Ilang minuto na kaming tumatakbo at wala pa rin akung makitang kabahayan.
May nakita akung magsasakang makakasalubong ko kaya pinahinto ko muna ang kabayo para magtanong.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya ng makita ako. Palipat lipat ang tingin nya sa kabayo at sa akin.
Ngumiti ako.
"Tay... Asan po ba dito yung daan papuntang kabahayan?" Malambing kung tanong.
Para syang natutulalang tinuro ang west side kung saan ang manggahan.
Akala ko diritso lang? Baka hindi rin.
"Salamat ho." Saad ko bago hinigit ang renda para ibaling ang kabayo sa kabilang daan.
Sumabay sa hangin ang buhok ko at ang tela na suot ko. Pumasok kami sa loob ng manggahan at tinahak ang diritsong daan. Naglalakihang mga mangga ang nalalagpasan namin.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami. Nabigla ako ng malawak na kapatagan na sumalubong sa amin.
Mabilisan kung pinahinto ang kabayo na naging dahilan ng pagingay nya at pag angat ng dalawang paa. Isa itong punong puno ng mga ligaw na bulaklak at iba't ibang kulay.
Natatawang umakap ako sa leeg nya at hinaplos ito ng marahan.
Napansin ko ang isang grupo sa gitna ng kapatagan. May mga sasakyan sa kabilang bahagi ng manggahan na ngayon ko lang napansin.
Umihip ang hangin at sumayaw ang mga bulaklak. Hindi ko makita kung sino sino ang mga nandun. Mukhang namamasyal silang lahat.
Napabuntong hininga na lang ako ng wala akung makitang daan at dead end ang lahat. Mukhang mali ang sinasabi sa akin ng magsasaka.
Babalik na sana ko ng may biglang sumigaw.
"Doc! Doktora! "
Napabaling ako sa kinaruruuan ng grupo at nakita ko ang isang babaing kumakaway sa akin.
Napatuwid ako ng upo ng makita kung si Karen yun. Ngunit napakunot noo ako. Bakit sya nandito? Asan ang baby nya?
"Doktora!" Natutuwa nyang sigaw at mukhang lalapit sa akin.
Hinaplos ko ang kabayo at pinalakad palapit sa kanila.
Ng nasa kalagitnaan na ko ay tumakbo palapit sa akin si Karen.
Napapangiting huminto ako at bumaba. Binitiwan ko ang renda at hinaplos ang kabayo.
Bumaling ang mukha nya sa akin at inamoy ang buhok ko.
Huminto sya ng ilang dipa sa akin at parang namamangha sa pagtingin.
"Karen." tawag ko at marahang lumapit sa kanya.
Parang batang mabilis nya kung niyapos at pinanggigilan. Natatawang sinuklian ko ang yakap nya.
Mabilis din syang kumalas at tumingin sa likod ko.
Naramdaman ko na lang na may tumutulak sa likuran ko.
Hinawakan ko agad ang mukha nya at pinatong sa balikat ko. He grunts.
"Ano hong ginagawa nyo dito Doktora?"
Bumaling ako kay Karen at ngumiti.. Inayos ko ang basket at binaba sa paanan ko. Kinuha ko ang sulat at sobre na may lamag pera.
"Ibibigay ko lang sana to. Hindi ko alam kung bakit hindi bumaba si Ren pero pinambibigay nya to. Pupunta sana ako sa bahay mo ng makita kita rito." Magiliw kung sabi habang inaabot sa kanya ang hawak.
Natitigilang kinuha nya ito at pilit na ngumiti sa akin.
Umupo ulit ako para kunin ang pasalubong ko sa anak nya. Nasa pinaka ilalim yun ng basket.
"at may pasalubong ako kay Baby Irene." Masaya kung sabi bago tumayo at inayos ang maliit na box at isang plastic na may lamang damit.
Humarap ako sa kanya ngunit ibang mukha ang nakita ko. Namamangha syang tumitig sa akin.
"Damn... Wow Pinaglihi sa color. Ikaw nga Isang!" Natutuwang sigaw ni Leroy.
Napaawang ang labi ko at hindi ko mapigilang ngumiti din sa kanya.
"Pinaglihi sa tawa… Mukhang di ka nagbago. Pangit ka pa rin." Balik kung tukso.
Napahalakhak sya at agad akung sinugod ng yakap. Kinuha sa akin ni Karen ang hawak ko.
Ginulo ko ang buhok nya ng di sya bumitaw.
Mabilis nya kung binitiwan at hinarap sa mga kasama nya.
