Ryle
"Dude, sa inyo ako matutulog mamaya," ani Ryle kay Noah habang nakatambay sila sa may student park.
Absent ang teacher nila sa Math. Kaya naman tumatambay sila sa kubo na inilagay sa student park.
Nagkayayaan silang maglaro ng Call Of Duty sa bahay nina Noah. Doon sila madalas maglaro ng video games kapag wala silang pasok. Tulad ng nakararaming kabataan ngayon. Hilig nilang magkakaibigan ang paglalaro ng video games. Parang bonding na rin nila iyon.
"Okay," tugon ni Noah. "Basta ikaw, dude. Malakas ka sa 'kin, eh," biro nito.
Natawa siya.
Ang kaniyang kaibigan na si Noah ay mag-isa lamang sa bahay dahil nasa probinsya ang mga magulang nito. Hiwalay na ang mga magulang ng kaniyang kaibigan. Mag-isa lamang itong naninirahan sa Maynila. Sanay naman na itong maging independent sa murang edad.
"Ikaw, Alex?" tanong niya sa isa pa niyang kaibigan na abala sa hawak nitong cellphone.
Lumalandi na naman ang mokong. Parang baliw na napapangisi habang nakatutok ang mga mata nito sa phone screen. Kanina niya pa ito napapansin na may sariling mundo.
Solid friends niya ang mga ito simula nu'ng grade school. Ang isa pa sa mga best friend niya na si Isaac ay sa ibang private school nag-aaral kaya hindi niya ito araw-araw nakikita.
"Huy," pukaw niya rito.
"Ha? Hindi ako pwede. Magkikita kami ng girlfriend ko mamaya," tugon nito habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep.
Speaking of girlfriend, ilang araw na silang hindi nagkikibuan ng kaniyang girlfriend na kapwa niya rin third-year high school student sa kanilang eskuwelahan. Dahil nagkaroon sila ng pagtatalo nito kamakailan lamang. Nagselos kasi ang girlfriend niya sa mga babaeng lumalapit sa kaniya. Dahil nga sa sikat siyang football player ay naging popular din siya sa mga kababaihan. 'Yun ang bagay na hindi maintindihan ng kaniyang girlfriend. Lahat na lang ng babaeng lumalapit sa kaniya ay pinag-iisipan niya ng may masamang balak ang mga ito sa kaniya.
That they're all flirting with him. Hindi naman lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya ay ganoon. Ang iba ay humahanga lang sa pagiging magaling niyang football player sa kanilang eskuwelahan. Ang iba naman ay gusto lamang makipagkaibigan.
Pero alam naman niyang makikipag-ayos din ito sa kaniya. Sanay siyang ito ang unang sumusuyo sa kaniya dahil hindi siya matiis nito. Dalawang taon na rin silang magkasintahan ni Leila. Sa mga naging girlfriend niya ay ito ang pinaka-maintindihin. Hindi nito sinasabayan ang kaniyang galit. Saka alam niyang mahal na mahal siya nito. Kahit pa may pagkaselosa talaga ang babae. Na madalas nilang pinag-aawayan.
"Baby, I miss you. I want to see you. I'll Facetime call you right now," nag-send siya ng text message sa kaniyang girlfriend. Dahil hindi niya rin naman ito matiis.
"You're not missing me. Stop calling me baby. 'Yan din ang tawag mo sa mga malalanding babaeng lapit ng lapit sa 'yo!"
She's still mad.
Nagtatampo pa rin ito sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya.
"You know you're my one and only baby. No words can describe how much I love you. So, please just talk to me," madamdaming pahayag niya.
Baka sakaling madala ito sa lambing.
And it worked.
Makalipas ang ilang sandali ay nagkausap sila thru f*******: ng kaniyang girlfriend. Nag-video call sila.
"I miss you. I want to see you," ani Leila sa malungkot na tinig.
Bahagyang tumaas ang sulok ng kaniyang bibig.
"Okay. Wait for me there. Mabilis lang ako," sambit niya.
"Really?" gumuhit ang ngiti sa mukha nito.
"Yes, baby. Pupuntahan kita d'yan. I love you."
"Oh My God. Bilisan mo na. I love you, too."
Napangisi siya.
