Aimee "Happy birthday, Maddie," masayang wika niya sa kapatid ng kaniyang boyfriend saka hinalikan ang bata sa pisngi nito. "Thank you ate Aimee," masayang wika ni Maddie sa kaniya.Ginanap sa isang kilalang country club ang birthday celebration ng kapatid ni Ryle. Maraming dumalo sa birthday celebration. Naipakilala na rin siya ni Ryle sa mommy nito na si Tita Ashlee. Maganda si Tita Ashlee. No doubt gwapo at maganda ang mga anak ng ginang. Namana ni Ryle ang kulay ng mga mata ng ina nito. Pati na rin ang pagiging curly ng buhok ni Ryle. Naipakilala din siya ng kaniyang nobyo sa lolo't lola nito. Na sina lola Amy at lolo James. At sa stepfather nito na si Tito Mike. Napansin niyang hindi close si Ryle sa stepfather nito. Mabait naman ang mga ito sa kaniya kahit ang stepfather nito na

