Aimee Ipinakilala ni Aimee si Ryle sa kaniyang mga kaibigan na sina Lyle, Zeke, Nate, Sara, at Halsey. Isinama niya si Ryle sa bahay nina Sara noong nakaraang Sabado. Komento ng kaniyang mga kaibigan na masyado raw tahimik si Ryle. Hindi kasi nakikisalamuha si Ryle sa kaniyang mga kaibigan. Naiintindihan naman ng kaniyang mga kaibigan iyon. Nagpunta si Ryle sa kanilang bahay ngayong araw dahil wala silang pasok sa eskuwelahan. Nakilala na rin ni Ryle ang kaniyang nakababatang kapatid na si Evan. Gumawa sila ng strawberry smoothie ni Ryle. Kinunan nila ng litrato ang smoothie na ginawa nila saka in-upload niya sa kaniyang sariling i********:. May caption itong, "My boyfriend and I made a smoothie. It's so delicious. Yummmm...." Pagkatapos ay nanuod sila ng movie sa Netflix. Pinapayagan