Nagtungo siya sa bahay ni Leila. Mabilis pa sa alas kwatro ay nandu'n na siya agad. Lumaki si Leila na Tita lamang nito ang nag-aruga rito. Ang mga magulang nito ay may kani-kaniyang pamilya na. Kaya naman naiwan ito sa pangangalaga ng tiyahin nitong hindi na nag-asawa.
Madalas ding wala ang tita nito dahil nagtatrabaho ito at kadalasan ay night shift sa trabaho. Bihirang umuwi ang tita nito. Tuwing day-off lamang ito umuuwi. Kaya naman natutong maging independent ang kaniyang kasintahan dahil madalas na mag-isa lamang ito.
"Ang bilis mo naman," natatawang sambit ni Leila sa kaniya.
Pinapasok siya nito sa loob ng bahay. Maraming beses na siyang nakapunta roon kaya kabisadong-kabisado niya na ang kasuluk-sulukan ng bahay nito.
Pinagmasdan niya ang suot ng kaniyang kasintahan.
Nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay. Nakasuot ito ng puting sando. Hindi ito mahilig magsuot ng bra sa bahay kaya naman bakat na bakat ang dibdib nito. Halos nakikita niya na ang hindi kalakihang dibdib nito ng mapayuko ito sa kaniyang harapan. Napakaiksi rin ng suot nitong maong na short. Na kita na ang hindi niya dapat makita sa sobrang iksi nito.
Lagi niyang napagsasabihan ito na huwag magsusuot ng gano'n sa labas. Ang katwiran naman nito ay mainit daw ang panahon. Ngunit hindi naman daw ito lumalabas ng gano'n ang suot.
Naupo siya sa mahabang couch. Umupo naman sa kaniyang tabi si Leila. Yumakap ito sa kaniya at masuyong hinalik-halikan siya sa kaniyang labi.
"Kumain ka na?" malambing na tanong ng kaniyang girlfriend habang nakayakap ito sa kaniya.
"Huy," pukaw sa kaniya nito.
"Yeah. Nakakain na 'ko," aniya. "Pero gutom pa 'ko. Kailangan ko ng dessert," aniya at ngumisi siya ng nakakaloko ng lingunin niya ito.
Napahagikgik ang kaniyang kasintahan.
"Napakapilyo mo talaga," napangisi ito at hinampas siya ng mahina sa dibdib.
"Biro lang," natatawang sabi niya.
Ngunit sumeryoso ang kaniyang itsura ng pasadahan niyang muli ng tingin ang suot ng kaniyang girlfriend. He's not happy with the way she dresses.
"Magpalit ka ng damit. I told you to not wear too revealing clothes, babe," mahinahon niyang sabi sa kaniyang girlfriend.
Sumimangot ang kaniyang girlfriend.
"Babe, napaka-conservative mo. Pati talaga pananamit ko pinapakealaman mo, eh, nasa bahay lang naman ako," nakasimangot na wika nito sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya.
Pagtatalunan na naman ba nila ang bagay na ito? He just want her to wear something descent. Para rin naman dito ang kaniyang pangingiialam sa mga sinusuot nitong sobrang agaw-atensyon sa mga kalalakihan.
"Dude, balita ko may crush daw sa 'yo 'yan," ani Kaden at inginuso ang isang magandang babae.
Si Kaden ay team mate niya. Kapwa niya rin third-year student. Inginuso nito ang isang freshman student na cheerleader.
Actually, ang tinutukoy niya ay ang pinakabagong mukha sa cheerleading team. Kaya naman kapansin-pansin ito sa cheer squad. At kaya naman nakatuon sa babaeng ito ang atensiyon ng mga atleta sa kanilang paaralan. Hindi rin maikakaila na ito rin ang pinakamaganda sa cheerleading squad. Nang makita niya nga itong sumayaw sa harapan niya noong may football game habang nakaupo siya ay nabighani siya rito. Maganda na, magaling pang sumayaw. And the way she smile is really captivating.
"1, 2, 3, 4," ani ng captain ng cheerleading team.
"5, 6, 7, 8," sabay-sabay na wika ng mga cheerleader.
"Drop."
Nagpa-practice ang mga cheerleader sa football field ng kanilang bagong stunt. Nakita niyang binubuhat ang babae ng mga kasamahan nito.
