Part 2
"Excuse me." Hinging paumanhin ko sa kanila bago lumayong kunti para sagutin ang tawag.
"Ren… It's too early. Pabalik na ko dyan." Salubong ko sa kanya.
"D-Doc. P-Pababa kami ngayon. Yung buntis na dapat next month pa manganganak, sumasakit ang tyan nya at nag kakacramp sya. S-She can't breathe properly so may oxygen mask sya. May batang kahapon pa nilalagnat ng mataas. Dilikado ang daan dahil umulan kaninang madaling araw. Andito kami sa bakuna para maghanap ng signal at nagtawag ng rescuer but they say na 2 hours pa sila makakarating. T-The supplies that Sandy ordered ay bukas pa daw makakarating. D-Doc Dilikado ang mag ina__"
"Bakit di nila gamitin ang chopper?! This is an emergency! " burst out ko at napahawak sa noo.
"D-Doc kasi kasi kailangan pa ng approval ng hospital bago gamitin ang__"
"f*****g protocol! You should call Ysmael not me Ren! Ilang beses ko ba yang sinasabi sayo, you have his contact. Where’s Doc Dino?" Gigil kung sabi at mabilis na nagmartsa papuntang kwarto ko. I need my things.
"Pero Doc hindi naming ma contact ng personal si Sir Ysmael.. Si Doc Dino naman ay nakaabang sa amin pababa, wala syang masakyan pataas dahil sa dulas ng daan" Garalgal nyang sabi. Choppy pa sya ng kunti.
Napabuntong hininga na lang ako at huminahon. I lost my composure for a while.
"Look Ren.. Your a nurse and even if we have a team kailangan mong magdisisyon sa kapakanan ng lahat o ng iba. Proceed to go down, tulungan mo ang team. Ako na ang tatawag kay Ysmael. Sasalubungin ko kayo" mahinahon kung sabi habang kinukuha ang backpack ko. I end the call when he agreed nawala din ang linya.
"May nangyari ba?" Salubong ni Tiyo sa pinto.
"It's a pregnant woman who have an early labor Tiyo. It's very dangerous because the mother had an unstable breathing. The circulation of the vitals and bloods are unstable. If this continue, I need to CS the mother or they are both going to die. " seryoso kung saad.
Nakita ko ang pag aalala sa mga mukha nila.
Ngumiti ako to give him an assurance.
"I need to go.. I will be back next week." paalam ko at agad na humalik sa pisngi ni Lola at Tiyo.
"Ihahatid ka namin."
Napatingin ako sa likod ko. Seryoso ang titig nya at diritso ang tingin. Nakita ko si leroy na tumango sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa backpack ko. This is not a time to protect your pride Isang.
This is not time to get hurt.
Tumango ako at ngumiti.
"Salamat. " saad ko palapit sa kanila.
Wala syang sinabi at kinuha ang duffel bag ko na nasa lapag.
Walang pasabing umalis sya at naglakad palabas ng bahay.
Nagpaalam kami kila lola ng mabilisan.
Napakurap ako ng BMW na bagong bago ang nasa harap ko.
Ohh right bakit pa ba ko magtataka.
Pinagbuksan nya ko ng pinto at hinila ako papasok. Wala na lang akung almang hinubad ang backpack ko at nilagay sa tabi ko.
Narinig ko ang pagpasok nila ngunit nakatuon lang ang pansin ko sa phone ko habang tinatawagan si Ysmael.
Hindi ko mapigilang paglaruan ang labi ko habang hinihintay nyang sagutin.
Sa panlimang ring ay nagliwanag ang mukha ko ng sumagot sya.
"Thank god Ysmael! I need yo_"
"Ahm nasa Cr kasi sya.. Should I call him for you?"
Malambing na sabi ng isang babae.
Napahinto ako. Kahit na malambing ang boses ng babae ay alam kung nanunukso sya. Another girl of the month rather than his girlfriend of the year.
"Ms. kung nasa cr man sya ay pasukin mo at iabot ang phone nya dahil ano mang oras mula ngayon. Gigibain ko na lahat ng ospital ng Del Carlos kapag di ko sya narinig ngayon." Mahinahon kung pahayag.
"W-What?" Parang tanga nyang tanong.
"The clock is ticking... I'm sure wala kang mahihita sa kanya kung puro na lang bato ang makikita mo sa bulsa nya."
"Are you insane?! Who are you?"
Napahilot ako sa noo dahil sa nakakarindi nyang boses.
"Ok times up_"
"Wait wait wait! Ito na." Sansala nya.
Stk. Gold digger again. Kailan ba sya makakahanap ng matino?
May narinig akung nag uusap sa kabila bago ko na rinig ang boses nya.