"Tol. Si Isang ohh!" Masigla nyang baling sa buong kasama nya. Nakaakbay na sya sa akin.
Napatingin ako sa mga kasama nya. Hindi sa kin familiar ang iba nilang kasama ngunit kilala ko ang tatlo sa kanila.
Wallace, Janna and him, Theo.
Nakatingin lang sya kay Leroy. Habang nabibigla naman sa pagtingin sa akin ang dalawa.
Ngumiti ako sa kanila.
"Hi… It's nice to see you again." Pormal kung sabi.
Bumitaw sa akin si Leroy at taka akung tinitigan. Ngumiti ako sa kanya.
"Doktora…" tawag ni Karen.
Babaling sana ako ng makita ko ang kabayong sinakyan ko na inaamoy ang basket ko.
Mabilis ko yung nilapitan at hinaplos ang leeg nya. Mabilis syang bumaling sa akin at lumikha ng tunog.
Nabigla ako ng may kamay na humawak sa renda ng kabayo. Natitigilang tumitig ako sa kanya.
"Pinagamit sayo ni Mang Ben si Hunt" mababa nyang sabi sa mariing boses.
Napakurap ako. Kanya ba to?
"Is this yours? I don't know." Sagot ko.
"Sa susunod... Wag kang kukuha ng hindi iyo." Malamig nyang sabi at inikot si Hunt palayo sa akin.
Nabibiglang umatras ako at di makapaniwalang sinundan sya ng tingin.
Namuo ang inis sa akin… Mukha ba kung magnanakaw sa kanya?
"Pasenya naman... Wala kasi akung masakyan papunta dito at yang si Hunt lang ang nakita ko. At pasensya na señorito kung masyado kang possessive sa kanya." Sarcastic at inis kung sabi sabay kuha sa basket para umalis.
"Don't call him like that…" Galit nyang asik.
Kunot noo nya na kung binalingan. Masama ko syang tinitigan. Baliw na to.
"Whatever" irap ko sa kanya at mabilis na bumaling kay Karen.
"Karen… Let's go." aya ko at mabilis kung kinuha ang braso nya para kaladkarin.
"Po? Naku Doktora may trabaho pa ho ako_"
Nakatigil ako sa paghila sa kanya ng may humigit din sa kabila nyang braso.
"Karen is our maid. She will stay." Mariing saad ni Theo.
Kumunot ang noo ko at sinalubong ang nakakapaso nyang titig. Hindi pa rin sya nagbabago. Rough and intimidating pa rin sya. Hinigit ko ang braso ni Karen papunta sa akin.
"And so? Baldado ka ba kaya di mo kayang gawin ang pagsubo ng pagkain o pagkuha ng gusto mo? And she may be your family's helper, but she has a right to go whenever she wants to. At mas importante pa tong pag uusapan namin kisa sayo so you better let go." Galit at mariin kung sabi habang hinihila si Karen palayo sa kanya.
"If she goes to you, I will fire her." Mariin nyang banta. Madilim na ang mukha nya at halata ang tensyon sa buong lugar. Kahit ang kasama namin ay di nangingialam.
Mas lalong naginit ang ulo ko at malakas na tinabig ang kamay nya sa braso ni Karen. Buti na lang at bumitaw sya.
Nakakakita ko ng pula dahil sa kanya.
"So, what! Kaya ko syang bigyan ng mas matinong trabaho kisa sa pagbabanta mo! " angil ko sa kanya habang pumapagitna sa kanila ni Karen.
Dinuro ko ang dibdib na kapantay ng paningin ko. Naamoy ko ang pabango nya and I hate this feeling of mine.
Mas doble ang laki nya sa akin pero kahit ganun ay wala akung maramdamang takot. Pikutin ko pa sya sa tinga eh!
"Woohh woohh! people easy!" natatawang awat sa amin ni Leroy at pumunta sa gilid namin.
Di kami nag bitaw ng matalim na tingin sa isa't isa kahit na ngawit na ang batok ko sa pagtingala sa kanya.
"Heyy... Pati ba naman sa unang pagkikita, nagbabangayan kayong mag Ex. Pwedeng kalimutan na lang natin yun. For more than 9 years nagkita narin tayong tatlo sa wakas. Di ba masaya?" Masigla nyang sabi sa amin at nakataas pa ang mga kamay para sa amin. Tudo ngiti sya sa amin.
Napangisi akung bumaling kay Leroy bago tumingin kay Theo. Sarcastic ko syang tinitigan.
"Well, maybe I'm an ex-suitor of your bestfriend Leroy but get over it. Hindi ko nga alam kung bakit ko to niligawan? Wala namang kabaliw baliw sa kanya." Sarcastic kung sabi habang mariing nakatitig sa kanya.