"Ang ganda, 'noh?" tumango lang siya kay Kaden. "Type na type rin 'yan ng classmate ko."
Nang una silang magkita ng babae ay nahalata niyang may something ito sa kaniya. Malakas kasi ang kaniyang instinct. Hindi naman ito nag-iisa. Dahil nang una niya itong makita ay nakatuon ang focus niya sa babae.
The way she moves and smiles is very attractive. Kapansin-pansin ding nate-tense ito nang magkakilala silang dalawa. Kaya naman napangiti siya sa babae.
"O, ba't 'di ligawan ng classmate mo?" usisang tanong niya.
Pero ang totoo ay gusto niyang malaman kung single ba ang dalaga o hindi na.
"Aba malay ko. Saka sa 'yo nga may crush, eh."
Ang sabi ng kaniyang teammate ay may crush ang babae sa kaniya. Nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa babae. There's something about her that made her shine the most among that group of girls. Para itong diyosa na ubod ng ganda.
She's blonde. Blue-eyed. Napaka-puti at napaka-kinis ng balat nito. Napaka-sexy din nito. Maliit man ito sa height na sa tantya niya ay nasa 5'4, ay bumagay naman dito.
Narinig niya ang hagikgikan ng mga cheerleaders nang may isang magkamali sa mga ito. Hindi niya maiwasang mapatingin sa napakagandang ngiti ng isang freshman cheerleader.
Aimee Jane.
Nababagay ang pangalan nito sa kaniya. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa taglay na kagandahan ng babae. Para itong diyosa. Nang nagsabog ang diyos ng kagandahan ay nasalo nito lahat.
"Huy, baka matunaw," kantyaw sa kaniya ni Kaden. Tumatawa-tawa pa ito. "Yari ka kay Leila kapag nalaman niyang tumitingin ka sa ibang babae."
Doon lamang siya nag-iwas ng tingin kay Aimee. Napaismid lang ito sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Tiyak na hindi matutuwa ang kaniyang kasintahan kapag nalaman nitong humahanga siya sa babae.
Alam kasi ni Kaden kung gaano kaselosa ang kaniyang girlfriend. Halos lahat na 'ata ng babae sa campus nila ay pinagselosan na nito. Sobrang clingy pa nito sa kaniya. Na minsan ay napapagalitan na sila ng mga teacher na nakakapansin. Hindi naman niya maawat ang kaniyang nobya.
Tinawag na sila ng kanilang coach para sa isang practice game.
Nang matapos ang kanilang practice game ay pinuntahan na siya ng kaniyang girlfriend. Pinunasan nito ang kaniyang pawis na pawis na mukha.
"Babe, may assignment kami sa Math," ngumuso ito. "Turuan mo 'ko, ha," paglalambing nito sa kaniya.
Siya kasi ang takbuhan ng kaniyang girlfriend kapag nahihirapan ito sa mga assignments nito. Pati sa mga school projects nito ay kung minsan siya na ang gumagawa.
He is academically gifted. He's a top student at their school. Kaya niyang pagsabayin ang paglalaro ng football at ang kaniyang pag-aaral.
"Okay, basta ba may premyo 'ko mamaya," bumulong siya rito habang naglalakad sila na magkahawak ang kamay palabas ng gate ng eskuwelahan.
Napahagikgik naman ang kaniyang kasintahan.
"Napakapilyo mo talaga kahit kelan, babe," hinampas siya nito ng mahina sa kaniyang dibdib.
Ngumiti ito sa kaniya. Napangisi lang siya.
"Dapat lang na may premyo 'ko. Mahirap kaya ang Math."
"Kunwari ka pa, eh, genius ka naman. Oo na pagbibigyan na kita...ng isang kiss," napahagikgik naman ito.
Natawa na rin siya.
Napalingon siya sa grupo ng mga babaeng nasa 'di kalayuan sa kanilang direksiyon. Patungo ang mga ito sa direksyon nila ni Leila. Naghahagikgikan ang mga ito. At isa na nga roon si Aimee Jane. Hindi niya naiwasang hindi mapatingin sa dalaga. Nakalimutan niya yatang kasama niya ang kaniyang girlfriend.
"Babe, sino ba'ng tinitingnan mo sa mga 'yan, ha?" napalingon siya sa kaniyang girlfriend na naniningkit ang mga matang nakatingin sa kaniya. Sumimangot ito sa kaniya.
