Aimee Dumating na sa Maynila ang kaniyang pinsan na si Jayla West matapos nitong magbakasyon ng isang linggo sa Coron, Palawan. Mahilig talagang mag-travel ang kaniyang pinsan. Her cousin was very independent. Malaki ang ipinagbago ng kaniyang pinsan. Mas matangkad na ito sa kaniya. Kung dati ay magkasing-height lamang sila nito noong mga bata pa sila, ngayon ay mas malaki na ang agwat ng kanilang height. She was 5'4 while Jayla was 5'9. Papasa na talagang modelo ang kaniyang pinsan. Ang sabi nga nito sa kaniya, may nag-approach na rito na talent scout. Kayumanggi ang kulay ng balat ni Jayla na namana nito sa ina nitong Filipina. Balingkinitan ang katawan ni Jayla. Maliit ang baywang nito. Mahahaba at maganda ang binti. Hindi naman kalakihan ang dibdib nito, ngunit tama lang sa katawan

