit ang mga team ko. Patapos na ang araw ngunit hindi pa rin natatapos ang sigla at tuwa naming lahat. More than three weeks na kaming minu-monitor ang kalusugan ng mga taga Puting Bato. It's a small community sa paanan ng bundok. May maliit na kapilya sila at araw araw na nagsisimba, may maliit na pamilihan sa gitna ng sitio, mga bahay na yati sa kahoy at yero o mga anahaw lang na pinagtagpi tagpi. May barangay hall may maliit na klinika at paaralan. Lahat ay kinabubuhay ang pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay. Ng matapos na ay mabilis na nagsilapitan ang mga bata sa amin. Natatawang yuko na lamang ako para maabot nila ang pisngi ko para humingi ng halik. Ang iba ay yumayakap pa sa akin. Pinanood ko silang umalis habang kumakaway. "Doktora. Uuwi ba kayo ngayon?" Tanong ni Ren. He is a volunteer worker from NGO's. Kasama sya sa team ko. Nagsi alisan na rin ang mga kasamahan namin para magligpit. "Oo... Babalik din ako sa makalawa." ngiti kung sabi habang pabalik sa base namin. Nakaagapay sya sa paglalakad ko. "Kung ganun po Doc. Pwedeng pakibigay to sa mag ina ko sa bayan?" Mahina nyang sabi at mukhang nahihiya pang iabot ang hawak nya. Napatigil ako at napatitig sa pera. "Di ka ba baba?" Takang tanong ko. Pilit syang ngumiti at umiling. May lungkot sa mata nya. I sigh. Ren is very kind. Bata pa ngunit tumutulong na sa iba, malas nga lang sa pagbuo ng pamilya dahil ayaw sa kanya ng pamilya ng babaing mahal nya. Palibhasa gustong makasungkit ng mayaman ang anak nilang babae. "Ohh sige… May gusto ka bang ipasabi kay Karen?" It's his wife's name. Nagliwanag ang mukha nya at agad kinuha ang isang sulat sa bulsa ng pants nya. "Salamat Doc. Hulog ka talaga ng langit sa amin…" Nanginginig nyang boses na sabi. Natawa na lamang akung napailing sa kanya. Ng paalis na ko ay hinatid ako ng team ko sa labasan. Tudo habilin pa na mag iingat ako at bumalik agad. Natatawa na lamang akung sumang ayon sa kanila. Pag uwi ko sa bahay ay gabi na. Maingat akung umakyat sa hagdan at pumasok ng walang nililikhang ingay. Pagharap ko sa sala ay sya namang litaw ni lola sa dilim. Napatalon ako sa gulat. "Lola naman." apila ko habang sapo ang tapat ng puso ko. "Kumain ka na" Malamig nyang sabi at umalis sa harap ko. Natitigilang sinundan ko sya ng tingin at narealize ang akto nya. Iba na talaga pag-tumatanda. Napapasimangot na pumunta na lamang ako sa kwarto ko. Pabagsak akung humiga at huminga ng malalim ng maramdaman ang lambot ng kama. Naalimpungatan ako sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko. I sigh heavily thinking that I slept without taking a bath. Dumiritso na lang ako sa banyo at pakantang naligo. Hanggang sa makapagbihis ako ay maganda pa rin ang araw ko. Napatigil ako sa pagpasok sa kusina ng makita ko ang likod ni Lola at ng katiwala namin na si Amy. "Magandang umaga sa maganda ngunit matampuhin kung lola." masigla kung salubong at agad na umakap sa bewang nya at humalik sa pisngi. Bumati sa akin si Amy. Ngumiti ako sa kanya bago bumaling kay Lola na walang imik. Napansin nya ang pagtitig ko. "Umupo ka na dun. Malapit na kaming matapos." Monotone nyang sabi habang nakatingin sa sina sandok nya. Napasinghap ako at napahawak sa tapat ng puso ko. "Ouch! Ang sakit naman nun Amy… Ang mahal na mahal kung lola ay binabaliwala ako. Aray!" Paarte kung sabi ngunit nasa boses ang panunuya. Natawa si Amy sa akin habang mabilis naman akung hinarap ni Lola at pinalo ng sandok nya. Natatawang sinalag ang sandok na hawak nya. "Ikaw talagang bata ka. Binibigyan mo ko ng sobrang sama ng loob alam mo ba." singhal nya sa akin. Natatawang inakap ko agad sya at pinanggigilan. Napatigil sya at napabuntong hininga