Tiyak na yari na naman siya nito.
"Ha? Hindi sila ang tinitingnan ko, babe. 'Yung nasa likod nila. Mga kakilala ko 'yung mga lalaki na nasa sa likuran nila," palusot niya. Damn. He got caught staring at other girls.
Ngunit hindi bumenta ang palusot niya sa kaniyang girlfriend. Sa halip ay kinalas nito ang kanilang kamay na magkasalikop. At naglakad ito ng mabilis palayo sa kaniya.
Napakamot siya ng ulo. Sinundan niya ito kahit na ayaw nitong makipag-usap sa kaniya.
"Babe, huwag ka ng magalit. Hindi naman talaga ako nakatingin sa kanila," paliwanag niya habang mabilis na sinusundan ito palabas ng campus.
"Babe," malambing na tawag niya sa kaniyang kasintahan.
Ngunit hindi pa rin ito humihinto sa paglalakad.
Lumingon ito sa kaniya.
"I hate you! Huwag mo 'kong sundan!" singhal nito sa kaniya.
Ngunit hindi siya nagpatinag sa galit nito.
Nakarating siya sa bahay nito ng hindi pa rin siya kinikibo ng kaniyang girlfriend.
"Babe naman, 'di ba tutulungan pa kita sa assignment mo?"
"Kahit huwag na. Umalis ka na lang. Mas mabuti pa," anito at inirapan siya.
Nagpanting ang kaniyang tainga sa sinabi nito. Tumalim ang kaniyang mga mata.
"Pinapunta-punta mo pa 'ko rito tapos paaalisin mo lang din ako? T*ng ina!"
"Hindi kita pinapunta dito! Sinundan mo lang ako!" tinaasan siya nito ng boses.
Nag-umigting ang kaniyang panga. Agad niyang dinampot ang kaniyang bag na nakapatong sa ibabaw ng lamesita.
Sinamaan niya ito ng tingin. Nanlilisik naman ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
Nang makalabas siya ay padabog niyang isinara ang pinto ng bahay nito.
Ilang minuto rin ang lumipas. Naghihintay na siya ng masasakyan pauwi sa bahay. Akma na siyang sasakay sa humintong jeep. Nang bigla siyang awatin ni Leila.
"Babe, sorry na," sinusuyo siya ni Leila sa malambing na tinig.
Hindi siya umiimik. Mainit pa rin ang kaniyang ulo.
Niyakap siya nito. Ngunit bad mood pa rin siya.
Napalingon siya rito.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Di ba sabi ko sa 'yo huwag kang magsusuot ng gan'yan sa labas."
Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito.
"Galit ka pa ba?" anito sa malambing na tinig.
"Sa loob tayo mag-usap," aniya habang hinahaplos-haplos ang hubad na braso nito at pinipisil-pisil iyon.
Naupo siya sa mahabang couch. Si Leila naman ay sumiksik sa kaniya.
"Sorry na," humingi ito ng paumanhin sa kaniya.
Nakatitig ang malalaking mata nito sa kaniya.
"Walang sorry-sorry," biro nito sa seryosong tinig.
Napahagikgik naman ito.
Hinalikan siya nito ng mariin sa labi.
Napahinto siya sa pagtugon sa halik ng kaniyang kasintahan nang tumunog ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Hinugot niya sa kaniyang suot na pantalon ang cellphone niya.
Napansin niyang tumatawag ang kaniyang ina. Agad niya naman itong sinagot.
"Hello, Mommy."
"Nasaan ka, 'nak?"
Napatingin siya sa kaniyang girlfriend na nakatitig sa kaniya.
"Nandito po kina Leila. Tutulungan ko lang siya mommy sa assignment niya."
"Okay, 'nak. Huwag kang magpapagabi masyado sa daan. Okay?"
"Opo, Mommy. Love you. Uuwi rin po ako agad."
Nakatingin lamang sa kaniya si Leila habang nakikinig ito sa usapan nila ng kaniyang ina.
"Sige, 'nak. Mag-iingat ka. Love you."
Naputol na ang kanilang usapan.
"Pinapauwi ka na ni Tita Ashlee?" himutok ni Leila. Nakanguso pa ito.
