Masakit na sinag ng araw ang tumama sa aking mukha kinabukasan. Tiningala ko ang orasan, alas nuebe na ng umaga. Nag-inat-inat pa ako, ngunit kalaunan ay natigilan nang mapagtantong parang may mali. Huli na nang rumehistro sa aking isip na may pasok na nga pala ako ngayon. "Alas nuebe na?!" Gulat kong sambit sabay bangon. Muntik na akong masubsob sa sahig dahil sa biglaang pagtayo. "s**t, shit." I muttered non-stop until I reached the bathroom. Hindi ko alam kung anong klaseng ligo ang aking gagawin para mabilis matapos. Bakit naman hindi ako ginising ni Tatay? Mabilis akong nagbuhos sa aking katawan, pinagsabay na ang pagsasabon at shampoo, nang biglang... "Tatay, walang tubig!" 'Tay! 'Tay!" Pikit ang isang mata kong kinapa ang gripo, wala na talagang tumutulo. Hinila ko ang n