na lamang. "Lola naman kasi.. Ano bang kinagagalit nyo? Umuwi naman ho ako." Labi kung sabi. "Umuwi ka nga pero aalis ka rin bukas ng hapon. Anong silbi nun?" asik nya. Napapasimangot na humarap ako sa kanya. "Lola naman.. Mabuti tong ginagawa ko kisa naman sa manila na hindi ko kayo nakikita sa loob ng isang linggo. Nakakapag bonding naman ho tayo bawat linggo ng umaga sa pagsisimba at pagpasyal sa bayan. Ano bang problema?" Diritso kung sabi. Napatigil ako ng marealize na mali ang tanong ko lalo na ng nagusot ang ilong nya at mabilis pinalipad ang sandok sa ulo ko. Napangiwi ako sa sakit. "Ang problema ay walang bata dito sa bahay.. Ni nobyo wala kang mapakilala tapos wala ka pang sinasabi sa Ex mo kung bakit kayo naghiwalay. Mawawala ka na sa calendaryo pero tuyot pa rin ang matris mo" Inis nyang pahayag at masama ang loob na bumaling sa ginagawa. Napatikhim ako sa sinabi nya habang tatawa tawa naman si Amy sa amin. "Kung pwede lang bilin si the one ginawa ko na.." Bubulong bulong kung sabi habang pumupunta sa dining. Natatawa na lamang sa amin si Tiyo ng mag agahan kami. Hindi kasi matapos tapos si Lola sa pagsabi sa kalagayan ko. Wala na lang akung sinabi kasi baka mapasama pa ko. Kinahapunan ay nag bihis ako. Wearing an off shoulder and skirt below the knee ay tinawag ko si Amy. Mukhang tulog na naman si Lola kaya di ko na iisturbuhin. "Ms?" Ngumiti ako. "May payong ka ba? Pahiram naman oh." Suyo ko. "Ayy opo… Sandali lang ho." Ngiti nyang sabi. Di rin sya nagtagal at inabot sa akin ang isang umbrella. Ok this is fine. "Salamat. Pakisabi kila Lola kung hahanapin nila ko may bibilhin lang ako sa bayan. Ikaw ba wala ka bang ipabibili sa akin?" Nanlalaki ang matang mabilis syang umiling kasabay ng dalawang kamay nya. May galak sa mukha nya at halatang masaya sa akin. "Ayyy naku Ms. Wala ho. Yung binigay nyo nung nakaraang mga damit ay di ko pa nasusuot dahil wala naman akung mapag suutan ng okasyon. Tama na ho yun." Natatawa nyang sabi na parang nahihiya. Tumango na lamang ako. "Ohh sya... Kung may kailangan ka wag kang mahihiyang magsabi. Ipasyal mo dito yung mga kapatid mo ng may kalaro si Lola." Biro ko sa huli na nakapag patawa sa kanya. "Naku Ms. Mga high school na ho yun ngayon. Ayaw ng bini baby eh si Lola Adele pa naman ay maalagain sa lahat. Kayo ho ang dapat ng mag asawa dahil sa sobrang ganda nyo ay madaming pumipila para makuha ang kamay nyo." Tawa nya. Napa face calm na lang ako. Naku naman pati si Amy ganito rin sa akin.   "Kahit mapuno pa ang kalsada ng mga manliligaw ko wala pa rin akung mahahanap kung ako mismo ay hindi alam kung sino ang tama sa kanila.. Basta pasabi kila lola. Baka hanapin ako nun." "Opo." Galak nyang tugon. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa bayan. Bumaba ako sa mga stall ng gumagawa ng mga bulaklak sa kabilang kalsada kung saan tanaw ang malaking gate at ang simbahan. Napangiti ako ng mabilis na tumayo si Aling Yuming ng makita ako. Bestfriend ng lola ko. Lumapit agad ako at nagmano. "Kaawaan ka ng diyos hija... Napasyal ka?" Galak nyang tanong. "May ihahatid lang ho. Tsaka sumadya ho ako sa inyo. Si Lola kasi ay nabobored na sa bahay kaya ang balak ko sana ay kung pwede kayong sumama sa pamamasyal namin bukas." ngiti kung sabi habang napapatingin sa mga bulaklak. "Ganun ba. May oras naman ako kaya masasamahan ko kayo. Ako nga rin ay gusto ng makawala sa simoy ng bulaklak dahil baka tubuan na ko ng ugat sa paggawa nito." Biro nya. Sabay kaming natawa. "Lola Yuming talaga… Ang gaganda nga ho ng mga bulaklak nyo." "Ayy kaya kita gustong gusto apo… Ikaw ang nagbibigay kulay sa akin bukod sa mga bulaklak ko. Teka. Gusto mo ba ng rosas. Teka lamang." Agaran