He clenched his jaws and his hand curled into fist.
Tinaasan ko sya ng kilay before I flip my hair into exaggerated way at taas noong umalis sa harap nya habang hawak ang braso ni Karen.
Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Leroy habang laglag ang panga ng mga kasama nila.
"D-Doc!" Nabibiglang tawag ni Karen.
Binitawan ko sya bago
Pinulot ko ang basket at humarap sa kanya.
Ngumiti ako at inabot ang kamay nyang may hawak pa rin ng mga binigay ko.
"I want to meet your baby Karen. Lead the way." Magiliw kung sabi.
Napaawang ang labi nya at nalilitong tumingin sa gawi nila Leroy.
"P-Pero Doc hindi pa po tapos ang trabaho ko." Mahinhin nyang sabi.
Nakakainis talaga.
"Si Ren_ Ayyy iwan! Just read the letter ok and then If you want to tell him something just wrote it. Just text me tomorrow ok. Kung busy ka abangan mo nalang ako sa gate ng makuha ko sayo ang sulat hmmm." Marahan kung sabi.
Nahihiyang tumingin sya sa akin. Bago bahagyang yumuko.
"Doktora. Salamat talaga pero Nakakahiya na talaga sa inyo. Dapat namamasyal kayo ngayon pero mas inuna nyo pa ang kapakanan namin. Ang layo ng binyahe nyo para makababa ng bundok. Sobrang laking abala na nito sa inyo."
Namula ang pisngi ko sa sinasabi nya. Ano ba yan? Bakit kailangan pa nyang sabihin yun?
"Karen wala lang to. Alalahanin mo si Ren at ang baby nyo. Hindi kayo iba sa akin." Naiilang kung sabi. Hindi ako komportable sa gawi nya.
Malapad syang ngumiti sa akin at marahang tumango.
Ngumiti ako ng umakap sya sa akin.
Tinapik ko ang likod nya bago bumitaw.
"Ohh sige na.. Baka hinahanap na ko ng obsess kung lola." Biro ko sa huli.
Natawa sya at tumango.
Kumaway ako sa kanya bago tumingin kila Leroy na nakatingin sa amin. Kumaway ako sa kanila at di sinulyapan ang isang tao bago naglakad papuntang manggahan.
Ramdam ko ang mga titig nila sa likod ko at ang titig nila. Parang may gumapang nakuryente sa buong katawan ko pataas at nagsitayuan ang balahibo ko sa batok.
Nagusot ang mukha ko at mabilis na naglakad. Para na nga akung tumatakbo sa bilis ko.
Ano ba naman kasing lalaking yun? It's more than 9 years but he still has the same eyes. So intense and brooding. Mucking and intimidating.
I admit his so hot. Mas naging masungit at suplado ang dating nya. His too handsome with his get long black hair. Hi lean body suits him well. Ayuko lang sa kanya dati ay masyado syang maputi noon dahil na rin madalas syang out of the country at di pala labas ng mansion nila pero ngayon, his fair skin suits him and giving him good looking.
Way back in our days. Wala akung matandaang tiningnan nya ko ng diritso sa mata, hindi ko alam kung bakit pero ngayon, nagpapasalamat akung hindi nya ginawa noon.
Napahawak ako sa pisngi ko ng mag init ito habang naglalakad sa gitna ng mga manggahan.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang buhok ko at nilagay sa kabilang balikat.
May nakita akung mga dadaanang mga putik sa daan at lubak lubak.
Kinuha ko ang palda ko at tinaas ng kaunti bago nagpatuloy. Wala akung paki kung madumihan ang paa ko. Napangiti ako ng marinig ang mga huni ng ibon sa taas ng mga puno. Ang sikat ng araw sa hapong iyon ay tumatagos sa mga dahon at parang naglilikha ng ilaw sa medyo madilim na parte ng manggahan.
Inayos ko ang basket ko sa braso bago nagpatuloy.
Tahimik lang akung naglalakad ng may biglang kung anong lumitaw sa harap ko na nagpagulat sa akin ng husto.
Napatili ako sa gulat at napaatras ng ilang hakbang, nadulas ako dahil sa maputik na daan at ang stinelas kung napasukan na ng putik.
Nakita ko na lang na lumipad ang mga rosas na sumama sa akin sa pagbagsak at lumipad papunta sa akin.
Napasinghap ako ng may tumama sa likod ng ulo ko pagbagsak ko. Maliit lang yun pero ako sobrang sakit sanhi ng pag ikot ng buong paningin ko.