Aimee Nakita ni Ryle ang picture niya na kasama ang kaniyang first boyfriend. Sa dami ng naka-upload na mga larawan sa kaniyang i********: account, hindi niya na napansin na nandoon pa rin ang mga larawan nila ng kaniyang ex. Aimee: He's just a part of my past, love. There's no need to get jealous. Ikaw ang mahal ko. Wala ng iba. Ryle: Yeah. I know that, love. I'm not that jealous. Mas guwapo naman ako doon. 'Di ba, love? Natawa siya. Halatang selos na selos ang kaniyang boyfriend sa kaniyang ex na may foreign blood. Gwapo naman kasi talaga ang kaniyang ex. Mas lalo pa itong gumwapo ngayon. Magkasingtangkad na rin si Ryle at ang lalaking iyon. Pero para sa kaniya, mas guwapo si Ryle. Siyempre mahal niya ang kaniyang nobyo. Saka totoo naman na mas hot si Ryle kesa sa ex niyang iyon na i