"What the f**k is this again Gab? Ang aga aga pero nagpapagiba ka na naman ng hospital_"
"I need a chopper... In 5 minutes." Mariin kung sabi.
"What?! Are you insane?! Ang hirap kaya nun. And Dad will never borrow his loving helicopter to us. "
"I need it. Just do it. Call the pilot. I can be the second in command. Malapit dito ang san carlos center_"
"This isn't easy Isabelli_"
"Then make a miracle Ysmael! There are people waiting for me! Wala akung pakialam sa kung anong ginagawa mo ng flavor of the month mo na yan but I swear If I didn't hear the chopper in 5 minutes… You. Are. Dead.!" Mariin kung sigaw sa huli.
Natahimik sa kabilang linya at parang nabibigla sa pagsigaw ko. Well, I always a calm person.
"I'm older than you Dude " Banta nya.
"Who cares if your older! Kahit dumoble pa ang agwat ng edad mo sa akin ngayon wala akung pakialam Ysmael, pinadala mo ko sa mission na to so magtiis ka sa panic mode ko. Now, you better get ready and get your butt out of that hotel." Marahas kung sabi bago binaba ang tawag.
Ramdam ko ang tingin ng kasama ko sa loob ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at nag angat ng tingin.
Una kung nasalubong ang mata nya sa rearview mirror. It's too dark but I saw a laugh on his eyes.
"I'm sorry about that. Can you please… Go to an open space. Sa burol na lang malapit dito." Mahinahon kung sabi habang nakatitig sa kanya.
Tinitigan nya ko ng matagal bago tumango ng isang beses at tumingin sa harap.
Kita ko ang kalahati ng mukha sa salamin. Nakatutok ang paningin nya sa daan. He changed a lot.
Humigpit ang hawak ko sa phone ko at nagbaba ng tingin.
Aaminin ko, there's always part of me that always want him but things not right back then.
Pinaglaruan kami ng tadhana at ginawang masakit ang nakaraan na hindi ko kayang makita ang sarili kung tatagal sa lugar na ito. Sa kanya. Sa lugar kung saan pinangarap kung magiging tahanan ko. Sa kanya na syang dahilan ng pagmulat ko ng mata ngunit may luhang makikita.
Bawal kasi kaming dalawa. Hindi kami pwede sa isa't isa.
I regretted than I chase him way back in our youth. Telling him I love him even though it's wrong. In their eyes it is wrong, so I thought this is wrong.
Ang mas masakit pa, wala syang alam sa nangyari noon na kahit hanggang ngayon ramdam ko ang tingin nyang hindi ko mawari kung nagtatanong o nag aakusa. I know from the fact that I let him in the dark, in those bad memories. Wala kaming closure. We don’t have anything that time but our pain and regrets until now, I don’t know.
"We’re here..."
Napaangat agad ako ng tingin at mabilisang bumaba ng sasakyan habang dala ang backpack ko at duffle bag.
Nabigla ako ng kunin nya ito sa akin ng makalapit at nauna ng naglakad pataas ng burol.
Natitigilang sinundan ko sya ng tingin. Para akung nagka ugat sa paa ng makita ang paakyat na semintong hagdan at ang dalawang familiar na malaking puno sa tutok ng burol.
Ngumiti sa akin ng pilit si Leroy bago sumunod kay Theo. Napapakamot pa syang sinabayan ito sa paglalakad.
Bakit ko nga ba nakalimutan?
Napalunok ako at bumuga ng hangin bago marahang sumunod sa kanila.
Unang tapak ko pa lang ay nakakapanginig na ng tuhod.
My mind is screaming. Akala ko ba tapos na? Pero bakit parang meron pa? Parang mali pa rin?
Dati ay kahoy lang na hagdan ang nandito at hindi ganitong bato na.
Ang lahat ay di nag iba bukod sa hagdan. Andun ang gulong na ginawang duyan at ang lamesa at upuan na gawa pa rin sa kawayan. Ang tanawin sa harap namin ay napaka ganda dahil sa pag sikat pa lang ng araw. Ito yung isa sa pinaka unang gusto ko noon.
Parang may bumara sa lalamunan ko at nag init ang gilid ng mata ko.
I feel my heartbeat beat so fast. It's very familiar yet so scared.
Tumikhim si Leroy.
" A-Alam ba nila kung saan ka susunduin Isang?" Alangang tanong niya.
It's a long silent between us. Naging awkward na rin ang paligid namin.
Napakurap ako at ngumiting tinaas ang phone ko.
"Yeah. Ysmael track my phone." Anya habang kinakalikot ang phone to divert my attention.
"Who is he?"
Napatigil ako sa malamig nyang tanong. Napaangat ako ng tingin.