nyang sabi at pipigilan ko sana ngunit nawala agad sya sa paningin ko. Bumalik sya na may dalang basket na punong puno ng pulang rosas. "Lola." umiling agad sya ng tinawag ko. "Kuhanin mo na ng may palamuti ka sa kwarto at sala nyo.. Pasabi na lamang kay Adele na magkikita tayo bukas ng hindi sya mabigla." Nahihiyang kinuha ko ang basket at sinuot ang hawakan sa braso ko. "Salamat ho.." Tumango sya at galak akung tiningnan. Nagpaalam na rin ako at tinahak ang daan papunta sa bahay nila Karen. Sasakay pa ko ng isang tricycle para makapunta sa kanila. Ng makarating sa bungad ay bumaba na ko. Sa arko ay naka sulat ang Casa del castillo. Napatigil ako sa pagtingin at napabuga ng hangin. It's been years since I've been here. Hawak ang payong na panangga sa init ng araw ay nag lakad ako papasok. Sa kabila ay ang basket ng rosas. Palapit pa lang ay nakatingin na sa akin ang guard. Ngumiti agad ako at sinuklian din nya iyon. "Ahm. Pupunta po sana ako kila Karen." "Ayy ganun ba... Naku Ineng. Nasa dulo pa iyon. Hindi ka makakarating dun ng di naka sasakyan. Ano bang pangalan mo?" Ka edad siguro sya ni Tiyo. "Isabelli po." Sagot ko habang iniikot ang paningin sa loob, napatigil yun sa isang kabayo na nakatali sa isang puno.. "Pwede ko pong hiramin yung kabayo nyo?" Malambing kung sabi.. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya. Ngumiti ako ng matamis bago nilapitan ang kabayo. "Teka...ineng" habol nya. Natutuwang hinaplos ko ang leeg ng kabayo. Nilapit nya ang mukha sa akin at inamoy ang buhok ko. Masyado syang malaki at mas matangkad. A black horse. Hinaplos ko ang mukha nya ng marahan. Mas nilapit nya ang mukha nya sa akin. "Gusto ka nya ineng. Ngunit bawal mo syang sakyan. Bilin po sa akin ni_" "Hindi rin naman ho ako magtatagal. Tsaka bihasa rin ako sa pagsakay sa kabayo. Wag ho kayong mag alala." sigurado kung saad at kinuha ang tali ng kabayo. "Naku Ineng baka pagalitan ako ng amo ko kapag pinasakay kitang nag iisa. Mabuti pa't ihatid na lamang kita sa kabahayan. Kukunin ko lamang ang tricycle ko at ng maihatid kita." Nag aalala nyang sabi. Natatawang umiling ako. Mabilis kung kinuha ang wallet ko at kinuha ang calling card para iabot sa kanya. "Kung inaalala nyo ho ang trabaho ninyo, tawagan nyo lang ho ako. Kakausapin ko ho ang may ari kung sakali... Kung ayaw naman po nilang makinig. Bibigyan ko na lang kayo ng maayos na trabaho. Hayaan nyo lang ho akung makaalis. Kailangan ko lang ho talagang makapunta kila Karen." May pagkabahala sa mukha at parang namumutla na sya. Ngumiti ako bilang assurance. "Wag ho kayong mag alala. Mag iingat ho ako. Tsaka kapag umalis kayo walang magbabantay sa gate." Natahimik kami ng panandalian at hinintay ko ang sagot nya. "M-Mag iingat ka Ineng." Nauutal nyang paalala. Nagliwanag ang mukha ko at mabilis na tumango. "Maraming salamat po." Agad kung sabi bago hinaplos ang kabayo. "Pasakay ako ahhh." ngiti kung saad. Hinalikan nya ang kamay ko bilang sagot at inamoy ang buhok ko. Hinawakan ko ang renda nya bago mabilis na sumampa. Gumalaw sya at mukhang naramdaman ang bigat ko. Natatawang hinaplos ko ang leeg nya. Huminahon naman sya agad. Inayos ko ang palda ko at basket na nasa braso ko. Nilagay ko yun sa kabilang legs ko at nilagyan ng pressures para di gumalaw masyado sa pagtakbo nakalagay sa basket ang payong ko at ang ibang dala ko bukod sa wallet. Ngumiti ako ng panghuling beses kay Manong guard bago marahang sinipa ang gilid ng kabayo. Napangiti na lamang ako ng sumalubong sa akin simoy ng hangin ng pang hapong iyon. Marahan lamang ang takbo nya at mukhang nag iingat sa akin. Panatag akung hindi nya ko ihuhulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD