
Sa kagustuhang mabigyan ng magandang bubay ang aking mga kapatid ay pumasok ako bilang kasambahay sa mansyon dito sa aming lugar. Sila lang naman ang may kaya rito sa amin dahil malawak ang kanilang lupain at ari- arian.
Ako kasi ang panganay at lima kaming magkakapatid na pawang nag-aaral pa lahat. Papasok na kasi sa kolehiyo ang pangalawa kong kapatid na lalake. Matalino naman ito kaya nangako akong pag- aaralin siya hanggang makapag tapos sa kolehiyo. Nasa Junior high school sumunod na babae, at pawang nasa elementarya ang dalawang lalaki pa.
Pagtatanim ng palay ang hanap buhay ng aming ama rito rin sa hasyenda. Samantalang pag- aasikaso naman sa aking mag nakakabatang kapatid ang ginagawa ng aking ina kaya hindi siya pwedeng mamasukan.
Wala namang problema sa aking trabaho magaan naman at marami kaming kasambahay at saka iba- iba ang toka ng aming gawain. Tagalinis ako ng mga k'warto, taga palit ng bedsheets, kurtina, mga unan at comforter. Masaya nga ako dahil mababait ang aking mga amo at kasamahan sa trabaho.
Hanggang isang araw ay dumating ang bangungot sa buhay ko at magpapabago nang takbo ng aking buhay. Umuwi na kasi mula sa ibang bansa ang bunsong anak ng amo namin. Unang pagtatagpo pa lang namin ay hindi na maganda. Napagbintangan ko kasi siyang magnanakaw, dahil nasa loob nga siya ng silid ng mga amo ko. Kaya nahampas ko siya ng hawak kong walis tambo sa hita para nga hindi siya makalakad at mahuli agad. Hindi ko naman kasi alam na may uuwi palang anak ang amo namin. Wala man lang nagtimbre sa akin.
Iyon kasing tatlo nilang anak ay nasa ibang panig ng bansa at may kanya- kanya ng sariling pamilya. Kaya naman galit na galit ito at halos kainin na ako ng buhay dahil sa talim nitong tumingin.
At para makabawi raw ako sa aking kasalanan sa kanya ay magpanggap kami bilang magkasintahan para pagselosin ang nobyang nang- iwan sa kanya kaya siya umuwi rito sa Pilipinas ay para mag- move on.
Dahil wala naman akong magagawa ay pumayag na rin ako. Alam naman ng aking mga kasamahan sa mansyon at pamilya namin ang gagawin naming pagpapanggap. Para hindi sila magulat kapag nakikita kaming close kapag namamasyal sa Hasyenda.
Madalas kasing kumuha siya ng larawan na puro kaming dalawa na sweet sa isa't isa tsaka niya i-a-upload sa social media account nito. S'ympre nga naman ay makikita iyon ng kanyang dating nobya.
Ngunit, sa pagdaan ng mga araw na magkasama kami ay tila nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalakeng nasa kanya na ang lahat. Yaman, katanyagan, magandang itsura at pangangatawan.
Hanggang isang araw dahil sa kalasingan niya ay may namagitan sa amin. Hindi naman ako nagsisi na sa kanya ko ibinigay ang aking pagkabirhen. Dahil nga mahal ko na siya at umaasa akong tugunin din niya ang pag- ibig ko lalo na at may namagitan na nga sa amin.
Subalit, tila balewala lamang iyon sa binata kong amo at siya namang dating ng nobya nito. Nagka- ayos na pala sila hindi man lang sinasabi sa akin, nagtila tuloy ako tangang umaasa na may pagtingin din ito sa akin ngunit pawang pagpapanggap lamang pala ang lahat.
Pero bakit noong nasa kasarapan na kami ng aming pagtatalik at sukdulan ay na banggit nitong mahal niya ako at tinawag niya ako mismo sa aking pangalan?

