Kabanata 14

1633 Words
Kabanata 14 Training Mariing ipinikit ni Averil ang kaniyang mga mata. Ang akala ko'y susuko na siya at sasabihing 'sige, desisyon mo 'yan' pero mali. Ibang iba sa iniisip ko ang sinabi niya. "Whatever you say its still a NO." Napagaya tuloy ako sa mariing pagpikit niya kanina. Matigas ang ulo niya, kung anong gusto niya pinaninindigan niya. "Averil-" "Shut it, Valentina! Hindi mo alam kung anong mangyayari sainyong dalawa kung sasama ka sakaniya!" Alam ko. Alam kong aalis na naman kami nang bansa, mamumuhay gamit ang perang nakukuha sa illegal na gawain. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong masaya akong illegal na gawain ang pinagkukunan namin ng pera. Masaya ako sa perang nakukuha ko sa mga illegal na gawain dahil umaangat ako. Lahat iyon ay kasanungalingan. The reason why i stayed and handled the illegal business of my Mom is because i wanted to take a revenge. Gusto kong maghiganti kahit ayaw ko sa buhay at negosyong meron ang pamilya ko. "Alam ko-" Sa ikalawang pagkakataon ngayon ay pinutol na naman niya ang sana'y sasabihin ko. "Ito ang sinasabi ko! Wala kang muwang sa ganitong mga bagay! Pero kailangan mong malaman lahat! The real reason why your mother wanted you and Aerille to be with her again is because Aerille is the next 'Vasilissa' of their organization!" What? Hindi pa napapasok sa utak ko ang sinabi niya ay bigla na naman siyang may idinugtong na mas lalong hindi pumapasok sa utak ko. "Apat at kalahating taong gulang na si Aerille, Valentina! Ilang buwan nalang ay tutungtung na siyang limang taong gulang kung saan magsisimula siyang sanayin sa bagay na ikakapahamak niya! Hindi madali ang pagsasanay na ibinibigay nila, Valentina! There is only two option when the training ends! It's either, babalik siyang abo na o babalik siyang bali bali ang buto!" Isang buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa naiisip ko. Maaaring gawa gawa lamang ito ni Averil para di ako sumama sa nanay ko at pupwede ding totoo lahat ng sinasabi niya. Ang sabi niya'y ginawa ang organisasyon noong nagkakilala ang nanay ko at ang mga kaibigan nito. Maaring si Aerille palang ang susunod na Vasilissa pero isang bagay ang bumabagabag saakin. Bakit ganito agad kalago ang organisasyong ito? Bakit ganito na ito kalago na ni training nang susunod na maghahari dito ay may posibilidad na hindi na makalabas nang buhay. "Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong naitanong sa'yo, pero ngayon, Averil itatanong ko ulit ito sa'yo. How did you know all of this? Paano?" "Dalawang taon matapos itayo ang organisasyon ay malago na agad ito. Dahil inuuna nilang tinutugis ang mga maaring may pakinabang at makakatulung sakanilang umangat. Scientist, mayayamang business man, mayayamang may-ari nang mga iba't ibang illegal na negosyo, at ang iba'y may posisyon sa gobyerno, ibang maliliit na mafia organization at ang iba'y mga rebeldeng nakikita lang sa mga kalye kalye, ang iba sa mga rebeldeng nakikita sa kalye ay ginagawa nilang 'sample' habang ang ibang nakikitaan ng lakas sa pakikipaglaban ay sinasama nila sa grupo. Isa si Mommy sa mga rebeldeng nakitang nakikipagbugbugan sa isang iskinita kung kaya't pinanatili siya sa organisasyon at sinasama sa mga misiyon--" Nanatili sakaniya ang titig ko pero nadinig ko ang mga sinasabi ni Mommy sa likod ng CCTV. Before the time clocks to 9:30 pm magsisimula siyang magbilang hanggang lima at kung wala pa ang desisyon ko maaring magbago ang isip niya't hindi na ibalik pa ang nanay ni Averil. Nilingon ko ang orasan ang its already 9:29:56. Wala nang oras. "Pakikinggan ko ang paliwanag mo pero pahiram mona nang cellphone mo. Papayag ako pero gagawa padin tayo ng plano kung paano kami makakalabas doon." He then sighed. Wala na siyang choice dahil dinukot ko na ang cellphone niya sa bulsa nang suot suot niyang shorts.  "Finally." "Bukas. Umagang umaga, andiyan na agad kami." Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya tumingin nalang ako sa monitor at nakita ko siyang ngumiti. May inutos siya sa mga kasama niya at tuluyan na silang umalis. Nakahinga ako doon nang maluwag. Tinignan ko si Averil, madilim ang mukha, at sobrang iritado sa ginawa ko. "Pwede kanang magpatuloy." "Damn!" Sa iritasiyon niya ay iniwan niya ako sa kwartong iyon na hindi manlang nagpapaalam kung saan siya pupunta. Napaupo nalang ako dahil sa naguguluhan ako. Ano ba talagang tamang gagawin ko? Hindi ko gusto ang tumunganga nalang sa tabi at hintayin siyang gumalaw! I did not bother turning off the glass dahil hindi ko naman talaga alam kung paano papatayin iyon kaya iniwan ko nalang doon nang bukas. Umalis na ako doon at sinundan si Averil pero hindi ko alam kung saan siya nagtungo. Nagulat ako nang isang kamay ang kumalabit saakin mula sa likod ko. Mabilis ko agad itong tinignan kung sino.  "Hinahanap mo po ba si Sir, Ma'am? Nasa kwarto po nang batang babae. Deritso ka 'ho pagkatapos ay lumiko ka. Ikalawang pinto sa palikuan ay ando'n ang kwarto nang bata." I find her creepy. Ang alam ko'y... Nevermind. Baka maglilinis lang siya. Tumango ako at sinunod na ang sinabi niya. Naglalakad ako nang mapansin ko ang isang kwartong nakakatakot. Itim ang kulay hindi lang nang pinto kundi pati ang mga ding ding sa labas. Para akong nasa haunted house na nagfifilm ng movie. Nagtataka akong lumapit sa pinto nang makalapit ay dahan dahan ko itong binuksan. Sabay sabay na bumungad saakin ang iba't ibang klase ng lumang b***l, mga litrato, at mga papel sa gilid na sobrang maalikabok na. Akmang papasok na ako nang isang boses na naman ang nadinig ko sa likod ko. Putspa! Bakit naman nakakatakot ang bahay na ito? Lagi nalang may sumusulpot! Iritadong nilingon ko ang nasa likod ko kaso nawala din ang pagakakairita nang mapagtantong ang Mommy ni Averil ang tanging nasa likod ko. Teka! Bakit andito agad siya?! Ang bilis naman! Ngumiti siya saakin at hindi nakatakas ang kaunting pagtawa niya na para bang pinagtatawanan ang mukha ko. "Pasensya na kung nagulat kita at kung nagtataka ka kung bakit agad akong nandito ay dahil labing dalawang mansion lang ay andoon ang mansion namin nang asawa ko." Bwesit! Magkakapareho lang naman pala kami nang Village! Bakit hindi ko alam ito? Iminustwera niya ang papasok sa loob nang kwarto kaya wala akong sali-salitang pumasok doon. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Ha? Ganiyan lang talaga siya sa tuwing hindi nasusunod ang kagustuhan niya." Marahan niyang hinahaplos ang mga litrato at ibang mga b***l habang ako'y patuloy sa paglilibot ng mga mata sa loob at paminsa'y minsang tumitingin sa ginang. "These guns are made by my parents. And those photos are my parents during their missions. At ang mga nakatambak na papel naman na iyon ay mga dapat pipirmahang papeles noon para sa kompanya nang Mommy at Daddy ko." Kumuha ako nang isa at binasa ang bawat papel. May ibang tungkol sa bangko habang may iba namang nanghihingi nang permiso para sa exporting, importing o trading siguro nang mga b***l. "Narinig ko na ang paguusap niyo nang anak ko kanina. Lahat kasi nang rooms dito ay may mga nakatagong bugging devices." Tumawa siya at umiling iling. "Pero, secret lang natin ha? Hindi kasi iyon alam ni Lister. Baka magalit kapag nalaman." Tumawa nalang din ako para maibsan ang kaunting awkwardness na nararamdaman ko. "Huwag kang mahihiya saakin. Ako nga dapat ang mahiya sa'yo dahil sa ginawa ko, namin nang anak ko noon sa'yo." "Hindi. Okay lang po." Tumango siya at hinahaplos haplos na naman ang mga lumang b***l. Napapangiti ako dahil parang nakikita ko si Averil kanina sakaniya. Nakikita kong mahal niya ang mga magulang niya parang 'yong nakikita ko kanina sa mga mata ni Averil. "Ako na ang magtutuloy sa kwento nang anak ko kanina. Hindi ako isang rebelde, pinaparusahan ko noon ang isa sa mga tauhan nang Nanay mo dahil iyon ang trabaho namin sa organisasyon nang mga magulang ko. Hindi ko naman alam na isa pala iyong trap. They trapped me and had me jailed in their underground cell and used me to blackmail my parents. I wanted to stay alive because I can't leave our organization and I can't leave my family, so, i begged. I begged that instead of killing me, magiging isa nalang ako sakanila. Para lang manatiling buhay. That's when they started giving me missions. Unang mission ko noon iyon sa ibang bansa nang nabalitaan kong pinatay nila ang mga magulang ko, nawalan ako nang buhay no'n." Tumawa siya nang kaunti at para bang nasa alapaap siya kung saan may isang TV at nanonood siya sa mga dati niyang memorya. "Pero gusto kong maghiganti kaya nanatili ako sa organisasyon nila. Pinagkatiwalaan ako nang lahat ng may malalaking posisyon sa organisasyon kung kaya't isa ako sa mga taong kasama sa pagsasanay nang mga anak ng mga Heads. Maliban sa'yo na hindi maaring magsanay dahil kailangang ang anak mo ang susunod na reyna sa paniniwala nilang mas malakas ang anak mo dahil madodoble ang lakas niya sa lakas mo. Sa apat na batang kasama ko sa pagsasanay ay iisa lamang ang nakaalis doon nang buhay ngunit bali bali ang mga buto, labis labis ang pagod at sobrang payat. Oo nga't may nakahandang experemento para mawala ang pagod at mabalik sa dati ang kaunting bali ng buto ngunit tumatalab lamang ang experemento kung magpapahinga ka ng isa hanggang tatlong buwan." Sa gulat ay halos hindi na ako makareact. s**t! Isa na namang bagay ang natuklasan ko. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman? Alam ko, nararamdaman ko. May mas malala pa sa mga nalalaman ko ngayon. "At... Hindi namatay ang ibang nagsasanay dahil sa pinatay sila, kundi dahil sa gutom, uhaw at pagod. Namatay sila dahil hindi alerto at aktibo ang isipan nila. Sa pagsasanay kasi'y sila ang tanging hahanap nang pagkain nila't iinumin kaya talagang nakakaawa sila nang mga panahong iyon." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD