Kabanata 13
Deal
"What do you mean by 'kabaliwan'?"
"I told you that some of the scientist were threatened by your Mother. Gamit ang mga naexperemento nila syempre kailangan nila ng mapagsa-sample-an. They'll test their new experiments on your body if their experiments came out good and after that, they will find more ways for your body to be useful." Halos kilabutan ako sa sinabi niya. Ganito ba ang kasama ang nanay ko? Bakit ni isa dito ay wala akong kaalam alam? Parang lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan at lahat ng iniipon kong lakas ay biglaang nawala. Pinilit kong magsalita ng maayos kahit na nanginginig ang kalooban ko sa takot.
"So, hindi na parte ang Mommy mo doon?" Umiling siya saakin. Malungkot ang mga mata at nanghihina.
"No. Kahit anong gawin niya hindi siya pinapakawalan ng Head Master na naguutos sakaniya. Kahit may sinira na siyang buhay, kahit ginawa niyang halimaw ang isang tao. Para sa mga demonyong taong 'yon hindi pa gano'n kasapat ang nagagawa niya. My Mom is suffering, Valentina. Hanggang ngayon, nagui-guilty padin siya. Hanggang ngayon binabalik balikan padin siya ng mga kauri ng demonyong iyon." Ako ba ang tinutukoy niya? Ang taong siniraan ang buhay? Ang taong naging halimaw? Ako lang naman ang nag iba ang ugali, natutung pumatay, natutung sumugal, natutu sa lahat ng bagay na hindi ko alam noon.
"Tama ka, Valentina. Ikaw nga ang tinutukoy ko. Iyon ang binigay na misyon sa Mommy ko. Pinangako nilang kapag tagumpay ang ibinigay nilang misyon ay maaari na siyang makaalis sa organisasyong iyon pero hanggang ngayon, nakatali padin siya doon. Andoon padin siya, nakaukit padin ang pangalan niya doon." Nakaukit. Nakatali. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya nanatili akong nakikinig sa kwento niya habang siya'y nagpapatuloy sa pagkekwento ng mga nalalaman niya.
"Ang misyon niya ay gamitin ako para buntisin ka. Mahina ka, mabait ka at alam nang lahat na iyon ang mga kahinaan nang mga katulad mo noon. Ang kuhanin ang anak mo at ipakulong ka, doon magsisimulang magpakita ang nanay mo, bubuhayin pa ang galit mo at tuturuan kang maging kagaya niya." Totoo. Ang Nanay ko ang siyang nagturo saaking pumatay. Siya ang laging kasama ko sa oras ng training at nakalaan sa mga rules ng training ay ang pagpatay sa taong makakalaban mo kung hindi ay ikaw naman ang papatayin. Dahil determenado akong makabalik ng malakas sa pilipinas ay ginawa ko ang lahat para makaalis ng buhay doon.
"Mabuti nalang pala wala kang nabuntis noon sa mga babae mo, 'no? Kung hindi, 'nako!" Tinignan niya ako ng matatalim na para bang gusto niya akong sakalin.
"Namgmula ako sa mayamang pamilya, Valentina. Wala akong oras mambabae dahil pagtungtung ko ng seventeen ay siyang pagmamanage ko ng negosyo ng mga magulang ko. At lahat ng mga babaeng dinadala ko sa mansion noon ay mga tauhan ng Mommy mo. Nakaplano pati iyon." Ahh, okay nalang. Hindi padin ako naniniwala. Nadidinig ko pa nga noon ang mga malalakas na sigaw na ungol ng mga babae niya noon. Akala niya siguro maniniwala ako sa mga kasinungalingan niya ngayon, tss.
"Noong umalis ka patungong ibang bansa para magsanay ay nilapitan ako ng Nanay mo. Gusto niyang kunin si Collin pero alam ko ang gagawin niya sa anak natin. Sa paniniwala nang Nanay mo, ang mga lalaking anak ay mga walang silbi. Nalaman kong may panganay na anak din ang nanay mo at lalaki iyon pero hinayaan niyang gawing sample ng mga bagong experemento ang kapatid mo that causes him to die. Ayaw kong mangyari iyon sa anak natin, Valentina. Ang rason kung bakit nagkabati kaming ulit ni Astrion dahil ipinagkatiwala ko sakaniya si Collin ng baby pa siya para isipin ng nanay mo na ipinaampon ko siya. Sa ganung paraan hindi niya na hahanapin pa si Collin." Hindi ako makapaniwala sa isiniwalat niya. Ang nanay na akala ko may mabuting puso ay ganito? Binalak na kunin ang anak ko't gawing pain sa mga demonyong kauri niya?!
"Naalala mo nang magkita kita kayong tatlo? Nakita kong naguluhan ka kung sino sa dalawa ang anak natin, gusto kitang makausap no'n kaya ginawa ko iyong dahilan para makalapit pa sa'yo. Alam ni Collin na ikaw ang nanay niya at alam din ni Nicollin lahat. Nicollin, the other kid you saw is actually my brother's son. That is why we kind a look like the same but he has a different color."
"How about the girl who told me that she's your wife?" Iniisip kong baka kasama iyon sa plano nila kaya natanong ko ang bagay na iyon.
"Nirereto ni Mommy saakin." Tumango nalang ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya.
"Next. The reason why your Mother's illegal businesses is falling is because of me. Pero, hindi ko inaasahan na malalaman ng mga autoridad na isa ka sa naging leader nila. Hindi ako naniniwalang sinabi ng secretary mo na ikaw ang leader nila. Nasisiguro kong nalaman na ng nanay mo na ako ang may pakana kaya alam kong hindi ako ang susugurin niya..."