Nakatalikod sya sa pasikat na araw kaya tumatama ang sikat nito sa likod nya.
His too serious and intimidating.
Nakita ko ang pagtitig ni Leroy sa amin bago umiwas ng tingin at pinanatili ang atensyon sa paligid namin.
Napalunok ako at ngumiti sa kanya.
"My brother… by the way. Thank you sa paghatid sa akin dito ah. " ngiti kung sabi habang bumabaling sa tanawin.
Natahimik kami pero ramdam ko pa rin ang familiar nyang mga titig.
This is torture for me.
Tumikhim si Leroy at nakangiting bumaling sa akin.
"Balita ko… Engaged ka na raw Isang? So, Who's the lucky guy?" Tudyo nya sa huli habang nakakalokong ngumiti.
Napapakurap na humawak ako sa straps ng backpack ko at pilit na ngumiti.
"Nahhh.. I was engaged. I call it off." Ngiti ko sa kanya bago umiwas ng tingin.
This is awkward.
I sigh heavily.
"Why? " Maang nyang tanong. Halatang nabigla sa nalaman.
Natahimik ako. They waited my answer.
Ilang sandaling katahimikan hanggang sa marinig ko na ang tunog ng helicopter.
I sigh again.
" He cheated... Again." Simple ko lang na sabi habang tinatanaw ang palapit na nasa himpapawid.
Marahan kung kinuha sa kanya ang duffle bag ko habang pumupunta ako sa harap nya.
Lumilipad ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin sanhi ng pagbaba ng sasakyan ko. Tumingala ako sa kanya. Titig na titig sya sa akin at purong itim lang ang nakikita ko sa mata nya.
Ngumiti ako.
"Salamat ahh. Pwedeng pakisabi kay Karen na di ko na madadala ang sulat nya kay Ren." nawala ang ngiti ng maisip ang mga bata.
Yumuko ako to avoid his eyes.
"And... The kids yesterday. Wala silang kasalanan." Mahina kung saad ngunit parang di nya na narinig dahil sa malakas na ingay ng helicopter.
Ngumiti lang ako ulit sa kanya bago naglakad palapit sa helicopter. Tinulungan ako ng isang piloto na umakyat.
Lumingon ako sa kanila. Kumakaway sa akin si Leroy ngunit nakababa lang ang tingin nya at hindi nakatingin sa gawi namin.
Pilit akung kumaway bago pumasok.
Dun lang ata ako nakahinga ng maluwag at nag iinit ang matang sumandal na lang sa likod ng inuupuan ko.
Lahat ginawa ko dahil nagmamahal ako. That's why even now. I always let him go.
Napangiti ako ng makita ang burol. Ilang minuto din akung naglakad papunta dito.
Excited akung umakyat sa hagdan na gawa sa kawayan. Akap ang libro at notebook na nangingiting tumingin sa likod nya habang naka upo sya sa upuan na gawa sa kawayan.
Malapit na ring sumikat ang araw.
Nakita kung nakatali sa puno ang kabayong palagi nyang gamit tuwing nagpupunta dito.
"Kanina ka pa?" Tanong ko habang umuupo sa tabi nya at nilapag ang mga hawak ko sa mesa.
Di sya sumagot ngunit tumingin lang sya sa akin sa mapungay na mga mata. Halatang kagigising lang nya ngunit mas pinili nyang pumunta dito ng ganito kaaga.
"Theo.." Malambing kung tawag.
Wala pa rin syang sinabi bagkos ay umusog sya palapit sa akin at umakap sa bewang ko at sumandal sa tapat ng puso ko.
"Sorry..." Mahina nyang bulong na nakapagpangiti sa akin.
Nilagay ko ang kabilang kamay ko sa likod nya at ang isa ay humahaplos sa buhok ko.
"Ok lang, kisa naman mahuli tayo nila Mama." Mahina kung saad na nakapagpahigpit ng yakap nya sa akin.
Mas malaki sya sa akin ngunit palagi syang ganito mag mula ng mga bata pa kami hanggang sa ngayon na nasa college na.
Our life is a new version of Romeo and Juliet story.
Magkaaway ang mga magulang namin not the clan if you asked but they are just hate each other because of their tangled own past.
Una kaming nagkakilala ni Theo in nursery school. Him, being a silent one and me being friendly. Through out the day, we always want each other company. Uso sa probinsya na hinahayaan lang ng magulang ang anak na umuwi mag isa pagtungtong pa lang ng kindergarten. So, we always end up going home together with his personal driver.
Dahil na rin busy ang mga magulang namin sa trabaho kaya wala silang alam na nagiging close kami ni Theo.
Hanggang sa mag elementary ay palaging kami ang magkasama.