Ryle Ipinagluto niya si Aimee ng masarap na tanghalian sa bahay ng kaniyang lolo't lola. Sinundo niya kanina si Aimee sa bahay nito. Dinala niya si Aimee sa bahay ng kaniyang lolo't lola para magkaroon sila ng oras para sa isa't isa. Nandito rin naman ang kaniyang lolo't lola pati na rin si Maddie. Na gustong-gusto ka-bonding ang kaniyang kasintahan. Magmu-movie marathon silang tatlo nina Maddie. Komportable naman si Aimee sa bahay nila. "Ang sarap mo palang magluto, Mr. Chef," nakangiting wika ni Aimee sa kaniya habang nasa hapagkainan sila. Ipinagluto niya si Aimee ng buttered shrimp. Paborito rin daw kasi ito ni Aimee. Sarap na sarap si Aimee sa kaniyang luto. Biro pa nga nito na nakalimutan na nito ang pangalan nito ng matikman ni Aimee ang kaniyang luto. Ngumiti siya sa kaniyang kas

