Ryle Nagpunta siya sa bahay nina Aimee para tulungan ang kaniyang kasintahan sa school projects nito. Sa gitna ng ginagawa nilang project ay lumabas ng silid ang pinsan ni Aimee na si Jayla. "Hi, guys. Ang busy niyo namang dalawa," nakangiting wika sa kanila ni Jayla. Nakasuot lamang si Jayla ng maiksing sheer dress na kulay pink. Kitang-kita ang suot nitong nude color underwear. Nag-iwas agad siya ng tingin. Bakit kaya ganito ang suot nito kahit na alam nitong may ibang tao sa bahay? Umupo sa tapat nila ni Aimee ang pinsan nito. Ibinaling na lamang niya ang atensiyon sa paggawa ng project ni Aimee. Alam niyang nagpapapansin lamang sa kaniya si Jayla. Ngunit wala siyang oras para sa babae dahil hindi niya ito tipo. At isa pa, mahal na mahal niya si Aimee. Mukhang na-boring na si Jayl