"Huwag kang mag-alala. Magtatagal pa ako rito. Tutulungan pa kita sa assignment mo 'di ba? Basta ba may premyo 'ko mamaya pagkatapos kong gawin ang assignment mo," napangisi siya.
Napahagikgik ito. "Ewan ko sa 'yo," napairap ito at pilyang ngumiti.
"Kiss lang naman babe ang gusto ko. Ang damot mo naman," himutok niya sa kaniyang nobya.
Natawa ito sa kaniya.
"Oo na," umirap ito sa kaniya.
"Dude, laro tayo mamaya ng COD kina Noah," sambit ni Alex habang naglalakad sila patungong canteen.
"Hindi ako pwede, dude," tanggi niya sa anyaya nito.
May tatapusin pa kasi siyang school papers na malapit na ang deadline.
"Bakit? Pupuntahan mo na naman si Leila sa kanila? Ina-araw-araw mo na, ah," wika nito at ngumisi. Hindi niya nagustuhan ang biro nito sa kaniya.
"Ulol. Ano'ng pinagsasasabi mo riyan? Wala kaming ginagawang masama ni Leila."
"Talaga ba?" ngumisi ito ng nakakaloko. "Huwag naman araw-araw, dude. Masama 'yan sa kalusugan," tatawa-tawa pa ito sa kaniya.
"G*go. Hindi ko gawain 'yon. Igaya mo pa ako sa 'yo," singhal niya rito.
Malakas kasi talagang mang-asar itong kaibigan niya. Hindi pa naman sila lumalampas sa limitasyon ng kaniyang kasintahan.
Kahit na minsan ay natutukso siya sa uri ng pananamit ng kaniyang girlfriend, ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Masyado pa silang mga bata para sa makamunduhang bagay. Hindi pa siya handang magkaroon ng responsibilidad. Madalas lang silang magbiruan ng naughty jokes ng kaniyang kasintahan. Pero wala pa talagang nangyayari sa kanila ng nobya. Ayaw pa niyang angkinin si Leila. Alam niyang ang pagiging mapusok ay makakasama sa kaniya, at kay Leila.
Because they're still young. Marami pa silang pagdadaanan sa relasyon nila. Siguro kung matanda na sila at matured na sa bagay-bagay saka lang sila pwedeng lumampas sa limitasyon. Pero sa ngayon ay hindi muna pwedengg pairalin ang kapusukan. May mga pangarap pa siyang gustong matupad. Gusto niyang may mapatunayan sa kaniyang step-father.
May football game mamaya laban sa kanilang rival team. Natuon na naman ang pansin niya kay Aimee. Napakaganda talaga nito at napaka-sexy. Kapansin-pansin talaga ang magandang hubog ng katawan nito sa suot nito na cheer uniform.
She's beautifully blonde and curvy that's why she gets all the guys' attention when she was introduced as the new face of the cheerleading team.
Kung siya ang boyfriend nito ay bantay-sarado ito sa kaniya. Lalo na't maraming kalalakihan ang nabibighani sa taglay nitong ganda at kaseksihan.
Katulad niya.
Na kahit may girlfriend na ay hindi maiwasang hindi hangaan ang magandang babaeng iyon. Hindi ito nakakasawang tingnan.
Bahagyang napaawang ang kaniyang labi ng hagurin ng kaniyang mga mata ang kabuuan ng babae. She looks so perfect in her cheer uniform.
The girl got a dancer's body: thick, powerful thighs, wider hips, a fairly slim waist, and a generous bust line.
Good God. She's so damn hot. And it's illegal. She has a sinful body. That no guy could ever resist.
Do not look at Aimee in a cheer uniform. He scolds himself. Bakit ba kakaiba ang kaniyang nararamdaman nang mapagmasdan nito ang mala-diyosang kagandahan ng babae?
Nag-wa-warm up na ang kaniyang teammates ngunit hindi niya maiwas ang kaniyang tingin sa magandang dilag. Hindi tuloy siya makapag-concentrate.
"Huy, Ryle. Tama na ang kakatingin kay Aimee. Matutunaw 'yan," kantiyaw sa kaniya ni Kaden.
Nagtawanan ang kaniyang mga teammate.
"I feel you, bro. She's freakin' hot," wika naman ni Spencer sa kaniya.