"Kung hindi ikaw, sino?" He then tapped something on the glass. Lumipat ito sa isang bahay kung saan ang Mommy at Daddy niya na nag uusap. CCTV, i think.
"My weakness, Valentina." Saktong kakasabi niya lang no'n nang isang malakas na pagsabog ang nadinig ko mula sa glass na pa rectangle. Halos wala akong makitang ibang emosiyon sa mukha ng nanay at tatay ni Averil maliban sa kaba. Hinawakan ng Daddy ni Averil ang kamay ng Mommy niya na para bang pinapalakas ang loob nito.
Biglaang nawala ang tunog pero nagulat ako nang bigla nalang may ipinasak na kung ano si Averil sa taenga ko.
"Walang dapat makaalam nang pinag uusapan nila. I know this room is safe, but i need to make sure that this convo between your Mom and my Mom will be safer." I nodded. I understand him.
"Alam mo ang ginawa ng anak mo, Chelsea. And i know, by now he is watching us with my precious daughter."
"A-anong ibig mong sabihin, Vasilissa?" Kinakaban ngunit pinanatili pading kalma ang itsura nang nanay ni Averil. Alam niyang anomang oras ay aatake si Mommy sakaniya. My mother didn't even bother putting a damn mask or something that could cover her! Parang alam niyang mangyayari ito sa iksaktong araw, buwan at taon! At para bang alam niya ang susunod na mangyayari.
"Anong ibig sabihin ng salitang 'Vasilissa'?" Nagtatakhang ani ko sa gitna nang pakikinig.
"Vasilissa is a greek word, if we translate it in english it means Queen." Tumango na naman ako para sabihing naintindihan ko.
"Your son surely knows how to make me this furious, hmm?" Parang baliw na tumawa si Mommy. God! Parang hindi siya ang nanay na nakilala ko noon.
"No'ng una, hinayaan ko siyang paniwalain akong pina ampon niya ang kambal ni Aerille. And now..." Wala siya sa katinuan. Iyon agad ang naisip ko. Baliw ang nanay ko. Baliw siya.
"She's insane." Wala sa sariling naisingit ko. Nilingon ako ni Averil at mahina siyang tumango bilang pag-sang-ayon.
"Oo. Naniniwala siya na kaya niyang kontrolin ang lahat sa pamamagitan nang mga experementong hawak niya at sa organisasyong itinayo niya kasama ang mga kaibigan niya."
Halos kabahan ako nang makita kong biglaang may dalawang nakabalot na tao ang lumapit sa Nanay ni Averil. s**t! Kukunin na siya! Kinakabahang tinignan ko si Averil pero kalmado naman ang mukha niya. Anong binabalak ni Averil at nang pamilya niya?
"f**k it, Averil! Anong iniisip mo? Damn! Kukunin na siya!" Hindi niya ako pinansin nananatili siyang nanonood at nakikinig sa dalawa.
"Nakakalungkot naman, Chelsea. Maiiwan mo ang anak mo at itong asawa mo." Nagulat ako nang biglaan siyang tumingin sa CCTV'ng nakakabit. Kinabahan ako kasi parang saktong saakin siya nakatingin.
"Actually, I'm just waiting for my Daughter to show up. I'm waiting for her ang my granddaughter to come to me. Pero wala. Mukhang naghihintay ata siyang may makita." Ngumisi siya sa CCTV. Nakakakilabot.
"Oh, hi, Dayanara!" Please, No, Mom. Please, stop. Halos mapaluha ako nang makita ang injection na hawak nang isang nakabalot habang ang isa naman ay nakahawak sa Nanay ni Averil. Itinurok nang lalaki ang injection at mas lalo pang diniinan kahit nakita niya na ang malakas na pagsigaw nang babae dahil sa sakit. Kumukuha sila nang dugo sakaniya.
"Please, no."
"Aww. Let's have a deal, My Daughter. Umuwi ka kasama si Aerille at bilang kapalit... Ibibigay ko din sakanila pabalik si Chelsea. Walang galos at walang kahit ano mang nakakahawang sakit." f**k it! f**k! Anong pipiliin ko? Ang mapasakamay ulit ni Mommy kapalit naman ay ang pagiging malaya nang inosenteng tao o mananatili dito, bilang kapalit naman ay pagdurusa hindi lang nang isa kundi ng dalawang tao? f**k! Bakit? Bakit may nanay akong ganito ang ugali?
"Averil, surely knows my number, Dayanara. You can tell him your decision and call me using his phone." Nilingon ko si Averil na nakatingin saakin. Nag aalinlangan, naguguluhan.
"Please, Don't. May paraan pa, Valentina." Umiling ako.
"Dahil sa nanay ko kaya nagsimula ang lahat nang ito. Kung wala ang organisasyong itinayo niya namumuhay kayo nang mapayapa, sana. Ito nalang ang maitutulong ko, Averil--"
"f**k it, Valentina! Ang anak ko naman ang ipapain mo! Hindi!-"
"Pero paano ang Nanay mo, ha, Averil?! Nakikita ko na mahal na mahal mo siya! Kaya gagawin ko ito para sa'yo!" Dahil tama ang sinabi ko kanina. Kung walang organisasyon walang g**o. Mapayapa silang namumuhay, mapayapa silang nagsasaya nang magkakasama. Mapayapa lahat, walang ako, wala ang nanay ko na nanggugulo sa buhay nila.
"And it's not 'ko', Averil. It's 'natin', ang anak naman natin."